"Only mine...." Muling sabi nya ng umangat muli ang mukha nya sa mukha ko, nanigas na ako sa mga sinabi nya...ibigsabihin ay naibenta na ako sa kanya? Binenta na ko ng Don sa taong ito?
Ganon na lamang ba ang halaga ng mga katulad ko?
Suminghap ako dahil sa pagpipigil ko na maiyak, kinagat ko ang labi ko para mapigil ko ang ingay ng pag iyak ko pero di ko na talaga napigilan, Isang masaganang luha ang kumawala sa aking mga mata at mga mahihinang impit na iyak mula sa lalamunan ko ang di ko napigilan...
Habang abala sya sa paghalik sa punong tainga at leeg ko ay bigla syang nahinto at hinarap nya ang mukha ko...
"Fuck....." Mahinang mura nya na lalong nagpaiyak sa akin....Lumabas na lahat ng pinipigilan kong luha lalo na ng hinaplos nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang dumadaloy doon.
"Sorry....sorry..." Sabay halik nya muli sa labi ko....habang kulong sa mga palad nya ang aking mukha...mga munting halik na parang nakatulong sa akin para maibsan ang nadarama kong awa sa aking sarili. Mababaw, malambing, mumunting halik na parang nag pagaan sa damsdamin ko, maingat na halik na nagpapagaan sa bigat na nadarama ko.
"Sorry...." at hinalikan nya naman ang aking pisngi kung saan dumadaloy ang mga luha ko, para bang sa pamamagitan noon ay mauubos na ang mga luha ko....
Naramdaman ko na umalis sya sa ibabaw ko...at humiga sa tabi ko...mahinay nya akong hinila at dinantay ang ulo ko sa kanyang dibdib....hinaplos nya ang ulo ko at ang likod ko na lalong napalabas sa iyak ko...
"Sssshhhh......" Tahan nya sa akin.
Ilang oras pa aking umiyak noon, hinayaan nya lang na iyakan ko ang malapad at matigas nyang dibdib...
Di ko alam kung anong oras ako nakatulog, ang alam ko lang ay nakatulog nalang ako na umiiyak...
Nagising ako sa kwarto ko na bukas na ang bintana at tumatama na ang sikat ng araw sa mukha ko.
Naupo ako sa kama , at dinama ang katawan ko kung napagsamantalahan na ba ako ng tuluyan kagabi ng tulog ako...
Wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko...maliban sa wala na akong suot na bra...ay wala na....shit!!!!
Tinanggal nya talaga ang bra ko? Napalunok ako sa isipin kong iyon. Agad kong hinanap ang munting saplot na iyon at nakita ko sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko kasama ang isang bouquet ng red roses...at chocolates...
Bumangon na ako ng tuluyan at kinuha ang note na nakita ko sa rose..
Francine,
Goodmornig, belated happy birthday....sorry para sa kagabi...di ko sinasadya...na saktan ka...Tyaka ng pala ayaw kong may suot kang bra kapag natutulog...Sana ako lang din ang may karapatan na magbigay sa iyo ng mga ito...take care...
Sir
Napalunok ako na nang init ang aking pisngi...Shit...pati ba naman ang pag-suot ko ng bra kagabi ay isang malaking issue na sa kanya? Nakakahiya...Shit....
Naalala ko din ang regalo sa akin kahapon ni Benjamin ang roses at ang chocolates...Oo nga pala iniwan ko yon kagabi sa sala...baka nakita nya yon...
Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba para mag luto ng pagkain ko....wala kasi si Betty di ba...Maga ang aking mga mata sa kakaiyak kagabi pero binalewala ko nalang iyon
Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso ako sa bintana kung saan nakikita ang parking lot wala na doon ang Hammer na nandoon kagabi... ang FJ Cruiser at ang Monterosport nalang ang andoon.
Nandito pa kaya sya? Tanong ko sa sarili ko, ano ka ba Francine....bakit mo pinapangarap na dapat andito pa sya?
Huminga ako ng malalim at tinahak na ang daan papuntang kusina...iniisip ko ang lahat ng nangyari kagabi, di ko mapigilan ang samot-samong damdamin ko...
Ang init ng kanyang haplos sa akin pati ang mga halik nyang nakakawala sa katinuan ko, pero umiyak ako dahil sa nalaman kong binenta na ako ng Don sa kanya...
Dapat ko bang ikatuwa na binenta na ako ng Don sa katulad nyang mukhang di naman masamang tao? Kumpara sa isang gahaman na Don na iyon...Kaya pala Sir ang tawag nila at hindi Don.... Ngayon alam ko na....
Lunod ako sa lalim ng isipin na iyon.. habang tuluyan na akong dumiretso sa kusina...ng....
"HAPPY BIRTHDAY!!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mag tao doon na kinagulat ko!!!
Sabay-sabay nilang kinanta ang kanta ng Happy Birtday para sa akin..naiyak ako ng makita ko sila Betty na hawak ang cake at si Kuya Joel at ang driver namin na si Kuya Eric at ang isa pang lalaki na alam kong body guard o driver din kasi kasama sya na sumundo sa akin sa San Vicente noon...
Nang matapos ang kanta ay lumapit sa akin si Betty para sa cake...
"Happy Birthday Miss Francine...." Abot tenga ang ngiti nito sa akin..
"Salamat po..." Naiiyak kong sagot sa kanila...
"Blow the candle na po..ay wish pala muna...hehehe" Sabi ni Kuya Joel na tinanguan ko naman. Matapos kong mag-wish at hipan ang kandila ay sabay-sabay sila ulit na bumati sa akin ng happy birthday...
Kumain kami lahat, masaya ako dahil kahit papano na kahapon pa ang birthday ko ay may ganitong surpresa pa akong natanggap...noon sila ama at ina lang ang kasama kong nagcecelebrate nito pati ang mga piling kaibigan ko sa San Vicente...
"Akala ko ba ay uuwi ka sa pamilya mo sa probinsya ate Betty...?"
Nahiya ito at umiling...."Sorry po maam....pero di po natuloy..." Ngumiti sya muli sa akin.
Sabay-sabay silang nag abot sa akin ng mga regalo nila...
"Sorry maam...ito lang po nakayanan namin..." Sabay abot sa akin ni Kuya Eric ng regalo nya.
"Hala si kuya Eric, nag abala pa po kayo..pero salamat po a...." sabay hampas ko sa braso nya ng mahina.
"Salamat po sa inyo...." Masaya kong sabi sa kanila, pero nagtaka ako ng tinitigan nila ako...
"Bakit may dumi po ba ako sa mukha?" Takang tanong ko sa kanila.
"Wal----"
"Umiyak po ba kayo magdamag maam?" Putol ni Betty sa sasabihin ni Kuya Joel.
"Betty!" Saway nito.
"Sorry po...." Nahiya tuloy sya at yumuko. Para naman akong natulala sa naisip ko, oo nga pala umiyak ako kagabi dahil sa mga nangyari...
"A kasi.....namiss ko lang po ang mga magulang ko...." Pagsisinungaling ko sa kanila.
Ngumiti naman sila sa akin kahit na kita kong nag aalangan sila sa akin o naaawa...
Tumayo bigla si Kuya Joel at may kinuhang isang paper bag sa kabilang sofa at inabot iyon sa akin.
"Pinabibigay po ni Sir, Ms. Francine..." Takang inabot ko iyon at binuksan.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...