Mabilisan kong dinampot ang mga gamit ko, ang bag ko.... ang mga damit ko... Shit!
Bakit ba kasi nilabas pa ni Steven ang mga gamit ko mula sa bag ko? Bakit ba kasi nasa iisang kwarto lang kami? Langya naman o...
Ilang damit lang ang nailagay ko sa bag ko kakamdali ko, dinampot ko ang cellphone at ang wallet ko na nasa ibabaw ng kama at agaran akong lumabas ng kwarto....
Nang ilang hakbang nalang ako sa maindoor ay bigla iyon bumukas.... halos matalisod ako kakatakbo palapit doon pero natigilan ako ng iluwa noon si Steven.... Agad kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi at maat...
Tinitigan ko sya.... kita ko ang nag-aalalang mga mata nya pati ang hingal nyang paghinga doon.... nagmamadali syang bumalik???? Matapos nyang makipaglampungan doon?
Nangunot ang noo nya ng makita nyang may dala akong bag.
" Saan ka pupunta?" Nagmamadali syang humakbang palapit sa akin, sinalubong ko ang lakad nya para lampasan sya doon pero hinarang nya ang daraaanan ko... Hinawakan nya ang balikat ko...
"Bitawan mo ako...." Diin kong sabi sa kanya... sabay hawi sa mga kamay nya sa balikat ko humakbang ako muli palapit sa pintuan pero agad hindi ako nagtagumpay doon dahil hinigit nya ang braso ko palapit muli sa kanya!
"BItiwa------" Nanlaki ang mata ko ng marahas nya akong hinalikan!Ang halik nyang halos ikatanggal na ata ng labi ko!!!
Nasasaktan ako sa paran ng paghalik nya kaya halos gustuhin kong makawala sa mga bisig nya! Nasasaktan ako! Habang hawak nya ang braso ko at ang isa naman ay humawak sa likuran ko para lalo akong idiin sa kanya.... Nanlaban ako, at tinulak ko sya pero malakas sya... hindi ako nagpatalo sa lakas ng katawan nya, pinilit ko pading magpumiglas! Pakiramdam ko ay namamaga na ang labi ko sa halik nya!
Sinubukan ko muling itulak sya ng sobrang lakas at nagawa ko naman! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya!!! Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasampal ko na sya....
Umiyak ako lalo ng makita ko ang mga mata nya... ng humugot sya ng malalim na paghinga doon saka ako muling binalingan ng tingin, nakita ko ang pagkukuyom nya ng kamao....
Nayuko na ako.... dahil sa takot ko....
Baka saktan na nya ako...
"Sorry...." Sabi nya na nahihirapan...
Umiling ako.... "Hindi mo kailangan magsorry sa akin...." umiiyak ko pading sagot sa kanya... " Wala namang namamagitan sa atin...." Sabay iwas ko sa mga mata nyang mapanuri.... Wala naman talagang namamagitan sa amin di ba???? Wala naman!
"Please... hayaan mo ng kumuha ako ng ibang kwarto... please lang...." Nakita kong nagtiimbagang sya, ayaw nya akong payagan?
"No.... please stay..." Lumapit sya muli sa akin... para muli akong hawakan pero humakbang ako palayo... umiiling ako habang umiiiwas sa kanya.
Langya ka... matapos mong makipaglampungan sa ibang babae? Matapos mong halos kainin na yung babae kanina? Ngayon lalapit ka saakin? Na parang wala lang?
Halos gusto kong isigaw sa mukha nya... pero wala naman akong karapatan di ba?
" Sir..... sa ibang unit nalang po ako... pag kailangan nyo po ako tawagan nyo nalang po ako...." Muling sabi ko sabi ko sakanya... Yumuko ako bilang paggalang atsaka ako muling humakbang paalis doon.
"Francine..." Iritadong tawag nya sa akin... pero di ko na sya nilingon at tuluyan na akong nakalapit sa pintuan at nabuksan ko na ito.
Naramdaman ko nalang ang pag-angat ko sa ere at ang padabog na pagsara ng pintuan! Shit! Para lang akong sako ng bigas na sinukbit nya sa balikat nya at pinasok ako sa kwarto!!!
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomansaDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...