- 49 -

598 13 1
                                    


Nagising ako ng umagang iyon ng wala na ang katabi ko. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa side table at sinulyapan ko ito para sa oras pero natigilan ako ng makita kong may mensahe doon. Binasa ko iyon. Message ni Sir..... Nakagat ko ang labi ko dahil sa katotohanan na nakalimutan ko na kontakin si Sir.... samantalang noon ay nagagawa ko iyon mula umaga , sa eskwelahan at hanggang sa pagtulog.

Ganito na ba ako ka-busy kay Steven? Kaya pati ang taong may utang na loob ako ay nakakalimutan ko na?

SIR: Kamusta kana? - 4:30am

Hayyy... hindi ko manlang sya naabisuhan sa lahat ng ito. Ano ba ang dapat kong gawin? Sinubukan kong tumayo na para sa pagbangon na ng tuluyan.

Lumabas ako sa veranda ng kwarto habang matamang tinitignan ang cellphone ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireply kay SIR... dapat bang sabihin kong masaya ako ngayon? Sa piling ng iba? Sa piling ni Steven? Nakakahiya!!!

Malalim akong nag-iisip ng may...

"Goodmorning..." Napalunok ako ng maramdaman ko ang mga braso nanaman nyang pumulupot sa katawan ko.. yumakap sya mula sa likod... mariin akong napapikit dahil hindi ko maiikailang ramdam ko ang init ng katawan nya na nagpaparamdam ng kuryente sa aking sistema.

"Kain na tayo?" Sabay hawak nya sa balikat ko at pinihit ako para maharap sa kanya... Nangunot ang noo nya ng magtama ang paningin namin. Sinipat nya ang nakaangat kong kamay na hawaka ng cellphone ko. "May problema ba?", Umiling ako ng marahan at nadama ko nanaman ang kuryente sa aking batok ng muli nya akong hagkan doon at idiin ako sakanya, muling lumapat ang mainit at malambot nyang labi sa noo ko...

"Kain na tayo? Nagluto ako ng almusal..." Nakangiti na sya sa akin, tinanguan ko naman na sya.

"Ito.... isuot mo..." Sabay abot sa akin ni Steven ng isa nanamang paperbag. Taka ko syang tinitigan. "Para talaga yan sayo..." sabi nya ng lalong nakangiti. Nang lumapit sya sa akin galing sya sa kwarto ako naman ay abala sa panonood ng tv.

Binuksan ko ang paperbag at nakita kong rashguard ang laman niyon, kulay itim na may mga lining na bluegreen at orange. " Marami tayong activity na gagawin sa dagat..." Lalo syang ngumiti sa akin matapos kumindat, sabay talikod sa akin.

Abala kami sa kakalakad sa tabingdagat para pumunta sa bananaboat, balak nya pala talagang isama ako sa mga activities na ito a?

Nangiti ako sa isipin na gusto nya akong makasama sa mga ganito, kahit wala namang level ang pagsasama namin na ito maliban sa empleyado nya ako at boss ko sya. Natatawa ako sa suot namin, couple ulit ito. Mukang talagang binalak nyang maging ganito ang mga suot namin a...

Ako ang nasa unahan habang nakasakay sa banana boat, at ang isang haliparot ay nakahawak sa baywang ko... kaya ang katawan ko imbes na irelax ko bago kami mahulog ay hindi magkandamayaw ang pagwawala ng kung ano sa katawan ko. Naghiyawan kami ng malaglag kami sa dagat at si Steven ay agad akong niyakap mula sa likuran at binigyan ako ng mga munting halik sa aking balikat.

"S-tev-en...." Ngumiti sya muli sa akin ng magtama ang mga mata namin.

Nagparasailing naman kami, at ang lalaking ito ay abala nanaman sa paghawak sa kamay ko.... at pareho naming naenojoy ang ganda ng tanawin mula sa itaas...

Ang dami pa naming ginawa sa maghapon. Pansamantalang nawala sa isipan ko ang tungkol kay Sir kanina. Pansamanatala...

Masaya ako sa mga nararanasan ko kasama ang lalaking tinatangi ko, pero paano ko ba matatakasan ang katotohanan na hindi kami pwede?

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon