- 60 -

770 13 6
                                    


Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko lalo pa ng madama ko na ang maiinit na haplos ni Steven sa katawan ko, kahit pa may mga saplot pa kami. Napasinghap ako ng madama kong humahagod ang mga palad nya sa likuran ko. Habang malalalim ang palitan namin ng mga halik doon.

Hinaplos din nya ang bewang ko, at napisil nya pa ang pwetan ko ng pagapangin pa nya ang mga palad nya doon. Di ko alam kung nakailang beses na akong napaungol...

Mahal na mahal ko sya, kaya handa na akong sumuko sa kanya kung saan man makarating ang halikan naming ito.

Maya pa ay nadama ko na ang pag-angat ko mula sa sahig at mabilisan syang naglakad habang buhat ako, hindi ko alam kung saan kami papatungo pero lumayo kami sa working place nya, akala ko ay isasandal nya lamang ako sa malamig na pader pero nakamali ako, ng marinig ko ang isang bumukas na pintuan habang malalim ang aming halikan at ang mga kamay nyang naglalakbay na sa buo kong katawan! Di ko alam kung ano itong pinasukan namin pero tingin ko ay isang kwarto, wala kasi akong ibang nakikita kung hindi ang Adonis lamang na nasa bisig ko.

Halos magwala na ang puso ko hindi ko alam kung para saan pa, pero pakiramdam ko ay excited ang buong pagkatao ko kahit pa natatakot pa din ako...

" Ste---v-ven....." Di ko alam kung narinig ba nya ang ilang ulit kong paungol na pagtawag sa pangalan nya...

"Hmmmm???..." Malambing at mainit nyang sagot sa pagitan ng mga halikan namin, maya pa ay nadama ko na ang malambot na kama na pinaupuan nya sa akin, halos mapapikit na ako at ilang beses pang umungol ng madama ko na ang paglilibot ng mga halik nya mula sa labi ko, pisngi, ilong, tenga, leeg..... uuuhhh. Shit!!!

Buong pagkatao ko na ang niyayanig ng labi at mga haplos nya palang... paano pa kaya kung.... ahhhh!!!

Bahagya syang lumayo at dumukwang parin para magtapat ng maayos ang mga mukha namin. Tinapos nya ang maiinit naming halikan doon. Parang gusto kong magreklamo pero mas pinili kong wag nalang.

Ilang beses pa akong napalunok ng makita ko ang longsleeve nya na nasira ang halos dalawang butones... ako ba nag may gawa noon? Napayuko sya para sundan ang tinitignan ko sa dibdib nya, at bigla syang natawa ng malakas....

Di ko alam kung saan ako magtatago sa kahihiyan... ganon ba ako nadala sa mainit nanaman na tagpo kanina kaya halos mapunit ko na ang damit nya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan...

"I love you..." Mahinang sabi nya sa mukha ko ng muli akong hinarap. Pulang-pula na ata ang pisngi ko dahil sa init nito. Hindi na din ako makaharap sa mga mata nya, natatakot akong salubungin ang mga mata nya.

Yumuko ako... " I- I lo-ve- yo-u t-oo..."

Muli syang tumawa ng malakas kaya naman nabaling ang mga mata ko sa kanya, isang malalim na paghinga ang pinakawalan ay lumapad ang pagngiti..

"Sweetheart... you're so hot..." Hinagod nya ng tingin ang buong katawan ko, sabay kagat nya sa labi nya ng makarating muli sa labi ko ang mga mata nya. "Tingin ko mapapaaga akong matatali nito!" Sabay tawa nya nanaman at tumalikod sa akin ng nagkakamot ng ulo.

Nagtataka ko syang tinignan. Ano daw?

" Ste-ve-n?" Taka kong tawag sa kanya, hindi ko alam kung ano ang binubulong-bulong nya habang nakangisi... sumulyap sya sa akin at lalong nangiti.

Bigla nyang humakbang muli palapit sa akin, at hinila ako mula sa pagakakupo sa kama. Niyakap nya ako mula sa likod ng pihitin nya ako patakikod sa kanya, kaya ko matamang nakita ang kabuuan ng silid. Saka ko lang napansin ang malaking silid na ito... kwarto pala ang nasa loob ng pintuan na ito, akala ko kung anong bodega lang...

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon