- 53 -

543 11 1
                                    


Nahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang masuyong hapolos nya sa braso ko. " Francine..." Malambing nyang tawag sa akin.

"Pagod na ako Steven. Gusto ko ng matulog." Hinarap ko ang titig nya. Kita ko doon ang pagtitimpi nya. Alam kong hindi sya sa akin, kaya ayaw kong magtalo kami dahil baka lumabas na nagseselos ako sa kung ano ang mga masabi ko sa kanya.

"Sorry kanina..." Sabay buga nya ng malalim na paghinga, rinig ko na hirap sya sa mga oras na ito parang di nya alam kung paano magsisimula.. kung paano magpapaliwanag.

"Pagod ka din di ba... magpahinga na tayo." Hinawi ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Francine..." Sabay sunod nya sa akin ng maglakad ako papunta sa kabilang side ng kama.

"Please Steven... pagod ako..." Muli ko syang hinarap. "Please..."

Tumango sya at hinayaan na akong mahiga doon. Inayos ko ang mga unan bago ako humiga at pumasok naman sya sa banyo. Siguro para na din maglinis ng katawan.

Aba! Dapat lang noh! Matapos nyang mawala kasama si Cindy, uuwi sya sa akin mula naman kay Tracy? Ano mayroon? Alam ko mayaman sya at gwapo kaya walang duda doon na maraming babae ang pwedeng maghabol sa kanya.

Ang hindi ko matanggap ay ang iniwan nya ako sa party, nawala nalamang sya doon ng walang paalam kasama si Cindy at nakita ko nalang nya kanina bago umuwi sa unit namin na si Tracy naman ang kasama? Ang kalandian? Anong meron?

Kainis!!!!

Pinilit kong matulog agad kahit na hindi talaga ako inaantok. Pero di ako nagtagumpay. Gusto ko na sanang tulog na ako bago pa sya makalabas ng banyo pero wala....

Narinig ko nalang ang pagbubukas ng pintuan ng banyo, kaya agad kong pinikit ang mga mata ko. Ayokong maabutan nya pa akong gising! Ayoko!

Gumalaw ang kama tanda ng pumatong na sya doon. Narinig ko ang malalim nyang mga paghinga doon. Nakatalikod kasi ako sakanya. Muling gumalaw ang kama at nanigas ang katawan ko ng madama ko ang mga braso nyang pumulupot sa katawan ko, at ang mga mabibigat nyang paghinga sa batok ko, mga boltahe ng kuryente ang dumaloy mula batok papa sa buong sistema ko! shit!

"ALam ko gising ka pa. Sorry..." Sabay halik nya sa ulo ko. "Hindi ko sinasadya..." Lalong humigpit ang yakap nya sa akin at muling humalik pero sa batok ko na. "Hindi ko sinasadyang iwanan ka doon... si Cindy?" Sabay pihit nya sa akin paharap sa kanya... pero nagmatigas ako, kaya humalik naman sya sa balikat ko!!!Shit! Ano ba ang gusto nya? Bakit nya ako ginaganito?

Sa bawat paulan nya ng mga mumunting halik sa akin ay nagpapatigas ng buong katawan ko, ngapapawala sa buong sistema ko.

"Steven, pagod ako... inaantok na ako..." Inis kong sabi sa kanya sabay kagat ko sa labi ko dahil sa pagpipigil kong magtatalaka at baka mapatili na din ako dahil sa ginagawa nya. Di ko kasi mapagkakailang nakikiliti ako sa ginagawa nya...

"Si Cindy---"

"Wala akong pakialam sa kung ano at sino sya sayo... ok? Gusto ko ng magpahinga, pakiusap lang...." Sabi ko ng di ko talaga sya hinaharap. Galit ako sa kanya. Inis talaga ako sa kanya! Kaya dapat na iyon lang ang ipadama ko sa kanya!

"Exgirlfriend ko sya... at si Arnold na ang boyfriend nya ngayon..." Nanlaki ang mata ko, kaya pala nagalit kanina si Arnold. Kaya pala. " Pero hindi ko alam kung break na ba sila, kaya iyon nagagawa ni Cindy sa akin..." Huminga sya muli ng ilang beses. Mag-ex sila? E bakit kung makapagsalita si Cindy sa confortroom kanina akala mo naman ay kanya si Steven? Kaasar lang.

" Si Tracy... " Pumikit ako ng madiin. Natatakot akong malaman ko kung sino ba talaga si Tracy para sa kanya. Baka si Tracy ang babaeng mahal na nya noon pa... yung sinasabi nya sa nung nasa burol kami. "She's my cousin, sweetheart..." Parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko ang mga iyon. "Nandito din sya para sa bakasyon. ALam kong nagseselos ka..."

Hinaplos nya ang balikat ko kaya ang mga kuryente doon ay walang humpay na gumagapang... at ang puso ko naman ay nagwawala na. Ang mga kung ano sa tyan ko ay narpaparty... ano ba itong nadarama ko?

Sabay pihit nya nanaman sa akin. Langya di ko na pigilan ang sarili ko na harapin din sya. Hinayaan ko syang pihitin ako.

Nang magharap kami ay nakagat ko ang labi ko, shit! Hindi ko kayang deadmahin ang mga sinasabi nya. Alam kong nagseselos ako,kaya parang nabunutan ako ng tinik ng malaman ko ang mga ito. Pero gaano katotoo lahat ng ito?

"Bakit di mo sinabi kaninang inaayusan nya ako na pinsan mo pala sya?" Hindi ko mapigilan na mapadama ang pagseselos ko sa tono ng boses ko. Ang walang hiya ngumiti lang sya ng nakakaloko kaya nakardama ako ng inis!

"Leche ka!" Di na nya napigilan ang pagtawa ng malakas! Damn! Saka ko lamang naamoy ng tuluyan ang alak sa sistema nya. Mukang nakarami din sya ng nainom kania a?

Sabay hampas ko sa kanya ng paulit-ulit! "Pagod ako!!! Matutulog na ako!!! Tumalikod ako muli sa kanya pero hindi ako nagtagumpay dahil hinigit nya ako para muling maharap sa kanyaa at saka ako sinalubong ng mainit na yakap...

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon, ang puso ko ay halos di ko na masundan ang pagtibok sa sobrang bilis nito! Nakita ko ang mga mata nyang nakapikit wariy dinadama nya talaga ang pagyakap sa akin.

"I told you.... I like you..." Nakapikit nyang sinabi, rinig ko ang pintig ng puso nya at ang bilis din ng paghinga nya. " Sayo lang din ako... pangako..." Sinubukan kong iangat ang ulo ko mula sa dibdib nya para makita ko na sya ng tuluyan, ang mukha nya. "Uwi na tayo bukas... i love you sweetheart..." Mahina man pero klaro sa pandinig ko ang sinabi nyang iyon! Sinabi nyang 'i love you'. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kaba ko. Sinabi na talaga nya ang hinihintay ko...

Mahal nya ako. Mahal nya ako.

Gusto kong sabihin nya sa akin muli iyon, tatanungin ko sana sya ng kung ano-ano pa pero natigilan ako ng marinig ko ang mumunting halik mula sa kanya...

Nangiti ako, nakatulog syang kayakap ako.

Masaya ako dahil sinabi nya iyon sa akin. Pero sana totoo at hindi lang sya nananaginip.

Mahal ko sya, pero handa ba akong ipaglaban sya?

Gusto ko ng lumaban... pero natatakot ako.

Hindi ako pwedeng lumaban mag-isa kung hindi ako sigurado sa damdamin nya. Kung mahal nya ba talaga ako.

Kailangan kong palayain ang sarili ko bago ako tuluyang magmahal.

Pero paano? Kung alam kong nakakulong ako para sa ibang tao?

Mahal ko sya, mahal ko din si Sir? Pero mahal ko ba talaga si Sir?

Samantalang mula ng makasama ko dito si Steven ay nakalimutan ko na sya. Na dapat ay naguupdate ako sakanya pero di ko nagagawa ng agaran dahil masyado akong busy sa pakikipaglandian kay Steven.

Kamusta na kaya sya.

Galit ba sya sa akin?

Mapapatawad nya ba ako?

Papalayain nya kaya ako kung magmahal ako ng iba?

Hayyy ang hirap... naramdaman ko nalang ang maiinit kong luha na lumandas sa aking pisngi. Pinilit kong huwag humikbi dahil baka magising si Steven, masyado pa naman kaming malapit ngayon...

Ayokong magtaka sya kung bakit ako umiiyak.

Nasasaktan ako para sa lahat-lahat sa buhay ko. Mga bagay na hindi ko na maari pang mabago pero pwede kong baguhin sa hinaharap. Pero paano? Kung hindi ko alam kung sino ang kalaban at ang kakampi ko?

Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat magtiwala? Kung kanino ko ba dapat ipagkatiwala ang sarili ko?

Hindi ko na alam, kahit siguro aky Steven ay hindi ko iyon magagawa... hanggat hindi ko parin tanggap sa sarili na ganito ang sistema ng pamumuhay ko.....

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon