Agad akong naglakad papuntang parking lot. Nagtext na kasi sa akin si Kuya Joel na nasa parking na sila para sunduin ako.
Inis ako sa lalaking iyon, di ko alam kung ano bang trip talaga nya. Oo gwapo sya, aminado ako doon pero di yon sapat para ikatuwa ko ang pagpapapansin nya sa akin.
Nakita ko agad ang Hammer na kotse sa parking lot, at nakatayo padin doon sa labas ng pintuan si kua Joel para sa pagbukas noon, God....bakit po may mga ganitong pagpapala kayong ibinibigay sa akin....pakiramdam ko ay alagang-alaga ako sa mga nakaraan araw kahit na alam kong di din naman ito magtatagal....
Ngumiti ako kay Kuya Joel ng makalapit ako ditto at binuksan nya ang pintuan para sa pagpasok ko, di ko na hinintay na alalayan nya ako para sa pag akyat sa malaking sasakyan na ito.
Tahimik lang ako sa byahe para na din makapag muni-muni.
"Magandang hapon po Ms. Francine...." agad akong ngumiti kay Betty na palaging masayang bumabati sa akin sa araw-araw.
Kumain agad kami. Maganda ang pakikitungo nila sa akin pero hindi ko maintindihan kung bakit ilang buwan na akong nag iisa palaging kumakain. Mula ng dumating ako dito ay wala manlang ako makausap dito. Buti nalang ay nandito si Betty na palaging nakakausap ko at nakakawentuhan ko. Pero kapag nagtatanong ako talaga tungkol sa Don Henry na iyon ay di talaga ito sumasagot. Ilang buwan na din mula ng una at huling beses kong nakausap si Ina. Pero natutuwa ako dahil sa tuwing magtetext ako sa number na ginamit nya noon ay palagi itong nagrereply at sinasabing ok lang naman daw ang mga magulang ko.
Kumakain ako dito sa canteen. May baon akong sandwich at vegetable salad pero parang want ko ng carbonara. Kaya ayon dito ako sa canteen. Abala ako sa pagbabasa ng libro ko habang unti-unting nilalantakan ang pasta.
May biglang umupo sa harapan ko at inilapag ang kanyang tray sa table, di ko sana ito papansinin pero parang di ko mapigilan wala manlang kasi itong pasintabi na makiki-share sa table. Binaba ko ang libro na binabasa ko para tignan sya, umirap ako ng makita ko nanaman sya....
Ngising aso ito, kainis lang!!!!
"Ano?!" Gigil kong tanong dito.
Umiling lang sya at lalong ngumisi.
"Beautiful..." mahinang sabi nya na lalong kinainis ko. Akmang tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako.
"Wait....Francine Vargas...." Masamang tingin lang ang ginawa ko dito at muli akong naupo ng makita ko ang pasta ko na kaunti palang ang bawas. Hindi sa gusto ko syang makausap ng ganito a, pero nanghihinayang din kasi ako sa binayad ko sa pasta, hahaha. Kainis lang. Di ko naman kasi pinaghihirapan ang pinangbayad ko doon dahil binibigay yon sa akin ni Kuya Joel weekly, budget ko daw sabi ng Don.
Alam ko naman na di ko yun pinaghirapan pero naiisip ko din naman na ang buong pagkatao ko ang bayad sa lahat ng binibigay nito sa akin. Laking pasalamat ko padin at never ko pa sya nakikita mula ng huli kaming nagkausap para hilingin sakanya ang about kay ama.
"Anong kailangan mo?" Inis kong sabi.
"I just want to talk to you.." Nakangisi nanaman sya.
"About what??" Walang gana kong tanong.
"Palaging mainit ang ulo mo sakin ano?" Tumawa sya ng mahina.
"So?" Iritang sagot ko nanaman.
"Gusto ko sanang maging kaibigan ka---"
"Di ko kailangan ng kaibigan....kung ikaw din lang naman...Benjamin Ramos.." Putol ko sa sasabihin nya. Agad na akong tumayo dahil nawalan na talaga ako ng gana kahit na parang naglalaway pa rin ako sa pasta.
After noon, nagpunta agad ako sa next class ko at alam kong classmate ko nanaman sya. Umupo ako sa harapan ng white board sa tabi padin ng bintana, alam ko kasing gusto din ng mokong ang pwesto sa likuran, ayaw ko talaga sakanya.
Buti nalang at maaga ako dito sa classroom at wala ng nagcla-classs at may isang oras pa bago ang class namin dito so nilabas ko na yung sandwich ko na pinabaon ni Betty. Tahimik ko nalang na kinain iyon para magkalaman manlang yung tiyan ko.
"Seryoso?" Inis nanaman ako ng marinig ko ang boses nya sa gilid ko, ramdam kong umupo nanaman sya doon.
"Iniwan mo yung pasta mo doon ng halos di pa nagagalaw...dahil lang sa inis mo sa akin at ngayon nagtyatyaga ka dyan sa sandwich mong-----"
"Wala kang pakialam!" Pinandilatan ko na sya ng mata. Kainis na talaga ito a.
Nakita ko ang pagkagulat nya dahil nanlaki din ang mata nya pero nakaramdam ako ng hiya ng mapagtanto kong yung mga dumadaan sa corridor ay napasilip na din sa pintuan. Masyado bang malakas ang boses ko?
Padabog kong kinuha muli ang gamit ko at lumipat sa dulong upuan sa likuran.
"Ano bang nagawa ko bakit ang init ng ulo mo sakin?" Ramdam kong sumusunod sya sa lakad ko.
"Ikaw?!" Hinarap ko sya nasigawan ko nanaman sya.
"Ikaw...nakakainis ka na...di ko alam ano bang trip mo bakit ba lapit ka ng lapit sa akin....pwede bang tigilan mo ako? Nakakainis ka na e...." Iritableng sabi ko nanaman. Umupo ako sa upuan at kinain ko na yung sandwich. "Wala pa akong lunch...kaya pakiusap wag mo ng tuluyang tanggalin ang gana ko sa pagkain ngayon...." Walang gana kong sabi sakanya na hindi ko na nilingon, pinagpatuloy ko lang ang kain ko kahit na alam kong umupo padin sya sa tabi kong upuan.
"Ok class, may project akong ipapagawa, may kanya-kanya kayong assigned topic at gusto kong-----blah-bla-" Sabin g professor namin pero nabigla ako ng marinig ko ang sinabi nyang partner-partner daw. Pinakuha nya kami ng maliit na papel at pinasulat doon ang pangalan namin at binunot nya isa-isa ang magpapartner doon saka nya lang binibigay ang topic pag nasabi na nya ang magkapares.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nya, kinakabahan ako, madami na syang natawag pero hindi padin ako natatawag.
Nakita ko naman ang ilang babae na nakasulyap sa katabi ko, malalagkit ang mga tingin nanaman nila dito. Oo nga pala di pa din pala sya natatawag tulad ko.
"Francine Vargas----" sabi ng Prof namin "Benjamin Ramos" sabi nya na kinanganga ko. Nakita ko ang mga babaeng kanina pa nakasulyap sa kanya na ngayon naman ay masasamang nakatingin sa akin. Kainis lang a. Kung gusto nyo kayo nalang ang maging partner nya. Kahit na type nyo sya. Di ko naman sya type....kainis. Inirapan ko ang babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...