Matapos ko sa comfortroom ay lumabas agad ako doon ng nauna ng makalabas ang mga babae. Magpapaalam na ako kay Steven... gusto ko ng umuwi.... gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod . HIndi pala. Nakakawalang gana. Dahil iyon ang totoo.
Dumiretso ako sa table namin kanina kung saan iniwan ko syang may mga kausap. Pero nagtaka akong umupo doon dahil wala na ang hanap kong tao. Yung Arnold nalang ang naiwan doon.
SInulyapan nya ako at ngumiti... ngumiti din ako pabalik habang nauupo.
"Nasa dancefloor sya..." Wariy alam nyang hahanapin ko sya, malamang isang tao lang naman ang kilala ako dito e... sabay nguso nya para ituro doon.
Parang kinukurot ang puso ko ng makita ko sya sa dancefloor kasama si Cindy... mahigpit na nakayapos ang babae sa kanyang leeg at sya naman ay ngiting-ngiting kinakausap iyon. Halos magdikit na ang mga mukha nila sa lapit , dahil lang sa nag-uusap sila.
Nanginginig ang buong katawan ko, hindi pwedeng umiyak ako dito...
Hindi ko ipapakitang nasasaktan ako, dahil wala naman akong karapatang masaktan... dahil si Cindy ang mahal nya.. kahit na mahal ko sya ay hindi naman kami at hindi din naman pupuwede.
"Matagal na yang dalawang yan.... pero di ko alam kung ano na ang level nila..." Saad ni Arnold na nagpasulyap sa akin sa kanya. Ngumiti sya ng mapait habang matamang nakatingin sa dalawang nagsasayaw doon. Sweet ang sounds... kaya sweet din ang sayaw nila. " Pero nasagot ang tanong ko ng makita kita kanina..." sumulyap sya sa akin, "Nang pinakilala ka na nya..." Ngumiti ulit sya... ng totoo... nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Totoo... never pa syang nagpakilala ng date sa mga events, ikaw palang...." Ngumiti ako ng mapakla.
Dapat ko bang ikasaya na totoong wala pang ibang babaeng pinakilala si Steven sa lahat ng event na napuntahan nila?
O dahil sa alam ko din naman ang katotohanan na mahal nya si Cindy noon pa, bago pa kami nagkakilala. Inamin nya iyon sa akin... So ano ako? Pampalipas?
Parang may isang kamay na nakahawak sa puso ko, at pinipigilan iyong huminga. Hindi naman pwedeng magpaapekto ako...
Muli kong sinulyapan ang dalawa sa dancefloor... nakita ko si Cindy na tumingkayad para maabot ang mukha ni Steven.....no.... ang labi ni Steven!!!!
Halos manlaki ang mata ko bago magtama ang kanilang mga labi pero mas lalo akong nagulat ng halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang "Fuck!!!" Nabaling muli sa lalaking kasama ko sa table ang paningin ko dahil sa biglaang pagbulalas nya noon!
Nakita ko syang seryosong nakatingin sa baso nya ng alak.. anong problema nito?
Nagulat ako ng tumayo si Arnold doon... sinundan ko lamang sya ng tingin... anong problema nya?
Nang nawala na sa paningin ko ang huli ay muli akong bumaling sa nagsasayaw doon, pero nanlumo ako ng ikutin ng mata ko ang dancefloor pero wala na sila doon...
Iniwan ako dito ni Steven? Dahil ano? Dahil mas mahalagang makasama nya si Cindy, sa kung saan man sila patungo ngayon? at ako ano? nakatnaga lang dito?
Agad akong tumayo doon, at hinanap ang payapang lugar na pwede akong makahinga ng maayos, na pwede kong ilabas ang hikbi ko.... hindi ko kaya parang sasabog...
Dahil sa pag nanais kong mapag isa ay nakarating ako sa pinakamaliit na veranda sa venue ng party, nakarami na din akong baso ng alak, hindi ko alam kung anong alak ko... pero mukang matapang kasi nakailan palang ako ay tinamaan na ko.... oo, may tama na ako...
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...