- 45 -

625 8 1
                                    

Di ko alam kung ano ang balak ng taong ito, matapos namin kumain doon ay agd nya akong inutusan na maligo daw ako dahil may lakad kami, kaya ako naman tong sunmunod sa utos ni Boss.

Pagbaba palang namin sa hotel ay may sumalubong na agad sa aming isang pulang mustang, lumabas ang driver noon at inabot sa kanya ang susi, taka akong pumasok doon ng pagbuksan nya ako ng pintuan.

Tahimik lang ako s abuong byahe pero ang loko ay ngising-ngisi padin. Di ko alam kung saan kami patungo.

Simple lang ako suot ko, binase ko lang din naman kasi sa suot nyang white tshirt at khaki shorts na may sapatos na topsider ako naman ay naka walking shorts at black tshirt at naka sneakers.

Nagtaka ako ng huminto kami sa isang mall, agad nya akong inakay papasok doon at dumiretso kami sa bilihian ng mga damit, sa section ng mga swim wear.

Oo nga pala, sinabi ko nga palang wala akong dalang pangligo, sya din siguro walang dala kaya naman siguro andito kami. Naglibot ako at naiwan ko sya sa kung saan man sya huminto.

Inabala ko ang pagtitingin sa mga twopiece at onepiece doon. Magaganda ang mga ito, ibat-ibang kulay na sa tingin ko ay bagay naman sa akin dahil sa maputi at mamula-mula kong balat.

"Bagay yan sayo maam..." Ngiting-ngiti sa akin ang isang tindero doon. Ngumiti din ako pabalik at umiling.

"Di nga maam, bagay po ito sa inyo.... ang ganda nyo kaya..." Pakiramdam ko ay namula ang pingi ko sa pamumuri nya.

"Hehe, salamat pero di ko kasi kayang magsuot ng mga ganyan.." Ilang kong sabi sa kanya. Totoo naman kasi e, wala akong lakas ng loob na magsuot ng mga sexy, lalo pa at nagpapakita pa ng malaking parte ng aking balat.

"Pero kasi ma----" Naputol ang sasabihin ng lalaki ng maramdaman ko ang isang mainit na braso na umikot sa aking baywang... kaya nanigas agad ang aking katawan dahil doon at sunod-sunod akong napalunok.

"Kanina pa kita hinahanap..." Malambing pero ma-awtoridad na sabi ni Steven... habang ang mga mata at agad na lumipat sa lalaking nasa harapan ko, ngumiwi ang tindero at agad na nag-excuse para mag-asikaso ng ibang mamimili.

Masama ko syang tinignan at agad nya namang sinalubong ang mga mata kong nanlilisik, ang mokong nakangisi nanaman.

"Halika na...." Sabay akay nya sa akin palabas ng store na iyon.

"Gutom ka na ba?" Tanong nya sa akin ng naglalakad na kami palabas ng mall. Umiling ako, wala kasi akong dalang pera haha, totoo...

"Gutom na kasi ako..." Nakasimangot na sabi nya. "Kain na tayo..." Hinila nya agad ako sa isang mamahaling restau nanaman kaya hindi agad ako nakaangal.

Mabilis namin natapos ang pagkain at umuwi na. Pagdating namin sa hotel ay naupo na agad ako sa couch, napagod ako doon.

Gabi na ng magising ako, nakatulog nanaman pala ako, hahaha.

Nakita ko sa kabilang couch si Steven na nakaharap nanaman sa laptop nya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

"Gising kana pala..." sabay baling nya sa akin ng nakangiti. Nahawa tuloy ako sa pagngiti nyang iyon.

"Sorry nakatulog pala ako..." Hiyang sabi ko.

"Ok lang... 7pm palang naman... gusto mo na bang mag dinner na tayo bago maligo?" Umiling ako...

"Wala nga akong dalang pangligo..ano ba..." Parang inis kong sabi at the same time nahihiya. Wala akong dalang pera kanina kaya hindi ako nakabili ng damit pang ligo, di naman pwede ang mga undies ko di ba?

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon