- 43 -

633 9 3
                                    

Matapos kong maligo at makapag ayos ng aking sarili ay lumabas ako ng kwarto at naabutan kong nakaupo si Steven sa couch habang nanunuod ng tv. Nilingon nya ako at ngumiti sa akin ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Lets eat?" Nakangiti pading tanong nya kaya naman tumango din ako ng nakangiti. Agad kaming bumaba sa isang Restaurant ng resort.


Tahimik kaming kumakain pero ilang beses ko ding nahuli si Steven na matamang nakatingin sa akin. Malimit syang nakangiting nakatitig sa aking mukha kaya para akong nahihiya sa ginagawa nya. Pero parang hindi nawawala sa akin ang mga mata nya at ang nakakalokong ngiti sa mga labi nya.

"Ano bang ginagawa mo?" May diin kong tanong sa kanya. Ang loko nakangiti padin ng wagas.

"Why?" Nakangising tanong nya.

"Stop staring...please...." Sabay hilig ko ng kaunti sa lamesa pero parang mali ata yung ginawa ko dahil mula sa mukha ko bumaba ang mata nya sa aking dibdib... Nakalimutan ko palang naka dress ako na medyo malalim ang uka sa harapan, kaya bumalik ako sa diretsong pagkakaupo.

Lalong ngumiti ang loko. " But... I can't..." Muling tingin nya sa mga mata ko matapos doon. Ang lokong ito, maniac....

Mas pinili ko nalang na manahimik kaysa patulan ko lang sya at ako lang din naman ang mapipikon. Masaya sya ata ngayon pero di ko alam kung bakit.

Nakangisi pa rin sya sa akin ng tinignan ko kaya naman ngumiti dina ko ng plastic sa kanya dahil nainis na talaga ako. Itong Boss ko di ko alam kung ano ang trip e. Pero nagtaka ako ng lumampas sa akin ang mga mata nya.

"Steven...." Bati ng isang lalaki mula sa likuran ko.

" Mr.Fuentes..." Agad na nakabawi si Steven at tumayong nakangiti, nagkamayan ang dalawa. Bumaling ako sa bagong dating.

"O.....with someone juh?..." Nakangiting baling sa akin ng may edad na lalaki at halatang mayaman ito base sa kilos at pagtawa. Ngumiti ako at tumayo. Nakita ko na ang kasama nitong may edad din na babae marahil ay asawa nito.

"Yes.. uhmm .. Francine, Mr. Fuentes one of our business partner and his wife... Francine....my date..." Parang halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa pagpapakilala nya at sa malakas na pagtawa ni Mr. Fuentes maging ang asawa nya.

"O, firstime in the history yan a haha..." Halos di ko alam kung paanong makikipagkamay sa mag-asawa dahil sa kakatawa ng mga ito. Pero inabot ko padin ang kamay nilang inilahad sa akin. Anong ibig nyang sabihin sa salitang 'First time'?

Ngumiti din ang mokong ng binalingan ko sya ng tingin ay lalo syang ngumisi sa akin.

"O sya...mauna na kami..." Sabi ni Mr. Fuentes. Tumango si Steven sa kanila maging ang dalawang matanda pero ako ay yumuko ng kaunti para sa pag galang pero naramdaman ko ang isang mainit na palad nya nya humawak sa baywang ko para pigilan akong yumuko, dahil sa init ng kamay nyang iyon ay parang halos manigas ang katawan ko.

"Wag ka ng yumuko.... " Mahinang sabi nya sa may tenga ko nakadikit na pala sya sa akin. Ang mga daliri nya ay gumuguhit sa aking likuran, kaya naman ang mga kuryente doon ay nagsisidaluyan nanaman! Shit!

Mas pinili kong manahimik ng makarating na kami sa aming kwarto. Inabot na ng gabi ang katahimikan namin. Nakita ko syang naupo sa couch doon at inilabas ang kaniyang laptop. Marahil ay business padin ang gagawin nya.

Pero hindi ba ay hindi naman ako bisita lang dito? Secretary nya kaya ako. Lumapit ako para sana magtanong kung ano ang pwede kong gawin kasi hindi ko talaga alam kung ano ang business na pinunta namin dito. Dahil wala naman talaga syang nakaschedule na business dito base sa calendar ko bilang secretary nya.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon