- 20 -

731 14 0
                                    

Nang gabing iyon ay agad akong nagpahinga dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawang lupa ko. Nakahiga na ako matapos kong maglinis ng katawan at iniisip padin ang nangyari kagabi...

Di ko akalain na mararanasan ko ang mga ito. Pasalamat padin ba dapat ako dahil di natuloy ang balak ng Sir na iyon? At dahil sa hindi na ang Don ang nagmamay-ari sa akin.

Pero nasasaktan padin ako sa katotohanan na kahit anong gawin ko ay may nagmamay-ari na sa akin, wala na akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko, na kahit anong gawin ko ay wala na akong kalayaan....

Pumikit ako dahil muli nanaman tumulo ang mga luha ko, pero namula ang mukha ko ng pagpikit ko dahil agad pumasok sa isipan ko ang maiinit na tagpo namin kagabi dito sa kwarto ko, dito sa kama ko....muli kong nakita sa alaala ko ang kanyang imahe na bagaman hindi ko talaga makilala ay alam kong isang Adonis iyon...

Napakagat ako sa labi ko ng maalala ko kung paanong ilang minuto lamang ay napainit a nya ang katawan ko ng ganon na lamang, na kung di pa ako naiyak noon ay baka natuluyan na nya akong nakuha kagabi....ang isipan ko na ayaw...pero ang katawan ko ay halos gusto nyang bumigay kagabi...umiling ako sa naiisip kong iyon, hindi pwedeng bumigay agad ako ng ganon kabilis....nasa ganoong isipin ako ng biglang tumunog ang cellphone ko...

Agad ko iyong hinanap, dahil mula kanina ay di ko na iyon nahawakan, nakita ko iyon sa study table ko at tinitigan ko ang screen dahil tawag na galing sa isang number na hindi nakaregister sa doon, naisave ko naman ang number ni Benjamin kanina kahit na hindi ko iyon nireplyan....ayaw kong sagutin pero parang may nagtutulak sa sarili ko na sagutin iyon kaya wala akong nagawa kundi ang i-slide ang screen para sagutin ang tawag.

"Hello?" Sagot ko pero naghintay ako ng ilang segundo pero walang sumasagot, tinapat ko sa mukha ko ang screen pero diretso naman ang bilang ng segundo doon, takang sinagot ko muli iyon, "Hello?" Napalunok ako ng marinig ko ang isang buntong hininga mula sa kabilang linya...pero wala pading sagot sa tanong ko.

"Sino po sila?" muling tanong ko pero tulad sa una ay walang sagot mula dito, base sa narinig kong paghinga ay lalaki iyon....baka sya si....tooooooot...tooooot....Kunotnoo kong muling tinignan ako screen at putol na nga ang tawag doon...kinabahan ako may iba akong nararamdaman na baka sya nga iyon...

Nang biglang muling tumunog ang cellphone sa isang text, nginig ang kamay kong inopen ang message na iyon.

" Facebook Log-in.

Account name: Ms.SanVicenteFrancine

Password: ************* "

Agad kong tinignan ang computer na nasa study table ko... Sino ba ito....kinakabahan na ako a.

Tumayo ako para iopen ang computer...kailangan ko ng lakas ng loob para malaman ko kung sino ito, pero may iba pa bang nakakaalam na ako si Francine na galing sa San Vicente??

Syempre maliban sa mga tauhan ni SIR ay si SIR nalang at ako ang nakakaalam....

Agad kong binuksan ang account na sinabi doon at nakita ko ang mga pictures ko doon...takang-taka ako kasi di naman ako gumawa ng facebook mula ng dumating ako sa mansion na ito kahit pa kailangan ko minsan na gumamit ng computer ay puro sa pag aaral ko lamang naman nagamit ang bagay na ito.

Nagulat ako ng may biglang lumabas doon na message sa baba na galing kay SIRBABYFRANCINE...Shit....

"Pwede ba akong tumawag?" Ilang segundo ko iyong tinitigan bago ko iyon nasagot..

"OK lang..." Maiksing sagot ko.

Maya pa ay nag-call nga sya, pero laking taka ko ng wala naman akong makitang kahit na anong image sa screen....nakailang hello ako pero wala ding sagot doon....kainis na a...

Biglang muling tumunog ang cellphone ko sa isang text.

"Ayos ka na ba?" Gamit ang number na kaninang ginamit ng nagbigay ng account sa fb. Muli akong bumaling sa screen ng computer ko pero wala padin akong maaninag maliban sa dilim. Takang tinitigan ko iyon....ng tumunog muli ang cellphone ko isa nanamang message.

"Mas mabuti na sigurong nakikita lang kita kesa nakikita mo din ako...." Text nya.

"Pero bakit?" Tanong ko mismo sa katawagan ko sa screen.

"Ok na ako na nakikita kita at nakakausap kahit na hindi mo ako nakikita at nakakausap verbaly?"

Huminga ako ng malalim sa text nyang iyon....seryoso?

Gusto nyang sumasagot ako ng live sa mga usapan namin at nakikita nya ako ng live samantalang sya ay di ko manlang makita o kahit marinig manlang ang boses nya...

"Bakit?" Muli kong tanong sa screen.

"Mas ok nang ganito na hindi mo ako makita..." Sagot nya muli sa text sa cellphone ko. Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon.

"Ok ka na ba?" Dahan-dahan akong tumango para sagutin yung mga tanong nya sa text.

"Gusto ko sanang maging kaibigan ka....kung ok lang sayo? Alam ko kasing natakot kita kagabi....."

"OK na ako,...medyo ok na ako...."Ngumiti ako sa screen para makita nya iyon.

"Ok lang din sa akin na maging friends tayo,..." dagdag ko.

"Thanks...." muli nyang text.

Madami pa kaming napag usapan noon, pero never nyang inopen sa akin ang issue ko na nabili na nga nya ako sa Don, na pag-aari na nya ako. Wala syang ginawang usapan na ganon, ang dami nyang tinanong puro pangangamusta lang ang ginawa nya at puro maayos naman ang naging sagot ko. About sa pag-aaral at sa pag sstay ko sa mansion...

Naging magaan ang usapan namin. Nakakatuwa syang kausap kahit na mukha kaming tanga....hahahaha pero ang nakakatuwa doon ay ng mahibkab na ako at sinabi nyang magsleep na daw ako baka daw kasi matukso pa sya sa akin na samahan akong matulog dito sa kwarto ko....

Napakagat ako ng labi ko ng sabihin nya yon sa text pero syempre di naman pwedeng magpacute ako sa kanya di ba...kahit na alam kong isa syang adonis ay wala padin akong karapatang mag feeling maganda kahit na maganda naman talaga ko. Pero syempre sa yaman siguro ng taong ito ay maraming babae na ang nakilala at nakakasalamuha nito pero di kaya torpe sya?

Torpe,... kasi ayaw nyang magpakita sa akin, ang gusto lang nya ay makita at marinig lang ang boses ko pero wala syang lakas ng loob na magpakita sa akin??

Torpe?..pero bakit ganon? May torpe bang ganon kabilis sa kama? Na kung hindi pa natulo ang luha ko at baka nakuha na nya iyon?

Shit lang....ano bang mga iniisip ko?

Pinilit kong makatulog ng gabing iyon...kahit na antok na talaga ng mata ko pero ang katawan at ang isip ko ay walang ibang ginawa kundi ang isipin sya....

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon