Taka akong bumangon mula sa pagkakayuko ko sa study table ko, pagtayo ko doon ay tinanggal ko agad ang kumot na nakasandal sa aking likuran, nagtataka man ako ay pinilit kong baliwalain na lamang iyon. Narinig kong kumatok si Betty para ipaalam na handa na ang almusal kaya naman agad akong nag asikaso para sa pagpasok ko.
Agad akong naligo at kumain matapos iyon ay hinatid na ako nila Kuya Joel. Paglabas ko ng kotse ay nakita ko agad si Benjamin na nakasandal sa kanyang Hyundai Genesis na kotse, nang malingon nya ang pagdating ko agad syang tumayo ng maayos at sinalubong ako.
"Goodmorning Angel..." Ngiting bati nya sa akin. Agad ko syang sinimangutan habang nakataas ang kilay ko.
"Ang cute mo talaga...." Walang alinlangan sabi nya.
"Tigilan mo nga ako...." Iritang sabi ko nanaman.
"I love you...." Balewala nya sa pang aaway ko sakanya...
"Ang aga-aga Benjamin....iniinit mo ang ulo ko...." sabi ko habang nakasunod nanaman sya sa pagalalakad ko.
"Ikaw din e.....ang aga-aga pinapainit mo din ang ulo ko..." Taka ko syang nilingon at nakita ko ang parang baliw nyang ngiti. Mukang may kalaokohang naiisip.
"Anong???----" Natigilan na ako sa paglalakad at napaisip ako sa sinabi nya ang walang hiya ngumiti talaga ng wagas at nag lakad ng deretso ako naman ang naiwan doon habang tinitignan ko lang syang palayo.
"Nagpaalam ka na ba girl?" Salubong sa akin ni Veronica pagpasok ko ng classroom.
"Hindi pa e..." Ngumiti ako at umiling kahit na mukhang nalungkot ito sa harapan ko.
''Pero susubukan ko...." Ngumiti muli ako sakanya tumango naman sya sa akin at ngumiti na din. Agad na dumating ang Prof kaya naman agad kaming pumwesto sa mga upuan namin.
"Mahigpit ba talaga sila?" Narinig kong sabi sa akin ni Benjamin habang nagsusulat kami ng mga notes.
"Parang ganon na din..." Sabi ko ng di ko sya tinitignan.
'Gusto mo bang ipaalam kita?" Kunot noo ko syang tinignan nakatuon pa din ang atensyon nya sa board at sa pagsusulat.
"Bakit?"
"Malay mo pag ipagpaalam kita ay payagan ka nila...."
"Tsk...paano mo naman nasabi yan?"
"Kasi gwapo ako? At mukhang mapagkakatiwalaan?"
"Hahaha...mukha mo? Mapagkakatiwalaan??" Ngumiti ako, natatawa ako sa sinasabi nitong taong to.
"Mahal naman kita...." Mahinang sambit nya pero narinig ko padin.
"Tsk..." Sabay iling ko at muling baling sa notebook ko.
Friday na ngayon, bukas na ang party, pero wala pa din akong nagawang pagpapaalam. Sinabi ko kay Veronica na baka di na ako makadalo sa party dahil di ako pinayagan pero ang totoo ay di pa ako nakapagpaalam at wala din naman akong damit para doon, tyaka maliban sa mga classmates namin ay malamang may ibang bisita pa doon na mga mayayaman...baka mahirapan ako doon.
Pag-uwi ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Gabi na dahil may ginawa pa kaming group report para sa Monday kaya naman inabot na ako ng 7pm.
Pagbukas ko ng pintuan ay isang black dress ang bumungad sa akin, nakalatag ito sa ibabaw ng kama ko kasama ang isang box at sa ibabaw din noon ay ang invitation card ni Veronica at isang note. Agad akong lumapit doon para sipatin iyon. Binasa ko ang note doon.
Mag-ingat sa party....susunduin ka ni Joel ng 12am...Sir
Napakagat ako sa labi ko ng naisip ko na alam nya ang party na pupuntahan ko, at sya pa mismo ang bumili ng dress para sa akin...
Dinampot ko ang dress maganda iyon spaghetti strap kulay black at hanggang tuhod ko ang haba at hindi naman hapit sa katawan ko, kinuha ko din ang box na nandon at tinignan ang laman isang black na pumps na binagay sa dress kasama ang isang purse na black pero may mga diamond details din at ang isang maliit pang box doon na bago ko buksan ay may note din.
For Veronica
Binuksan ko iyon at nakita kong isa yong gold bracelet. So ibigsabihin ay wala na kong problema para sa party, may susuutin na ako at regalo na din.
Abala ako sa kakaisip at kakatitig sa mga gamit na nasa kama ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
SIR: Magpahinga kana kailangan maganda ka bukas...
Nakagat ko ang labi ko dahil doon....shocks pakiramdam ko kinikilig ako...hahahaha
Sinubukan kong pigilan ang kilig na nadarama ko pero kasi talangan natutuwa ako sa mga ginagawa ni Sir sa akin...sinubukan kong tawagan sya gamit ang cellphone ko.
Nakatatlong ring pa iyon bago nya sinagot...
"Salamat....pero kasi... nahihiya ako sa mga binigay mo na ito, ok lang naman sa akin na hindi na sana pumunta doon pero...kasi....basta salamat po...." Sabay kagat ko nanaman sa mga labi ko...kainis naman bakit parang pakiramdam ko kinikilig talaga ko....shocks...
Alam ko naman na hindi sya sa akin sasagot kahit na ano pang sabihin ko e, kaya pinatay ko na agad yon matapos kong ulit-ulitin ang pag-te-thank you sa kanya...nabigla ako ng tumunog muli ang cellphone ko.
SIR: Just enjoy the party....matulog ka na di pwedeng may eyebag ka pa bukas...take care..goodnight
Shiiiiiiiiiit!!!! Sabay talon-talon ko sa kama ko...sa kilig!!!!
Hahaha..di ko alam tama bang kiligin ako sa kanya?
E wala naman akong alam tungkol kay sir maliban nalang sa alam kong nabili na nya ako sa Don ay iyon lang iyon, di ko nga alam kung ilang taon na iyon e, kung may asawa ba, kung may girlfriend...hayyy
Hirap akong makatulog ng gabing iyon para akong tanga lang na ewan.
Hayyyy masama bang mahulog ang loob ko sa kanya?
Paikot-ikot ako sa kama ko. Kainis lang. Di ak makatulog. Sya padin ang nasa isip ko hayyyy....
Hindi pwedeng mahalin sya...hahaha mahalin? Paano ko naman nasabing mahal ko nga sya? E never ko pa naman na naranasan na magmahal nga di ba? Tyaka bata pa ako para makaramdam ako nito...
Masama bang mahulog nga ang loob ko sa kanya?
Mula ng lagi na kami nagcocommunicate ay gumaan na kasi ang loob ko sa kanya.
Para nagkaroon ako ng isang bestfriend na nakikinig sa mga simpleng kwento ko, lagi ko syang kakwentuhan sa araw-araw.
Pag-busy naman sya ay nagsasabi din sya sa akin.
Mahal ko na ba sya? Maari mo bang mahalin ang isang taong never mo manlang nakita ang mukha nito? Ang itsura nito?
Pero di ba sabi nga nila ay hindi naman basehan ang itsura? Hayyyy....
Naalala ko ang invitation card na iyon, naiwan ko pala iyong nakakalat sa higaan ko noong nakaraang araw, pero paano nyang nalaman na may party?
Baka nakita ni Betty?
Pero sino ang naglagay ng kumot sa akin nung isang gabi na iyon?
Di kaya nagpunta sya dito?
Naalala kong tinanong nya ako noon kung pwede kami magkita ng gabing iyon sa pc....pero di namin iyon nagawa....di kaya pumasok sya dito sa kwarto ko...nang gabing iyon, at sya mismo ang naglagay ng kumot sa akin?!!!!
Baka nga pumunta sya dito???!!
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...