Mabilis na lumipas ang mga linggo, naging civil lang kami ni Steven ng makauwi kami mula sa Palawan.
Hindi na sya muling naging malambing sa akin, siguro dahil na din sa pagiging sold ko sa kanya ng magising kami ng gabing iyon.
Hindi ko na sya masyadong inentertain noon. Nakapagdesisyon na ako na hindi ko sya pwedeng mahalin, hindi pwede at ayoko. Ayokong makasakit ako ng ibang tao.... ayokong masaktan ko si Sir, na masira ang tiwala nya sa akin.
Normal na mga usapan lang ang ginagawa namin pag kailangan, pero ramdam ko ang pagtitimpi nyang awayin ako dahil sa lamig ng pakikitungo ko sa kanya.
Noon ay umoorder sya ng food para lagi sa aming dalawa pero ng makabalik kami ay kinukulit ko na si Betty na ipagluto ako ng baon ko mula meryenda hanggang meryenda ulit sa hapon.
Masaya na ako na nakikita ko syang ok, ok na din ako.
Pero ang hindi ko alam kung kaya ko bang makita syang may kasamang iba. Na may mahal ng iba... Hindi pa naman ata ganoon kalalim ang damdamin ko sakanya di ba? Ganon din sana sya... pero iyon ba talaga ang gusto ko?
Abala ako sa pag-aasikaso ng mga papeles dahil malapit ng mag-five ng makita kong may nagvibrate ang phone ko. Napalingon ako doon, at ng lumingon ako sa table ni Steven ay nakatoon din sa akin ang mga mata nya. Shit! Bakit ba palagi nalang syang ganito sa akin dito?
Mula ng dumating kami ay hindi na sya ganon kalambing pero panay naman ang pagtitig nya sa akin. Kahit na sa oras ng mga meeting nya pag kasama ako ay sa akin pa rin sya nakatoon...
Nakagat ko ang labi ko ng muli akong bumaling sa cellphone ko.
Benjamin: Done? Can I fetch you?
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang text nya. Ilang beses na syang nangungulit na sunduin ako at kung pwede ay ihatid din ako pero tinatanggihan ko. Ayaw kong gamitin sya at saktan lang din pagdating sa huli.
Halos maihagis ko ang phone ko ng nagring iyon dahil sa tawag ni Benjamin. Nahiya tuloy ako kay Steven ng makita nya ako dahil sa inasal ko. Yuumuko ako bilang paghingi ng tawad at saka ko sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Finally... hayyy..." Malalim na paghinga ang narinig ko sa kanya mula sa kabilang linya. " Pwede ba?" Mahinang tanong nya muli sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Parang nahihiya na akong tanggihan sya ng tanggihan ng di manlang ako nagpapaliwanag sa kanya. Parang pakiramdam ko ay ang sama ko.
"Benj----" Bahagyang hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ni Steven kung sino ang kausap ko.
"Dito na ako sa parking.... sorry..." Putol nya sa sasabihin ko. Halos matanggal na ang labi ko kakakagat ko nito. Kailangan kong makausap si Benj para tumigil na sya.
"Ok... give me a minute..." Sabi ko at narinig ko ang pag 'Yes' nya sa kabilang linya at ilang paalaman lang ay pinutol ko na ang tawag.
Inasikaso ko na ang mga nakakalat na mga paperworks. Tapos ko na din naman na ang mga ito.
"Uuwi ka na?" Sita sa akin ni Steven. Tinignan ko sya sa mata at nakita ko doon na galit sya at iritado. Hindi ko alam kung sa akin ba, at bakit?
Nahihiya akong tumango at umiwas sa kanya ng tingin.
"Nandyan na ang sundo mo?" May paninitang sabi nanaman nya. Muli kong sinalubong ang mata nya, bahagyang nakataas ang kilay nya na parang alam nya na mali sya sa sinabi nya. Umiling ako at yumuko muli.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...