- 47 -

547 8 1
                                    

Di ko na mabilang kung nakailang buntonghininga na ako dito, habang nakahiga ako sa kama. Mula pagdating namin dito sa unit ay hindi na nya ako pinansin at binalingan. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw na nya sa akin.... Dahil ba sa hindi ako marunong humalik? Hindi ako magaling humalik? Hayyyy....

O baka nainis sya dahil itinulak ko sya kanina kahit na alam kong nag-iinit na sya... binitin ko kasi sya...

Hayyyyy, Francine... ano na ba ang nasa utak mo?

Tahimik sa sala, hindi na ako nag abalang silipin pa sya doon, dahil baka isipin nya na gusto ko pang magkaroon ng part two ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung nasa sala pa din ba sya at sa couch natutulog... Hayyy...

Umupo ako sa kama.... alauna na ng gabi pero ang antok ay naging mailap sa akin, kahit pa mabigat na ang aking mga mata...

Hindi ako mapakali, gusto ko syang makita... kahit na hindi ko na sya muna makausap. Ok na ako basta makita ko lang ang lagay nya doon.

Agad kong sinunod ang kagustuhan ko kahit na nag-aalangan talaga ako... paano kung gising pa pala sya? Paano kung magtagpo ang mga mata namin? Hayyy...

Francine... hindi mo sya maiiwasan, kasi Boss mo sya di ba?

Marahan kong pinihit ang doorknob ng kwarto, tahimik akong sumilip doon, tahimik talaga, walang bakas na may tao. Napabuntonghininga nanaman ako at humakbang palabas.

Nagkunwari akong dumiretso sa kitchen para kumuha ng malamig na tubig... Nadaanan ko ang couch pero walang tao doon... wala sya... wala...

Ibigsabihin ay lumabas sya?

Umupo ako sa couch matapos kong buksan ang ilaw doon at umiinom ako ngayon ng malamig na tubig, nag -iisip ako... ano ba ang dapat kong gawin...

Mabilis akong pumasok ng kwarto at pinalitan ko ang pantulog ko ng leggings at malaking tshirt ko doon. Hahanapin ko sya...

Naikot ko na ang buong palapag ng hotel, pero ni anino nya ay hindi ko nakita... Lumabas ako doon at sinubukan syang hanapin sa mga bar ng buong resort.

Pagod na ako kakalakad,madami na din akong nakakasalubong na mga lasing, mga couples pa nga. Halos hindi ko sinubukan na pumasok sa bar, baka kasi mabastos lang ako doon... tyaka hindi naman pang bar ang suot ko di ba?

Bakit ba kasi sa mga bar agad ang naisipan kong hanapin sya? E kasi naman nung nakaraan di ba, nagising akong maraming lata ng alak ang nagkalat sa sala ng unit namin.

Nakabusangot akong naglalakad pabalik sa hotel namin. Bakit ko ba sya kasi hinahanap? E kung nabitin sya sa akin malamang ay naghanap iyon sa iba para makaraos di ba?

Hayyy.... ano bang mga naiisip ko?

Nakahalukipkip ako habang naglalakad pabalik sa unit namin.... ng makasalubong ko ang grupo ng mga lalaki... Yumuko ako ng makita ko silang nakatingin sa akin ng diretso, at mga nakangisi, halatang mga nakainom na din..

Kilala ko sila, sila yung nakasabay namin sa elevator nang nagdaang gabi.... Lalo akong nayuko ng ilang hakbang nalang ang pagitan namin, gumilid ako para makaraan sila...

Ang leader nila ang nauuna doon... makakahinga na sana ako ng dumaan na sila sa gilid ko pero...

"Rooftop...." Sabi ng leader nila.. kaya naman umangat ang mata ko sa kanya, nakita kong sa akin din sya nakatingin ng nakangisi.... Kumunot ang noo ko, wari di ko maintindihan ang nais nyang ipaintindi sa akin.... Napaatras ako ng humakbang sya palapit sa akin... Ngumisi nanaman sya...

"Hinahanap mo ba yung prince charming mo?" Ngumisi nanaman sya na parang may masamang naiisip.... "Rooftop.... with someone?..." Ngumiti nanaman sya. Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga daliri nyang itinaas ang baba ko...agad kong hinawi ang mga iyon pero, hinawakan nya ako muli doon.... napalunok ako dahil sa kaba... Shit...

"Sayang ka....Tsk..." Ngumisi nanaman sya sa akin. Shit! Ang dibdib ko, takot na ang nararamdaman.

Hindi ako makasagot sa kanya, dahil ang takot ko sakanya at ang isipin na may kasama nga si Steven na iba ay parang nagpapatuliro sa utak kong magulo....

Naiiyak na ako... hindi ko kayang lumaban sa kanya.... sa kanila...

Bigla kaming napalingon ng may tumikhim sa kung saan.... nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino sya....

"May problema ba kayo? Mga Boys? " Ma-awtoridad na tanong nya.... umismid ang lalaki sa harapan ko at saka ako binitiwan at saka ako tinalikuran.... Nagtatawanan pa silang iniwan ako... at ng madaan sila sa lalaking dumating ay sinamaan ito ng tingin ng leader nila....

Halos di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman... tulala ako doon, pero ng maramdaman kong naglakad sya palapit sa akin ng kami nalang dalawa ang naiwan sa corridor na iyon ay agad akong tumakbo papasok sa elevator!!!

Agad kong pinindot iyon bago pa sya makalapit sa akin, ng nagsara na iyon ay ang nag-aalalang mga mata nya lang ang nakita ko....

Ayoko sa presensya na... ayokong makasama sya... natatakot ako....

Hindi ako komportable sa kanya... ayoko syang maramdaman sa paligid ko...

Tulala ako sa loob ng lift... pasalamat ako at wala akong kasama doon... hindi ko alam kung saan ang tungo ko.... Anong oras na.... pero wala ko sa wisyo para makatulog....

Hindi ko alam kung bakit ako naniwala sa sinabi ng lalaking iyon... nandito ako ngayon... tulala habang umaalpas ang sandamakmak na luha sa mata ko...

Hilam na sa luha ang mata ko....

Kitang-kita ko sya.... may kasama ngang iba...

Naghahalikan sila, habang nakalublob sa jacuzzi doon.... nakasandal si Steven sa kanto ng jacuzzi at nakasabit ang mga braso sa border doon...sa isang kamay hawak nya ang alak ... habang sa kabila naman ay ang babaeng nakaupo sa tabi nya at nakasiksik sa isang braso nya habang malalim na naghahalikan.....

Ang palad ng babae ay malayang humahagod sa kanyang dibdib pababa....

Di ko mapigilan ang mga hikbi ko.....

Bakit? Bakit?

Ano bang problema ko?

Hindi naman sya sa akin di ba?

Hindi naman kami?

Boss at empleyado lang naman ang relasyon namin a....

Never naman nyang sinabing gusto nya ako di ba?

Na mahal nya ako?

Wala naman di ba?

Wala!!! Lahat yan ay umiikot sa utak ko....

Naramdaman ko ang isang palad na humawak sa balikat ko, nilingon ko sya.... sya nanaman... "Louie..."

Ang mga mata nyang parang nakikiramay sa nararamdaman ko.... Umiling sya sa akin, na parang may gustong sabihin...

Kaya mas lalo kong naiyak, pero pinalis ko ang kamay nya sa balikat ko... binalik ko ang mata ko kay Steven na abala sa babaeng hitad.. pero nanlaki ang mata ko ng nakatayo na sya at matamang nakatingin sa akin habang dinadampot ang towel nya sa di kalayuan....

"Francine...." Tawag ulit sa akin ni Louie pero nagmamadali akong tumakbo paalis doon.... hindi pwedeng magpang-abot kami ni Steven....

Agad kong tinungo ang lift para bumalik sa kwarto namin.....

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon