Nagising ako ng nanlaki ang mga mata ng mapagtanto ko kung nasaan ako! Oo!
Lalo na ng kitang-kita at damang-dama ko ang mainit na katawan ni Steven sa tabi ko. Tulog din sya, mahimbing na natutulog sa tabi ko habang magkaharap kami. Yakap nya ako sa matipuno nyang mga braso na nasa aking uluhan bilang unan at ang isa naman nasa baywang ko at ang mga binti nya ay napapaluputan ng mga binti ko, ang mga braso ko naman ay nakapatong sa kanyang dibdib at ang isa ay nakayapos din sa katawan nya.
Masaya ako sa piling nya, oo... pero hindi ko alam kung hanggang saan, hanggang kailan...
Kasama ko ang taong mahal ko. Mahal na mahal ko....
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga braso nya sa katawan ko. Hindi pwedeng dito ako abutan ng umaga.
Tahimik akong kumilos at dinampot ang mga damit ko na nagkalat, tahimik ko iyong isinuot isa-isa at tahimik din na umibis ng opisina na iyon, ng SGC building.
Walang imik si Ate Betty ng pagbuksan nya ako ng gate, hindi man sya nagsasalita sa akin alam kong nagaalala sya para sa akin, hindi din sya nag-usisa kung bakit inabot ako ng ganitong oras mula sa OJT ko.
Tahimik lang ako kinabukasan. Ilang beses din palang tumawag sa akin si Steven kagabi, at kaninang umaga. Malamang ay galit ang taong iyon dahil hindi manlang ako nagpaalam sa kanya kagabi.
Tahimik akong nag-almusal. Ang mga titig sa akin ni Ate Betty ay kakaiba na. Alam kong may mga iniisip sya sa akin at kay Steven... pero sana naman ay wag na syang magsumbong, natatakot ako.
Hinatid ako ni Kuya Joel sa SGC. " Kuya Joel, mamaya pong 5pm, pa sundo po ako a... o kung pwede po ay before 5pm po andito na kayo...." Kailangan namin ng space ni Steven, kung ayokong may mapahamak sa aming dalawa. Tumango at ngumiti naman sya sa akin, kaya nangiti na din ako ng bahagya.
Inagahan ko talaga ang pagpasok ko para madami na akong magawang trabaho bago pa dumating si Steven dito sa opisina. Ayokong magtagal ako dito, kailangan namin dalawa ng kauntinng espasyo di ba.. so dapat ako ang gumawa ng way para doon, dahan-dahan para pareho kaming hindi masaktan.
Ilang oras na akong nandito sa opisina, alasdiyes na pero wala pa ding Steven ang dumarating, ano kaya ang nangyari sa kanya? Dito sya natulog kagabi, dito ko sya iniwang natutulog kagabi... pero bakit wala naman sya ngayon dito sa opisina? Sinubukan kong buksan din ang kwarto kung saan may ginawa kaming kababalaghan kagabi pero wala ni bakas ng nangyari sa amin doon kagabi. Marahas akong huminga dahil sa takot at taka kung bakit hanggang ngayon ay hindi manlang sya nagpaparamdam sa akin, kahit sa call o text man lang sana, Kainis!!!!
Ginawa ko ang lahat ng trabaho ko, kahit pa wala si Steven.... kahit pa galit ako. Hinayaan ko nalang ang damdamin ko, alam ko din naman na magpaparamdam din sya kahit na anong oras di ba... opisina nya kaya ito.
Pero halos sumabog na ang ulo ko dahil sa inis at galit na nadarama ng natapos ang araw ko dito sa opisina na wala manlang Steven ang nagpakita sa akin, kahit ni isang text at call wala.. Kainis na talaga!!!
Nakauwi ako ng tahimik sa mansion, mas gusto kong dito nalang ako tumunganga. Ang isipin kung ano na ang mga namagitan sa amin ni Steven ay halos di ko na makalimutan... lahat ng nangyari sa amin ni Sir at nagawa na din namin... at buong puso ko iyong hinayaan na gawin nya sa akin... pero bakit ngayon ay wala sya? Ang sabi nya mahal nya ako di ba? E bakit matapos ang gabing iyon ay hindi na sya nagparamdam sa akin?
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...