Sundo
"Pero anak...." Pigil ni nanay sa akin, habang ako naman ay nag lalagay ng mga gamit sa aking bag, ilang araw nalang ay araw na ng pagtatapos ko sa high school.
Ilang araw nalang mag uumpisa na ang kalbaryo ko sa buhay, sa piling ng isang matandang puro makamundong bagay lamang ang nasa isipan.
Di alam ni Ina na nagtungo ako kay Don Henry matapos nya sa akin sabihin ang mga bagay ukol sa kagustuhan ng Don na ako ang maging kabayaran sa lahat ng pagkakautang namin sa kanya ng maospital si ama.
Pero dahil sa maprinsipyo ang aking mga magulang ay di sila pumayag, lalo na si ama, pero ngayon na mas kailangan kong maibalik ang lakas ni ama mula sa pagkakasakit ay kailangan kong isakripisyo ang sarili ko, ang lahat ng mayroon ako....Naiiyak na kaming dalawa sa sitwasyon habang pinipigilan ako ni ina.
"Inay.... kailangan kong gawin to para kay ama... hindi pwedeng hayaan nalang natin syang lumala ng lumala..ng wala manlang tayong ginagawa...." Natahimik si ina, saka ko lamang napagtanto ang mga salitang nabitiwan ko.
Oo, sya ang ina ko, sya ang magulang ko... pero sa nasabi ko sakanya alam kong nasaktan ko ang pride nya bilang magulang ko. Na sya ang ina ko na dapat na unang gumagawa ng paraan para sa sitwasyon namin ngayon, pero mas gusto kong ako nalang ang gumawa ng paraan para sa lupain namin at kay ama...
Wala na akong choice.... naisanla ko na ang katawan at kaluluwa ko sa isang demonyo... Kailangan kong gawin ito.
Alam kong magagalit sa akin ang aking mga magulang lalo na si ama.... dahil maprinsipyo sila... pero ano gagawin ko di ko kayang makita na lamang sya sa ganong sitwasyon ng di ko manlang sinusubukan ang lahat ng kaya kong gawin.
Mahal ko ang mga magulang ko ng higit pa sa sarili ko kaya hindi ako papayag na di ako makatulong para sa ikabubuti nila, kahit pa katawan at puri ko ang kabayaran nito...
Mahal ko din ang sarili ko, ilang taon kong iningatan ang katawan ko para umani ako ng maraming respeto sa mga taong nakapaligid sa amin pero mas mahal ko ang aking mga magulang.
"Ina...." Lumapit ako dito at niyakap ko para aluin... habang tahimik syang humihikbi nakatayo sya sa pintuan ng kwarto ko..
Niyakap ko sya, saka sya umiyak ng umiyak sa aking balikat...
"Ina.... gagawin ko to para sa lupa natin, sa bahay na ito.... lalo na para kay papa... para sa atin...." Paliwanag ko dito.
"Pero anak, mali ang paraan na to..." Pilit nya akong kinukumbinsi para umurong sa usapan namin ng Don.
"Pero ina... ginawa na ng Don ang mga pinangako nya... sinusuportahan nya ang mga pangangailangan ni ama sa hospital, at dapat na ipagpasalamat pa natin yo-----" Bahagya syang lumayo sa aking yakap at humakbang palayo para makita ang aking mukha. Kita ko ang galit nya.
"Nahihibang kana ba Francine?!!" Tumaas ng kaunti ang tono ng pananalita nya.
"Bakit kailangan tayo magpasalamat? Ha? Katawan mo anak ang kapalit ng lahat ng ito...." may diin na sabi nya sa akin na ang patahimik sa aming dalawa...
Yumuko ako at napalunok dahil parang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi ni Ina.
"Alam ko po... pero kailangan ko pong gawin to para kay ama..." Sabay taas ko ng mukha at tinitigan ang mata ni ina na hilam nadin ng masaganang luha.
Naiyak na ako, ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng tumulo.
"Kaya ko pong maghirap Ina... kahit magutom pa tayo, kahit na hindi na ako makapag aral... kahit na mawala pa ang lahat ng mayroon tayo... pero ang mawala kayo... kayo ni ama sa akin... iyon ang di ko po kaya ina...." Mahabang paliwanag ko dito.
Natahimik sya, alam kong naiintindihan nya ako, pero alam kong mas nananaig ang pagiging ina nya, ang pag-aalala nya para saakin.
"Ayaw ko anak ng ganito... ayaw ko..." Naawa ako sa kanya, alam kong di na nya alam ang dapat nyang piliin sa ngayon, pareho kami ng kagustuhan na gumaling na si ama pero ayaw nya sa pinili kong desisyon dahil alam kong alam nya na kung kasama namin ngayon si ama ay di din ito papayag, gaya nalang ng ilang buwan na pangungulit ng Don sa kanila.
Lumapit ako sakanya at muli syang niyakap ng mas mahigpit.
"Kaya natin ito ina... magiging ok din tayo..." Alo ko dito.
Nang nasa hospital na kami matapos isugod si ama ay sinabi sa akin ni ina ang kagustuhan ni Don Henry. Matapos noon ay umuwi ako sa bahay at magdamag na hindi nakatulog, kakaisip sa kung ano ba ang dapat kong gawin, kinabukasan kahit na puyat ako ay nagtungo ako sa mansion ng Don bago ako bumalik sa hospital.
Ilang araw pa ang inabot bago ko tuluyang nasabi kay ina ang naging desisyon ko, dahil sa di ko alam kung maiintindihan nya ba ako. Nagulat na lamang sya ng may nag aasikaso na kay ama sa hospital at dinala pa ito sa isang malaking hospital sa kabilang bayan na mas maganda ang pasilidad dahil mas high-tech doon.
Saka lamang nya ako natanong ukol doon at saka ko lang din nasabi sa kanya ang ginawa ko. Hindi ko na sinabi sa kanya ang mga sinabing di magaganda ng Don tungkol sa akin at sa katawan ko at sa mga balak nya sa akin dahil alam kong hindi lalo papayag si ina, pero alam ko naman na kahit na di ko yun sabihin ay alam na ni ina ang balak sa akin ng Don noon pa.
"Anak......" Tawag sa akin ni ina, naiiyak nanaman sya...
Pinilit kong maging matatag...kailangan nyang makita na ayos lang ako.
Mas pinili kong wag na lamang sumipot sa aking graduation dahil na din sa wala na akong ganang gawin iyon, wala si ama, at si ina ay ang bantay ngayon dito sa ospital, magdamag akong nagbantay kay ama at hinayaan kong si ina naman ang matulog kagabi sa bahay para makapagpahinga din ito ng maayos. Kararating lamang nya ngayon at may dalang almusal para sa aming tatlo.
"Ayaw mo ba talagang magtung-----" Umiling ako sa kanya.
"Ok lang ako inay... makukuha ko padin naman po ang diploma ko kahit na hindi ako umattend doon...." hilaw na ngiti ko sakanya. " Tyaka alam naman po sa buong paaralan ang tungkol kay ama, sigurado po akong mauunawaan po nila..." ngumiti ako muli para maibsan ang kalungkutan sa pagitan namin.
"O sya sige na, umuwi kana muna anak... ako na ang bahala dito..." Ngumiti ako at tumalima naman.
Nag asikaso agad ako para sa pag uwi ko sa bahay. Madami akong labahin sa bahay dahil halos di na kami nakakapaglaba ni ina dahil sa sobrang busy namin sa paroon at parito sa ospital.
Pagod kong isinandal ang hapo kong katawan sa upuan naming kawayan. Kanina pa malamang tapos ng graduation ceremony sa paaralan.
Naiiyak ako sa sitwasyon kong ito, pinangako ko sa mga magulang ko na magtatapos ako sa highschool, nagawa ko nga... pero di naman ako nakaakyat ng stage.... kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko, ayaw ko ng umiyak, ilang linggo na akong umiiyak dahil sa sitwasyon namin... ayoko nang umiyak.
Nakapikit ako habang nakasandal ang aking ulo sa sandalan at nakatingala ako, ng biglang may narinig akong ugong ng sasakyan sa labas...napabalikwas ako sa pagkakaupo.
Nakiramdam ako sa paligid, hindi...hindi pwede... bukas pa dapat diba? Iyon ang nasa usapan namin ng Don...
Narinig kong sa tapat ng bakuran namin huminto ang sasakyan. Ilang linggo ko itong pinaghandaan at sinabing kaya ko ito, pero ngayon kung bakit pakiramdam ko ay ito na ay kusang nawala ang lahat ng lakas ng loob ko, ito na ang umpisa ng kalbaryo ko sa buhay... ito na ang katapusan ng lahat ng pangarap ko......ito na....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...