Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral, kahit na palagi kong naalala ang mga namagitan sa amin ni Steven lalo na ang maiinit na sandali ay pinilit ko pa rin na pawiin iyon sa aking alaala pansamantala. Dahil alam kong hindi iyon makakatulong sa akin sa ngayon.
Final exams na...
Kailangan kong lalong paghusayan ang pag-aaral para sa aking kinabukasan, para sa magulang ko.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Benj, abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Katatapos lang ng final exams sa dalawang subjects.
Sinulyapan ko sya at ngumiti ako ng kaunti at tumango, muli kong inabala ang sarili ko sa pagtatabi ng mga gamit ko.
"Wag ako Francine..." Dumukwang sya sa upuan ko para lalong titigan ang mukha kong iniiwas ko sa kanya. "Halatang wala kang matinong tulog..." Umiling sya na parang naiinis dahil sa paglilihim ko sakanya. Ako naman na natigilan dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Nanliit ang mga mata nyang lalong sinuyod ang aking mukha.
"Ang haggard mo..." Ngumiti sya ng kaunti kaya naman kahit papano ay nabawasan ang pagkailang ko. "Ayokong pumapangit ka...." Lalo syang ngumisi kaya naman nangiti na din ako dahil doon, sabay kaming tumawa.
Natigil kami sa mga naging biruan namin ng marinig kong may tumikhim sa likuran ni Benj. Sabay kaming napalingon doon.
Nalaglag ang panga ko ng makita ko kung sino.
"Anong ginagawa mo dito?" Iritableng tanong ni Benj ng pumihit sya pagharap doon.
"Sinusundo ko lang ang future wife ko...." Malamig na tugon ni Steven, ngumit hindi manlang nya sinulyapan si Benj ng sagutin nya ang tanong nito. Nanatiling nasa akin ang mga mata nyang malalalim at walang emosyon. Napapikit ako ng mariin bago ako tumayo at pumagitan na sa kanila.
"Future wife?" Sarkastikong tanong ni Benj ng naglakad palapit sa bagong dating. "E di ba... break na kayo." Paniniguradong sabi pa nya habang tumatango.
"Bakit hindi mo tanungin si Francine..." Sarkastiko ding sagot ni Steven, nilingon nya si Benj kaya nakaramdam na ako ng takot.
"Tumigil na nga kayo... nakakahiya... wag dito..." Inis kong baling sa dalawa, habang iniikot ang mata ko sa buong classroom kung saan nakamasid na nga sa amin ang karamihan ng tao dito.
"Pero Fran----"
" Benj, ok lang ako... pasensya na mauna na kami..." Hinawakan ko ang kamay ni Steven para hilahin na sya paalis sa classroom pero nagmatigas sya sa harapan ni Benj... pakiramdam ko ay uminit ang ulo ko dahil sa ginawa nya... naghahanap pa ata ng away. Nagtititigan sila kaya nakaramdam ako ng takot.
"Steven...." Inis kong tawag sa kanya. Nagtaas sya ng kilay kay Benj.
"She's mine.... ok? Kaya wag ka ng umasa pa..." Ngumisi sya kay Benj. " She's mine, from the very start bro..." Natameme ako dahil sa sinabi nya. Kitang-kita ko din ang pagkatunganga ni Benj kay Steven at sa akin.
From the very start.
Saka nya hinila ang kamay ko palabas ng classroom.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sa kanya ng pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse pero hindi ako pumasok doon.
"Fetching you sweetheart..." Malambing nyang sagot sa akin, umakma syang hahalik sa pisngi ko pero agad akong umiwas.
"Hindi mo na ako kailangan pang sunduin... susunduin ako ni Kuya Jo---"
"Ginagawa ko ang alam kong dapat na ginagawa ng isang boyfriend Francine..." Putol nya sa sasabihin ko. "Bakit ka ba kasi nagkakaganyan nanaman?" Namomoblema nyang tanong sa akin. Kita-kita ko sa mga mata nya ang pagkalito at pagod.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...