Hinayaan ko na lamang na ang atungal ko ang umalingawngaw sa buong kwarto ko...mas gusto kong ganito...kahit na maingay ako atleast mailabas ko manlang ang hinanakit sa puso ko...ang lahat-lahat....baka sakaling sa pag iyak ko ay maibsan ito...ang bigat ng problema ko...
Nakaidlip ako sa kakaiyak ko...siguro dahil sa pagod... hindi sa pisikal...kundi sa emosyonal...nakakapagod na din pala...alam kong mababaw lang ang tulog ko na iyon..
Kaya ng maramdaman ko ang paglubog sa likuran bahagi ng kama ko ay alam kong may tao doon...dahan-dahan syang humiga sa likuran ko, sa tabi ko....at ang maiinit na mga yakap nya ang nagparamdam sa akin ng init laban sa malamig na hangin na nagmumula sa aircon at sa lamig na nadarama ng puso ko....alam kong sya iyon, ang lalaking matagal ko ng pinapangarap na makasama ko muli...
"Si-sir...."mahinang tawag ko sa kanya pero hindi ko sya hinarap....nanatili lamang syang nakayakap sa akin....amoy ko ang alak mula sa kanyang hininga ng isinuksok nya ang mukha nya sa leeg ko...nakaramdam ako ng munting mga kiliti sa parteng iyon....ang mga balahibo ko ay kusang nagsitayuan dahil sa pinadama nyang sensasyong iyon....
Pumihit ako paharap sa kanya...kaya mas lalo kong naamoy ang amoy alak at mint na hininga nya...alam kong halos dikit na ang mukha namin kahit na madilim pa...dahil sa lakas ng mga hinga sya sa mukha ko...
Ang mga braso nyang matipuno ay muling bumalot sa maliit kong katawan...naramdaman ko ang mas lalong humigpit iyon kaya ang mukha ko ay nasandal na sa kanyang dibdib....nakakahiya dahil mababasa ng luha ko ang matipunong dibdib nya....pero ok lang....minsan lang naman ito e...minsan lang naman ang makasama sya...
"Akala ko...galit ka sa akin..." Muling nabasag ang boses ko....dahil sa mga bumara sa lalamunan ko...ang mga luha ko na huminto na knina dahil sa pagtulog ko ay muling umagos...
"Akala ko... hindi mo ako papansinin... akala ko ayaw mo na sa akin.. akala ko ay ayaw mo na akong makita... kasi pinatayan mo ako sa fb kanina... ayaw mo ba talaga sa akin???...sabihin mo naman o....kasi di ko na alam kung ano ba yung nararamdaman ko sayo....natatakot na ako...hindi ko na alam...." Mahina na ang bawat bitaw ko sa mga salitang iyon...lahat ng sinabi ko ay may halong hinanakit....
"Natatakot ako...dahil baka pampalipas oras mo lang ako...dahil baka may asawa kana...at dumating sa point na awayin na ako ng asawa o ng girlfriend mo...at ang pinakamasakit ay ang bitawan mo na ako...dahil sawa ka na....dahil ayaw mo na....dahil may mahal kang iba...." Lahat iyon ay nasabi ko ng di ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi ang mga iyon...wala na akong pakialam kung titigilan na nya ang pagsuporta sa pag-aaral ko mula bukas..o kung palayasin nya man ako dito sa mansion, mas maganda na iyon di ba na nasabi ko sakanya ang mga bagay na matagal ko ng kinikimkim...
Naramdaman ko ang marahas nyang paghinga sa uluhan ko...at ang pagaalo nya sa pagiiyak ko, pero hindi sya nagsasalita... alam kong pinipigilan lang nya, Ayaw lang nyang patulan ang mga drama ko sa buhay....
Naramdaman ko ang antok kaya naman hinayaan ko na lamang ang sarili kong makatulog sa dibdib nya.
Di ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero naramdaman ko ang mga yakap nya padin sa katawan ko...ang init nya...ang katawn nya na nagpapanginig sa katawan ko, kahit na wala pa syang ginagawa, alam kong handa akong ibigay iyon sa kanya...lahat ng iyon....
Rinig ko ang mahinang paghilik nya... nangiti ako, ibigsabihin ay nakatulog na sya sa tabi ko. Masama ba kung kikiligin ako sakanya?
Kiligin ka sa taong never mo naman nakita o nakilala, pero pakiramdam mo ang puso mo mismo ang nakakakilala sakanya?
SInipat ko ang glow in the dark na wallclock sa taas ng pintuan ng kwarto ko...4am na...
Sa munting hilik nya sa may tenga ko ay di ko napigilan na halikan sya... oo, hinalikan ko sya sa labi. Naramdaman ko ang pagkagulat nya at nagising sya dahil doon... sinubukan kong yakapin sya sa baywang nya at palalimin ang halik na sinimula ko...ilang sandali pa ay nadama ko ang masusuyong haplos nya sa likuran ko...at ang mga pagganti nya sa mga hallik kong iyon...
Halos mabaliw ako sa galing nyang humalik...nakakaadik...napapikit ako dahil doon...sinubukan kong umibabaw sakanya kaya naman napaupo ako sa tyan nya pero ang halik namin ay hindi naputol...napangiti ako ng kinagat nya ang ibabang labi ko at nagmura sya ng mahina pero paulit-ulit... Kaya naman mas pinili kong putulin na ang halikan na ito dahil baka kung saan kami makarating pag pinagpatuloy ko pa ang panglalandi ko sa kanya...
Inilayo ko ng bahagya ang mukha ko mula sa kanya pero nanatili ako ng nakaupo sa ibabaw ng tyan nya..." Goodmorning...gising ka na...baka hindi na kita pakawalan pag magtagal ka pa...at baka abutan ka na dito ng liwanag....baka makita pa ki---" Naputol ang sasabihin ko ng sya naman ang umatake sa labi ko...Shit!!! Pakiramdam ko ay mas lalong sumarap ang mga halik nya, dahil lalo nya iyong pinalalim at ang mga malalaking palad nya ay humahagod na sa likod ko...kaya ang mga kuryenteng dumadaloy doon ay tuluyan ng nagpapaliyad sa akin habang nasa ibabaw nya ako...Shit!!!
Baka tuluyan na nya akong maangkin kapag ganito....pero pasalamat ako at pinutol nya din ang mainit na halikan namin na iyon.... dahil baka ako na mismo ang maghubad ng mga saplot namin kung sakali...
Hinawakan nya ang bewang ko at saka ako muling pinaulanan ng mumunting halik sa aking labi, pisngi, leeg...at saka sya pumuhit sa kama at sa isang iglap ay sya na ang nasa ibabaw ko at ako namana ng nasa ilalim....matapos nya akong paulanan ng mga kiliti mula sa kanyang maliliit na halik ay lumayo sya at unti-unting tumayo mula sa kama....dahil nadama ko ang pag-angat mismo ng kama kahit na madilim at hindi ko iyon nakikita...
Wala na din akong naramdamang tao sa tabi ko...lumayo na nga sya...
"Sir...... dito ka ulit matulog mamayang gabi....pwede ba?...." Mahinang sabi ko, pero asusual wala akong narinig na sagot mula sa kanya... narinig ko na lamang ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at ang pagsara noon.
Agad akong sumilip sa bintana para tignan ang pag-alis nya...nakita ko ang isang bulto ng tao na nakajacket at cap nakatalikod sya patungong sasakyan na nakaabang...yung Hammer ang gagamitin nya paalis sa mansion, matagal ko na iyong hindi nakikita... nasakanya pala...
Naiwan man akong nag iisa ay masaya ako, dahil pinagbigyan nya ako sa gusto ko... at sana ay pagbigyan nya pa ako mamaya, kahit na hindi ko sya makita ang makasama lang sya ay ayos na sa akin, masaya na ako sa ganon... Aantayin ko na lamang ang panahon kung kailan na sya magiging handa para sa akin... para harapin na namin ang isat-isa... para magkakilala na kami sa personal...
Muli akong bumalik sa pagkakatulog doon dala ang masaya at panibagong ala-ala na sya ang kasama ko...mahal ko na nga yata.... Sir....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...