Matapos ang nakakabinging katahimikan sa dinner na iyon ay tumulak na kami ni Steven, patungo sa mansion. Napansin nya kasi ang pagkatulala ko matapos ang usapan namin ni Benjamin... alam ko kasing galit nanaman iyon, napakaarte kasi noon akala mo naman makatampo akala mo dyowa ko lang....
Laking taka ko ng pumasok na kami sa subdivision, ilang taon na pero hanggang ngayon ay alam nya parin kung saan ako nakatira...naalala nya padin kaya kung saan ang mismong mansion na inuuwian ko....
May umusbong na tuwa sa akin ng pumarada na kami sa tapat ng mansion lumabas sya para pagbuksan ako ng pintuan kaya naman agad kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas doon.
"Salamat..." Mahinang sabi ko ng magkaharap kami paglabas ko ng kotse nya, ngumiti sya sa akin pero kita ko ang lungkot sa mga mata nya...parang nasasalamin ko doon ang sarili kong damdamin..
"Salamat....mag iingat ka.." Tumango sya at saka ako pumihit paharap sa gate pero nabigla ako ng hinigit nya ako palapit sa kanya at niyakap ako...mahigpit..
"I miss you..." salitang nagdala ng kiliti sa sistema ko ng sinabi nya iyon sa tenga ko, habang yakap nya ako. Ang puso ko nagdidiwang nanaman....
"Steven....." Tawag ko sakanya pero pakiramdam ko hindi nya iyon narinig dahil lalong humigpit ang yakap nya sa akin...Pumikit ako at dinama ang init ng yakap nya....gusto ko ito...namiss ko din sya...
Ilang segundo pa bago nya ako pinakawalan...hindi ako makatingin sa mga mata nya dahil natatakot akong makita nya ang saya at sakit na nadarama ko...ngumiti ako ng mapakla at muling nagpaalam..
Pareho kaming napalingon sa gate ng mansion na bumukas doon, nakita ko si Kuya Joel na parang nagulat ng makita ako doon at parang naging seryoso ang mata ng makita ang kasama ko..." Kuya Joel..."
"Ms. Francine...andyan na po pala kayo..." Bungad nya at muling bumaling sa kasama ko, pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko dahil sa hiya....
"Magandang gabi po...hinatid ko lang po si Francine..." Magalang na sabi ni Steven at nakita ko naman ang tipid na ngiti ni Kuya Joel at saka tumango dito.
"Sige na...Francine...pumasok ka na...bye..." Agad syang umalis matapos kong tumango , lumapit sya sa kotse at pumasok na doon. Nilingon kona lamang ang Celica nyang lumalayo. Nakangiti ako pero napawi din iyon at nakadama ng hiya ng tumikhim si Kuya Joel mula sa likuran ko.
"Pasok na po kayo maam....mahamog na po..." Seryosong turan nito sa akin, tumango ako at tahimik na pumasok sa gate...
Ramdam ko ang pananahimik ni Kuya Joel sa likuran ko, alam kong mataman nya akong tinitignan mula doon, baka iniisip nyang may ginagawa akong mali nanaman...
Nang gabing iyon ay aligaga nanaman ako, muli kong nakita si Steven...nakita din sya ni Kuya Joel...at nagalit si Benjamin nanaman sa akin...hayyy
Tulala ako sa kisame ng bumaling ako sa cellphone ko...kailangan ko ng itext si Sir....para magpasalamat...Oo, simula ng huminto na sya sa pakikipagcommunicate sa akin ay hindi na ako pumalya sa pagtetext sa kanya ng pasasalamat gabi-gabi...hindi ko alam kung bakit...basta ang alam ko ay iyon ang nararapat...Lagi ko syang tinetext kahit na never sya sumagot sa mga iyon...sa loob ng ilang taon...
Malaki na ang utang na loob ko sakanya, simula palang noon, at wala akong karapatang suwayin sya o sirain ang tiwala nya sa akin...
Habang nagtitipa ako ng text ay naisip kong subukan ko kayang tawagan nalang sya...hindi ko pa sinubukan na tawagan sya mula ng gabing iyon....ngayon lang...
Bumangon ako mula sa pagkakahiga...umupo ako sa kama at kagat-kagat ang labi ko habang inaantay ang pagriring..... kinakabahan ako....ano ang sasabihin ko? Ano ang---nahinto ako sa pag-iisip ng magring iyon...ilang ring lang at may sumagot sa tawag pero walang nagsalita...ibigsabihin ay active padin ang number nya na iyon...
"He-hello?" Mahinang saad ko sabay kagat sa labi ko, langya kinakabahan ako...pero walang sumasagot...maliban sa isang malalim na buntonghininga,... pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko doon....nanginig agad ang mga tuhod ko sa isang paghinga lamang nya...
Huminga ako ng marahas....at saka muling nagsalita..."Sir?..." Matapos iyon ay namatay agad ang tawag....tulala ako sa screen ng cellphone ko....pinatayan nya ako ng phone...
Maya pa ay tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text agad ko iyong binasa...
"Miss me?" Napangiti ako dahil sa maikling text nyang iyon...oo...namimiss ko na sya...nag iisip ako ng itetext ko ng biglang tumunog ulit ito sa pangalawang text nya..."Fb.Log-in..." Lalo akong nagiti dahil doon...
Agad akong lumapit sa computer at binuksan iyon...madali akong nag log-in dahil excited na akong makita at makausap sya...nagtext ako sa phone at sinabi kong miss ko na sya...sobra...
Nagkamustahan kaming dalawa...pero ganon pa din ang set-up namin...pero ok lang atleast nakausap ko parin sya... nagkwento ako sa kanya tungkol sa mga panahon na hindi kami nagkausap....ang dami kong naging kwento...namiss ko talaga sya...ngumiti ako sa harap ng screen kahit na alam kong halata sa mata ko ang lungkot...
"Miss na kita...." Sabi ko sakanya at muli akong ngumiti..."Pwede ba kitang makita?--- I mean... pwede ba kitang makasama mamaya?" Alangang tanong ko pero naglakas padin ako ng loob para malaman nya na miss ko na talaga sya...gusto kong patunayan sa sarili ko na sya ang dapat na gustuhin ko at hindi ang kung sino man...dahil sakanya ako....at matagal ko nang alam iyon... Matagal bago sya ngreply sa phone matapos ko iyon sabihin kaya naman nagsalita ulit ako.
"Promise....(sabay kagat ko sa labi ko) papatayin ko ang mga ilaw...isasarado ko ang mga kurtina...." para akong hinihingal sa pagsasabi ko ng mga iyon..maya pa ay naputol ang usapan namin...nalungkot ako dahil doon...pinatay nya ang usapan namin...Nag log-out sya...Ayaw nya akong makasama...ayaw nya sa akin...
"Maglog-out ka na....goodnight...." Nabasa ko sa text nya ng maglog-out sya sa fb nya... Napakagat ako sa labi ko...ayaw nya nga akong makita at makasama...hayyyy.
Matapos iyon ay sinara ko ang mga kurtina....agad akong umupo sa kama at inis na hinampas-hampas ang unan doon...kainis lang....ayaw nya talaga sa akin....naiiyak na ako...hindi ko na yata mapipigilan ang mga luhang gusto ng tumulo kanina pa mula ng pinatayan nya ako sa fb, masama ang loob ko...kainis lang...naramdaman ko nalang ang mainit na likido dumaloy sa pisngi ko mula sa mga mata ko....di ko na talaga mapigilan, padabog akong nakiga sa kama....tumagilid ako at doon ko iniiyak an gang lahat ng sama ng loob ko!!!
Hindi na nya ako gusto!!!Bakit Francine??? Ginusto ka ba nya?? E never ka naman nyang sinabihan na gusto ka nya di ba? Tanga ka ba? Naaawa lang sya sayo...kaya binili ka nya....awa lang ang nadarama nya sayo....Awa lang....humagulgol ako doon at umikak ng umiyak....bakit ba kasi kailangan ko pang maranasan ang lahat ng ito....ang maging kabayaran sa pagkakautang...kasalanan ba ang pagiging mahirap???
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...