- 62 -

602 7 0
                                    


Umaalpas ang masaganang luha ko habang nakasakay ako dito sa lift. Hindi ko na alam kung paano pa sasagutin ang maraming tanong sa utak ko. Basta ang alam ko nalang sa ngayon ay kailangan ko ng pahinga at iwanan si Steven...

Mas ok na ito, habang maaga pa, habang hindi ko pa naipagkakatiwala ng buong-buo ang puso ko kay Steven, habang hindi pa ganon kalalim. Hanggat kaya ko pang isalba ang sarili ko sa pagkakalunod ko sa pagamamahal ko sa kanya.

Hindi ko akalain na ang pangako nya sa aking pagmamahal at ang hiningi nyang tiwala ko ay nasira lang ng ganon kadali, sa isang iglap, naipagpalit nya ako sa usapan nila ng Louie na iyon.

Tulala ako pagbukas ng lift, ang totoo ay hindi ko alam kung saan ako tutungo nito, masyado pang maaga para sa pag-uwi. Ayaw ko din na makita ako sa school na ganito kasaklap ang itsura.

Nakakasama ng loob, ilang beses nyang hiniling na magtiwala ako sa kanya, buong puso ko namang binigay, pero bakit?...

Nakailang hakbang na ako ng makita ko si Benj na nakasandal sa Genesis nya at abala sa cellphone nya doon na nakayuko. Nag-angat sya ng tingin at napukol sa akin.

Ang ngiting binungad nya sa akin ay napalitan ng matang nagtataka at nag-aalala. Mabilis sya sa pagdalo sa akin para yakapin ako.

Sa yakap nyang iyon ang lalong nagpahikbi sa akin, kinulong nya ako sa mga bisig nya. Ang mukha ko ay nakasuksok sa dibdib nya, basang-basa na ang damit nya ng mga luha ko.

"Anong nangyari Francine..." Nag-aalalang tanong nya, habang hinahagod ang likuran ko para sa pagtahan. Umiling lang ako habang yakap nya ako, ayoko munang magsalita, ayoko munang amy makaalam...



Sabay abot sa akin ni Steven ng baso para pampakalma.

"Ok ka na ba?" umupo sya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa condo nya, nakaupo kaming magkatabi dito sa couch, umaakbay sya sa akin at inaalo narin ang balikat at likuran ko dahil panay padin ang pag hikbi ko.


Umiling ako ng sunod-sunod habang hinahagod nya ang balikat ko. Alam kong sinusubukan lamang nyang icomfort ako dahil alam nyang kailanga ko iyon.

"Ano ba kasi ang nangyari? Francine...." Nag-aalalang tanong nya sa akin. Hindi ko pwedeng ikwento sa kanya ang nangyari, paano ko sasabihin sa kanya? Ano ang sasabihin ko pag magtanong sya kung bakit at anong mayroon kay Louie kung bakit ganon nalang ang galit ko at nagawa kong makipagbreak agad kay Steven.

Alam kong mali ang desisyon kong dito muna magpalipas ng oras sa condo ni Benj pero natatakot kasi akong sundan ako ni Steven sa school o maging sa mansion, baka lalong magkagulo kung sakali. Ayokong makarating pa ito kay Sir, ayokong lalo pang lumala ang sitwasyon.

Nagising na lamang ako sa mabangong amoy na nagmumula sa kusina. Pupungas-pungas pa akong tumayo mula sa couch, doon ko nakita ang isang kumot na binalot sa akin ni Benj kanina. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kakaiyak, pakiramdam ko ay malaki na ang eyebag ko at maliit na ang paningin ko, mabigat na din ang mga ito. Pag bangon ko ay saka ko lamang nakita ang paglabas ni Benj mula sa kitchen.

"Gising ka na pala... kain na tayo?" Masaya nyang bungad sa akin.

Ngumiti ako at tumango, sumunod ako sa kanya ng tumalikod na sya para bumalik sa kusina.

"Benj..." Mahinang tawag ko sakanya pero nag angat naman sya sa akin ng mukhang nakangiti. Lumunok muna ako bago ako magsalita. "Salamat.." Ngumiti ako sa kanya. "Pasensya kana juh, masyado na kitang naaba---"

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon