Habang abala ang lahat sa kasiyahan ako naman aya panay ang silip sa aking wristwatch at cellphone. Wala kasi ako masyadong close sa mga classmate ko.
Huminga ako ng malalim matapos kong sulyapan muli ang cellphone ko, hinihintay kong magtext manlang sa akin si Sir baka sakaling may makausap ako. Pero siguro ay abala sya sa ngayon...sa girlfriend, sa sariling pamilya, o sa asawa...napangiwi ako dahil sa mga naiisip ko.
E ano naman kung pamilyado na sya Francine....e isa ka lang namang babaeng tinutulungan nya e....pagalit ko sa sarili ko, totoo naman kasing wala dapat akong pakialam sa personal na buhay ni Sir pero dapat nga bang wala? Matapos ng namagitan sa amin nung birthday ko?
Sumimsim ako sa juice ko saka ko muling sinulyapan ang cellphone ko. 10pm na...ilang oras na lang...
Nagtatawanan ang mga classmate ko ng may napansin akong lalaki sa kabilang bahagi ng mansion, sinulyapan ko sya para mapatunayan kong nakatingin nga sya sa akin at doon ko nga lang napatotoo hindi naman pala, seryoso syang nakatingin sa baso ng alak nya habang mag isa lang sya sa kaniyang lamesa. Mukha syang businessman na tingin ko ay wala pa naman sa trenta at lampas twentyfive ang edad nito.
Kahit na malayo ang pagitan namin ay kung wala ang malawak na dance floor at ang mga taong palakad-lakad sa kabuuan ng lugar ay magkatapat kami. Nakaharap sya sa akin at ganon din ako s kanya base sa pagkakaupo naming dalawa.
Dumapo ang mata ko sa kanyang mukha...maputi, matangos ang ilong, manipis ang mapulang labi, malalalim na mga mata.
Nakatuxedo syang itim at malalim ang tingin sa baso ng alak nya habang nakayuko, nanatili ang mata ko sa mukha nya kaya ng bigla syang nag-angat ng tingin ay dumapo agad iyon sa akin, kaya naman nagkasalubong agad ang aming mga mata, naramdaman ko na lamang ang pag-init ng pisngi ko dahil doon.
Napayuko ako dahil sa naabutan nya akong nakatunganga sa gwapo nyang mukha. Kagat ko ang labi ko ng nag angat ako muli ng mukha dahil sa paglapit ni Benjamin...
"Sayaw tayo....Francine..." Yaya nya sa akin. Pinaunlakan ko naman ang pag aaya nya, kanina pa kasi ako nakaupo, pakiramdam ko ay nagkakalyo na ang aking pwetan.
Habang nakakapit ako sa balikat ni Benjamin sya naman ay nakahawak sa aking baywang, naiilang ako pero pinilit ko pa din na maging normal. Di ko man tinitignan ang mukha ni Benjamin alam kong matamang nakatitig sya sa akin kaya naman mas pinili kong ipilig ang ulo ko sakabilang bahagi ng dance floor kung saan nakita ko muli ang lalaki kanina na nakatitig na sa akin ng seryoso. Nang muling magtama ang aming mga mata ay nagulat ako ng bigla syang ngumiti sa akin at tinaas ang hawak na baso na may lamang alak na parang sinasabing 'cheers', kaya naman napahinto ako sa pagsayaw sa harapan ni Benjamin, taka nya naman akong nilingon at ganon din ako sakanya saka nya sinundan ang tinitignan ko kanina....napayuko naman ako dahil doon baka isipin ni Benjamin na ang landi ko. Dahil sya ang kasama at kasayaw ko pero iba ang tinitignan ko.
Ilang segundo akong yumuko at muling nag-angat ng paningin para tignan din ang tinignan ni Benjamin doon, pero pagtingin ko doon ay wala na ang lalaki sa upuan nya.
Humugot ako ng malalim na paghinga para makabawi sa pagkatulala ko nanaman kanina. "Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Benjamin sa akin.
Tumango naman ako at ngumiti ng kaunti.
Kasayaw ko si Benjamin pero ang utak ko ay nasa lalaking nakita ko kanina, nakakahiya talaga yun...Kainis...
"Ang ganda mo talaga...." Malambing na sabi sa akin ni Benjamin. Na nagpapukaw sa pagkatulala ko nanaman. Pakiramdam ko ay pula na ang pisngi ko dahil doon.
"Pwede ba Benjamin....nakaka----"
"Sorry...." Putol nya sa sasabihin ko. " Alam kong may mga nagawa akong mali sayo... pero totoong, di ako nag sisisi na nagawa ko ang mga iyon, gusto talaga kita e, di ko mapigilan... ang sarili ko....ang buong damdamin ko....first time kong naramdaman to sa isang babae Francine....kaya sana naman pagbigyan mo akong patunayan ang sarili ko sayo....mahal kita...." Napayuko na ako ng tuluyan sa mga salitang sinabi nya sa akin, parang di kayang tanggapin ng utak ko ang lahat ng iyon, dahil na din siguro sa katotohanan na ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral ko, ang pag-aaral ko nga ba o ang nararamdaman ko kay Sir?....
Siguro nga ay seryoso sa akin si Benjamin, at sa tagal na ng panahon ng pangungulit nya sa akin ay naramdaman ko naman iyon.
Pero siguro nga alam ko na ang totoong nararamdaman ko ngayon pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko dahil baka masaktan lang ako.
"Francine...." malambing na tawag sa akin ni Benjamin, kaya naman inangat ko ang mukha ko para makita ko ang kanya pero nabigla ako ng sinalubong nya agad ako ng isang halik.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya kaya naman agad kong naitulak sya na naging dahilan ng paglingon ng ibang tao sa amin.
Agad akong umalis sa gitna ng dancefloor at naglakad palayo sa karamihan ng tao, naramdaman ko ang isang braso na humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako...agad nangilid ang luha ko ng hinarap nya ako sa kanya
"Francine....sorr----"
"Tigilan mo na ako...wag mo na akong susundan...." Banta ko sa kanya at muli akong tumalikod para lumayo. Sige lang ako ng lakad hanggang sa inabot na ako sa isang madilim na bahagi ng garden...hindi masyadong matao doon puro matatanda ang karamihan ng nakikita ko kaya naman mas pinili kong dito na lang manatili.
Kinuha ko agad ang cellphone ko para magpasundo na kay Kuya Joel, ayaw ko nang magtagal dito. Habang kausap ko si kuya Joel ay pinipilit kong wag iparinig dito ang mahihinang hikbi ko....pinilit kong maging normal ang boses ko para di na sila mag aalala...nang matapos ko syang kausapin ay saka na lamang tumulo ang luha ko....humarap ako sa isang pader na puno ng mga orchids na nakasabit, nakatalikod sa mga tao...ayaw kong may makakita na umiiyak ako....pinilit kong pigilan ang mga luhang kanina pa gustong umapaw...pero di ko alam kung bakit...
Naramdaman ko nalang ang isang kamay na humaplos sa braso ko kaya naman napaigtad ako dahil sa kuryenteng pakiramdam ko ay dumaloy bigla sa katawan ko at nang lingunin ko sya ay..
"Ano ba?! Sabi ko sayo wag mo na akong susun-----"
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomansaDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...