Dalawang linggo ang matagal na lumipas.
Hindi ko na sya nakita.Oo, hindi ko na sya nakita. Matapos ang namagitan sa amin dito sa bahay ng mga magulang ko ay bigla na lamang syang naglahong parang bula.
Na parang wala lang.
Lakas makag*g*...
Matapos nya akong sundan dito sa San Vicente ay parang wala lang ng lumisan sya. Nang lisanin nya ako.
Karma ko na ba 'to? Matapos ko syang ilang ulit na iwan sa ere?
Pero bumawi naman ako di ba?
Mas pinili ko na sya kumpara sa lahat... sa lahat-lahat.
Niyaya ko na nga syang magtanan...
Pero tinanggihan nya lang ako. Ang laking sampal sa akin noon bilang babae...
Matapos kong lunukin ang pride ko...
Ako pa na babae... ako pa?!!Matapos kong ibigay muli ang sarili ko sakanya. Dito pa sa loob ng pamamahay ng mga magulang ko. Kung saan, si Sir pa mismo ang tumubos at nagpaayos nito.
Pero siguro nga ay dapat pa rin akong matuwa dahil na din sa hindi ko na sya nakita. Dahil matapos nya akong tanggihan... wala na din siguro akong mukhang maihaharap pa sa kanya...
Mahal ko sya... alam kong sapat na yung pagmamahal ko sakanya para sya ang piliin ko... pero hindi yata ganon kasapat ang pagmamahal nya sa akin... para ako din ang piliin nya.
"Anak... ayos ka lang ba?" Baling sa akin ni ina habang abala ako sa pag-uurong ng hugasan isang gabi.
Pilit akong ngumiti at tumango... kahit na nakatalikod pa ako sa kanya.
"Si Steven ba?" Natigil ako sa ginagawa at hinarap ko si ina na nagkakape sa may lamesa. Tulog na si ama matapos namin kumain ng hapunan kanina.
" Hindi ho nay... paanong---" pilit akong ngumiti at sandaling nilingon sya para mapagtakpan ang tunay kong nararamdaman.
"Huwag mo ng ipagkaila... anak... kilala kita..." Putol ni ina sa sasabihin ko. Agad akong nag-iwas tingin. " Mahal mo sya?"
Umiwas ako ng tingin kay ina ng muling madako sa kanya ang aking mga mata. Alam ko naman na halata na mahal ko si Steven noon pa... pero ang hindi ko gustong makita n'ya sa mga mata ko ay ang katotohanan na higit pa sa sakit na nararamdaman ng isang nasasaktang nagmamahal...
"Tulog na po kayo inay... tapusin ko lang po ito..." Mahinay kong pagbabago sa usapan, ngumiti ako ng pilit at muling hinarap ang hugasan. Tahimik kong nakagat ang pang ibabang labi ko ng makatalikod na ako.
"Hindi lahat ng pagmamahal pinaglalaban... kung hindi ka mahal... matuto kang pakawalan..." Nahinto ako muli sa ginagawa at tahimik na nakinig. "Malay mo... pagdating ng panahon... maging masaya pa kayo na wala ang isat-isa... Pero pag alam mong pareho kayo ng nararamdaman... Bakit hindi mo ipaglaban..."
Tahimik na tumulo ang luha ko sa isang pisngi. Pinilit kong wag humikbi dahil ayaw kong malaman ni ina na umiiyak ako.
Palayain???
Si Steven???
Ilang beses ko na bang sinabi yon?
Ilang beses ko na bang plinano iyon?
Ilang beses na din ba akong natalo ng puso ko?
Ilang beses ko na bang sinuway ang dapat na matagal ko ng ginawa?
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...