"Mahal kita, kahit na ano pa ang mga nakaraan mo.. at kwento ng buhay mo..." Sabi nya ng di ako tinitignan. Nakahiga na kami dito sa kumot na nakalatag matapos namin kaninang tapusin ang pagkain. Magkatabi kaming nanunuod ng mga bituin sa langit kasabay ang pag-inom ng alak, pero light lang naman.
Sinabi ko na sa kanya ang lahat rason kung bakit ako napunta dito sa Manila.
Ang tungkol sa magulang ko, sa utang namin, sa Don, sa pagkakabaon namin, sa sakit ni ama...ang muling pagkabenta ko mula kay Don Henry, kung paanong ang isang probinsyanang mahirap na tulad ko ay nakatira sa mansion, nag-aaral sa pangmayamang skwelahan, kung bakit palaging may mga guards at driver akong kasama... lahat... pati na din ang kay Benjamin, para na din mawala na ang pagseselos nya doon, sinabi ko na sa kanya lahat ng namagitan sa amin ni Benjamin dahil alam kong ngseselos talaga sya. Gayundin ang naging usapan namin ni Benjamin ng sinundo nya ako sa SGC Building nung huli at tinanggap na nito na wala na syang pag-asa pa sa akin
Pati ang tungkol kay SIR.
Kasama ang mga pagpupunta nya sa kwarto ko, ang mga halikan na namagitan sa amin, maliban nalang sa isang tagpo namin na halos maangkin na nya ako, iyon ang hindi ko kayang sabihin sa kanya, nakakahiya... baka mawalan na sya sa akin ng pag galang pag ganon.
"Pero Steven... wala na akong kalayaan... hindi----"
"Wala akong paki, basta sabihin mo lang na mahal mo ako... na akin ka lang..." Sabay huli nga sa kamay ko na nasa pagitan namin, mahigpit nya yong hinawakan at pinisil-pisil, habang nakatingin sya sa langit at ako naman ay napabaling sa kanya.
"Mahal kita, nandito lang ako..." Umupo ako galing sa pagakakahiga at tinignan ko sya sa mata. Nakita ko doon na totoo sya sa sinasabi nya.
"Steven..." Umupo din sya at hinarap ako... Ngumiti sya sa akin, buong puso nya ang nakita ko sa mga mata nyang nakangiti...
"Mahal kita... sabihin mo lang sa akin, na mahal mo din ako, na akin ka lang, na tayo na... ako na ang bahala....magtiwala ka lang sa akin... Francine... Please? " Hinaplos nya ang mukha ko kaya naman napapikit ako. "Please?..." Muling tanong nya na nagpatango na sa akin ng ilang sunod.
"Mahal mo pa ba sya?" Tanong nya sa akin. "Please Francine, sabihin mo kung mahal mo pa ba sya..." Tukoy nya kay Sir...Hindi ko na alam kung dapat ko pabang sagutin ang tanong nyang iyon. Dahil hindi ko din alam kung ano na din ang sagot sa tanong nya.
"Steven.... look..." Humugot ako ng malalim na hininga bago ako muling nagsalita. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil sa kanya kaya----"
"Mahal... mo... pa... ba... sya..?" Mariing tanong nya sa akin.
"Hindi ko alam... hindi ko alam..." Sunod-sunod kong sagot at iling sa kanya. "Hindi ko alam..." Naiiyak nanaman ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. "Basta ang alam ko mahal kita... mahal kita mula noon, mula noong nakita kita sa party... lalo na ng dinala mo ako dito... hanggang ngayon... Steven... hindi iyon nagbago... lumalim pa nga, nakakalunod... mahal na mahal kita..." Masaganang iyak ko, hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong maramdaman.
Hinawakan nya muli ang baba ko at pinagtagpo ang mga mata namin.... Hinalikan nya ako sa labi ng marahan, dahan-dahan, padampi-dampi lang.... "Trust me..." Muling masuyong halik muli ang dinampi nya sa aking labi... "OK?"
Ngumiti ako kahit na naiiyak padin ako ay tumango ako sa kanya. Nagtitiwala ako sa kanya, hindi ko alam kung gaano ba kayaman si SIR, pero hindi din naman siguro pahuhuli si Steven pagdating doon, siguro naman pag malaman ni SIR ito ay hindi sya basta-basta makakanti ni SIR, ayokong may mangyaring hindi maganda sa lahat sa amin dahil dito.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...