Tulala ako sa bintana ng kotse, ng biglang may narinig akong tumunog na cellphone ni kuya Joel.
Nilingon ko ito at saka ko napansin na tumingin din ito sa akin sa rearview mirror.
"Yes sir..."
"Opo, pauwi na po kami..."
"Yes sir...." Mga sagot niya sa kausap nito sa kabilang linya. Pinatay nya ito at muling naging abala.
"Kuya Joel..." Tawag ko dito, lumingon naman ito sa akin.
"hmmmm...pwede po bang malaman kung nasaan na po yung kotse na ginamit po ninyo nung sinundo nyo ako sa San Vicente?...." Nagkatinginan nanaman sila.
"Gamit na po ni Sir....Maam..." Sagot nya sa akin at muli ng bumalik sa maayos na upo.
Ibigsabihin ay andyan na ang Don sa mansion? Nakita ko kasi kahapon ang kotse sa parking ng mansion pero kanina ay laking taka ko ng wala na iyon at hindi iyon ang ginamit namin...isang malaking takot ang naramdaman ko para sa sarili ko. Kung nandyan na nga ang Don ibig sabihin ay pwedeng makasama ko na sya mamaya....dapat ba akong matuwa para magpasalmat o matakot para sa sarili ko?
Papasok na kami sa mansion, huminga naman ako ng malalim saka ko binuksan ang pintuan ng kotse, nauna ako kay kuya Joel na bubuksan din pala dapat ang pintuan sa side ko.
Nakita ko si Betty na naghihintay na sa bungad ng pintuan para sa aming pagdating.
"Nakahanda na po ang tanghalian maam..." Ngiting bungad nito sa amin, kaya naman ngumiti din ako dito. Agad akong pumasok sa dining area at kumain.
Dapat ko bang ipagpasalamat sa Don ang mga bagay na mayroon ako ngayon? Binigay nya ang mga kailangan ng pamilya ko sa mga oras na kailangan namin ng pera, sumuporta sya kahit na namumuhi ako sakanya, inilayo nya ako sa pamilya ko at dinala ako dito sa mansion ng ako lamang mag isa, ako lang mag isa pero pinararamdam naman nila na maari yata akong magbuhay prinsesa dito. Agad kong tinapos ang tanghalian ko dahil medyo wala akong gana. Agad akong nagtungo sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay nakita ko agad ang isang puting box na nakapatong sa kama ko.
Agad ko iyong tinignan, cellphone ito...cellphone...para sa akin?....totoo? Pero saan ito galing?
"Betty!......Betty......" Tawag ko dito ng binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Agad itong tumakbo patungo sa kwarto ko.
"Bakit po maam?..." aligagang tanong nito matapos makapasok dito sa kwarto ko...
"Sino naglagay nito?" sabay turo ko sa box ng cellphone na nasa kama padin habang ako ay nakatayo malapit doon.
Nangunot ang noo nito saka lumapit sa kama para makita kung ano iyon.
Takang tingin din ang sinagot nito sa akin.
"Hindi ko po alam maam...." Alangan na sagot nito.
"Yung totoo?" Umiling ito.
"Matapos po akong maglinis kanina dito, ay umalis na po ako para po mamalengke...matapos po noon ay di na ako dito muling pumasok maam...." Takot na paliwanag nito sa akin, na nagpapawi ng inis ko...nahiya ako sakanya, wala akong karapatang awayin ito. Dahil wala naman itong ginawang di maganda sa akin, maliban na lamang sa paglilihim nila sa akin tungkol sa Don sa tuwing nagtatanong ako sa mga tauhan dito ay puro yuko lamang ang mga sagot nila.
"Pasensya na...." Mahinang sabi ko dito. "Sorry...." Muling hinging paumanhin ko dito na nagpangiti naman nito sa akin.
"Ok lang po maam, pero kung andyan po iyan malamang po ay para po iyan sa inyo...." Sabi nito sa akin.
Oo, malamang ay para nga ito sa akin....mataman kong tinitingnan ang box na nasa ibabaw ng kama ko, habang ako ay nakaupo sa gilid ng kama, di ko ito binuksan mula pa kaninang nakita ko ito, ayokong pakialaman ito. Nakita ko kasi sa labas ng box ang drawing doon na cellphone kaya malamang naman ay cellphone nga ito.
Nakatulog ako sa kakaisip sa cellphone na iyon, nagising na lamang ako sa mga katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Ms. Francine....handa na po ang hapunan..." tawag muli ni Betty, inabot na pala ako ng hapon kakaisip sa cellphone.
"Susunod na po...." Sagot ko dito at agad naman na naglakad ito palayo sa pintuan ng kwarto ko.
"Ms. Francine..." kuha ni kuya Joel sa atensyon ko mula sa pagkatulala ko sa pinggan ko, nilingon ko ito.
"Nakita nyo po ba ang cellphone sa kwarto?" Tumango ako.
"Para po iyon sa inyo, bigay po ni Sir...."
"Pero bakit?...." Takang tanong ko dito.
"Para daw po kapag tumawag ang inyong ina ay makausap mo manlang...." Ngumiti ito sa akin. Parang may humaplos sa puso ko ng narinig ko ang sinabi nito.
Totoo bang ang Don ang nagbigay nito sa akin? Bakit ganito nya ako pahalagahan? Bakit parang nag iba na ang pakikitungo nito sa akin kumpara sa mga nakaraang mga panahon na nagkita kami.
"Salamat...." Naramdaman ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko, pero pinilit kong wag itong malaglag.
"Kaya po wag po kayong mahiyang gamitin iyon, para po iyon sa inyo, para sa mga importanteng pangangailangan...." Tumango ako para sa sagot dito.
Matapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko para makita ang cellphone..Agad ko iyong tinanggal sa box at pinindot. Umilaw agad iyon ng pindutin ko ang gitang button.
Ignorante na kung ignorante. Ang alam ko lang gamitin ay yong mga cellphone na de-keypad....iyon yung pinainggit sa akin dati ng kaklase ko dahil alam nyang halos lahat kami sa paaralan ay walang kakayahang makabili noon, dahil sa hirap ng buhay doon.
Ilang minuto ko iyon tinitignan pati ang mga module na galing sa box ng bigla na lamang iyong tumunog, muntikan ko ng mabitawan sa kabiglaan ko...Nang makabawi ako ay nakita ko ang slide sa screen noon at ini-slide iyon at inilagay ko sa tainga ko.
"Hello?...." Kabadong tanong ko dito.
"Anak?" Alalang sabi agad ni ina na nagpatulo sa luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Inay....."
"Kamusta ka na dyan?....."
"O-k lang na-man po ako ina..." Pilit kon ginagawang pormal ang boses ko, ayokong maramdaman nya ang takot na nararamdaman ko sa ngayon, pinili ko ito kaya dapat ko itong panindigan, kami nalang ni ina ang dapat na naghuhugutan ng lakas sa isa't isa.
"Sigurado ka ba? Kamusta ang pakikitungo nila dyan sa iyo?" Di maitago ang alala ni ina sa akin.
"Maayos naman po ina....mababait po sila dito..kayo po dyan ni ama?" Narinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya.
"Ok naman na ang ama mo, pero kailangan nya padin magpagaling dahil sa na stroke nga sya, ok lang kami dito, inaalagaan naman kami dito sa ospital anak...."
"Salamat naman po...."
"Mag iingat ka dyan anak a....mahal ka namin ng ama mo---"
"In----" naputol ang sasabihin ko ng maputol ang linya.
Matapos yon ay natulala ako sa ere. Masaya ako na nakausap ko muli si ina, ang malaman na ok sila at di sila pinapabayaan doon ay isang malaking pasasalamat ko sa Don, kung tutuusin ay takot at muhi ako sa kanya, dahil sa mga nais nitong gawin sa akin pero sa mga ginagawa nito ngayon para sa akin at sa pamilya ko ay pasalamat padin ako para dito....pero gano katagal?
Bumagsak ang masaganang luha sa mga mata ko ng naramdaman ko muli ang takot sa puso ko....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...