- 33 -

695 12 5
                                    

Habang abala ang CEO sa pakikipag-usap sa cellphone nya ay nakatayo lamang ako dito sa harapan ng table nya. Hindi ako umupo sa upuan na nasa tapat ng lamesa...nakakahiya baka isipin nyang masyado akong feeling welcome...

"Ok...goodbye..." Naalarma ako ng marinig kong nagpaalam na sya sa kanyang kausap. Yumuko ako ng bahagya para sa pagbati ng makita ko ang pagpihit ng upuan nya paharap sa lamesa...paharap sa akin....

"Goodmorning po Sir...ako po si Francine Vargas..." Matapos kong sabihin iyon ay saka ko lamang inangat ang mukha ko para harapin ang mga mata nya...gulat ako ng makita ko kung siino sya...

Ang mga mata nyang seryoso...seryosong nakatingin sa akin, mga matang hindi mo mabasa, walang damdamin...ang ilong na matangos...ang mga labi na dati kong pinangarap na matikman...

Sa loob ng ilang taon na hindi ko sya nakita tingin ko ay lalo syang naging matipuno, ang mga balikat nya na lalong lumapad...Shit ano bang iniisip ko???

STEVEN.

"Hi! Ms. Vargas...." Putol nya sa pagpapantasya ko sakanya...ngumiti sya pero ang mga mata nya ay seryosong nakatingin sa akin.

Pilit akong ngumiti kahit na nag aalangan ako..."Hello po..."

Shit...ayoko ng ganitong pakiramdam...matagal na ang panahon na iyon, isang beses lang din kaming nagkasama...sa isang beses na yon na may halos dalawang oras...at ang sumunod na pagkikita ay di pa maganda dahil sa nakita nya kami ni Benj sa parkinglot ng condo....at iniwan ko silang dalawa doon ng nag aaway.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas...asan na ang boss na nasa isip ko? Iyong matandang boss na kaunting pagkakamali lang ay sisigawan ka na...parang mas gusto kong maging totoo nalang ang kinakatakutan kong matandang boss na iyon...

"So...ikaw ang new secretary ko..." Tumango ako ng marahan, kahit na pakiramdam ko ay gusto ko ng tumakbo palayo...

"Ammm...Sir....Saan po ba ang working place ko?" Alangan kong tanong, di ko talaga gusto ang pagkikita namin ngayon, pakiramdam ko ay hindi ako handa...

"Iyon ang table mo...you may start..." Walang ganang sagot nya sakin sabay turo ng lamesa sa may gilid ng double door...so ibigsabihin ay magkasama kami dito sa loob ng opisina nya?

Kaming dalawa lang? Napansin kong walang ibang pintuan kanina sa hallway...maliban sa pantry...it means kami lang ang nandito sa buong floor na ito?

"Ok po...salamat po..." Pagtalikod na pagtalikod ko ay saka ko lamang naibuga ang malalim kong hininga...Shit....kinagat ko ang labi ko para mabawasan ang kaba ko...pero nakakatulong ba yun?Parang hindi naman kasi e..

Ang puso ko na kanina pa kinakabahan bago harapin ang HR Head ay ngayon pakiramdam ko ay nakawala na ang lahat ng nasa katawan ko...Parang kailangan ko ng habulin ang mga iyon...

Tahimik akong umupo doon para ayusin ang mga gamit ko, humugot ako muli ng malalim na hininga at ibinuga iyon ng tahimik...

"Ang kailangan mo lang namang gawin ay ang icheck ang schedules ko, ayusin ito, sumama sa mga meetings ko....at iprovide ang mga papers na kailangan ko...at kung ano-ano pa...pero yun ang usually na dapat mong gawin...Ms...Francine..." Sabay sulyap nya sa akin mula sa mga papeles na binabasa.

Agad akong tumango bilang pagsang-ayon. "Opo.."

Abala ako sa pag aayos ng mga paper works na nasa lamesa ko, pero di ko maiwasan na sulyapan sya ng palihim..kainis lang...yung mata ko kasi e parang ayaw tumigil sumulyap kahit na may mga ginagawa ako.

Hawak ko ang mga papeles at si Steven naman ay abala sa pagpirma t pagbabasa ng mga papers doon kaya naman pasalamat ako dahil di nya nakikita ng mga pagsulyap ko sa kanya.

Nakayuko ako pero yung mata ko ay nakatuon parin sa gwapong nilalang sa kabilang lamesa...

KRING...KRING....

Halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog ang telepono sa lamesa ako, sa pagkagulat ay agad ko iyon dinampot pero dumulas sa kamay ko at muntik ng mahulog sa sahig buti nalang ay naabutan ko bago tuluyang malaglag...sumulyap ako kay Steven habang nilalapit ko ang awditibo sa tenga ko, nakita ko syang seryosong nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay at umiling saka muling bumalik sa papeles ang mga mata nya. Napalunok ako dahil sa pakiramdam ko palpak agad ako...Shit unang araw ko palang e....

"Hello...."

"Ms. Vargas?" Tanong ng isang boses lalaki.

"Yes, speaking?"

"Maam....may bisita po si Sir...Si Ms. Cindy po..."

"Wait po..." Sabay takip ko sa awditibo at bumaling ako kay Steven, "Sir?" Tawag ko sakanya na di ko alam kung narinig ba nya dahil sa hina nito, pero bumaling sya sa akin ng nakataas padin ang kilay...

"Nasa baba daw po si Ms. Cindy?...."

"Ok..papasukin mo.." Tumango agad ako at saka bumalik sa telepono. Sinabi ko sa guard na papasukin sya.

Nakasimangot ako dahil sa isipin na may bisitang babae ang darating dito sa opisina. Pinilit kong tanggalin sa utak ko ang bisita pero biglang may kumatok sa pintuan kaya naman tumayo ako para buksan iyon pero.

"Ms. Vargas...." Lumingon ako kay Steve bago ako nakahakbang nakita ko syang umiling sa akin at sinenyasan akong umupo lamang ako sa pinanggalingan ko...nagtataka man ako ay ginawa ko ang sinabi nya. Tahimik akong umupo muli doon at may narinig akong CLICK mula sa pinto saka ito bumukas ang pumasok ang babaeng naka-pink na dress, hapit sa katawan nya ang suot nyang dress at ang tangkad at ang paraan ng pagtayo at paglalakad nito ay halatang mayaman...derederetso itong naglakad patungo sa lamesa ni Steven at parang di nya ata narinig ang pagbati ko dahil hindi nya manlang ako nilingon...

"Goodmorning baby..." Malambing na pagbati nito kay Steven at nagbeso-beso pero parang uminit ang ulo ko ng humawak ito sa magkabilaang balikat ni Steve habang nagbebeso at matapo iyon ay humaplos naman iyon sa dibdib...napangiwi ako..halatadong nang aakit..Kainis lang...

Agad akong tinapunan ng tingin ni Steven kaya parang nabuhusan ako ng malamig na tubig kaya naman wala akong nagawa ko kundi ang yumuko at abalahin ang sarili ko sa aking trabaho...

Naririnig ko ang malanding pakikipag-usap ng Cindy na iyon kay Steven...palihim pa rin akong sumusulyap, baka kasi kung ano ng ginagawa nila...

Parang sinisisi ko pa tuloy itong table ko, bakit ba kasi kailangan pang nandito sa loob ng opisina ng CEO ang lamesa ko, e pwede naman sa labas...kahit maliit na table lang...para kahit na papano ay may privacy si Sir...pero mas maganda ba talagang nasa labas ako? O andito ako para bantayan ang mga ginagawa ni Sir...para masigurado ko din na walang mangyayaring milagro dito sa opisina nya...

"Cindy, Stop it..." Pikon na bulong ni Steven sa babae..

"Why???..." Malanding tanong nito...Lumingon ako saka ko lang nakita na nakatayo na pala sa likuran ni Steven yung haliparot ay hinihimas na ang dibdib nito pababa kahit na may coat pa ito....ang laswa!!!!

Nalaglag ang hawak kong ballpen dahil sa nakita ko sabay silang napatingin sa gawi ko, si Steven na ang mga mata ay walang emosyon, at ang mata naman ng malandi ay masamang nakatingin sa akin at nakataas pa ang isang kilay...

"New Secretary?Baby?" Tanong nya kay Steven pero nasa akin ang mga mata.

"Yes..." sabay hawak muli ni Steven sa mga papeles..

"Why?...i mean...bakit dito sa loob ng opisina mo sya pinapwesto?!" Gigil na tanong nya. Para naman akong di mapakali kung sakaling mag-away sila di ba at nandito ako sa loob..

"None of your business...Cindy...you may go now...kung wala ka naman palang sadyang importante...." Walang ganang sabi nya sa babae... Sumigaw ang babae sa inis atsaka nagmartsa palabas ng opisina pero bago iyon ay sumulyap ulit sya sa akin gamit ang nakamamatay na mga titig...sabay sinabihan pa ako ng 'Tse' ...langya iyon a...pasalamat sya at andito si Sir kung wala nako....at pasalamat sya hindi ko sya papatulan....hayyy....


Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon