- 70 -

806 17 5
                                    

"Anak...." Agaw ni ama sa pansin ko. Nilingon ko sya pero kita sa mga mata ko ang takot. Alam ko. Naaninag ko din sa mga mata ni ama ang pagtataka.

"Iwan na muna namin kayo... Ginoong Steven..." Malumanay na sabi ni ama ng sulyapan nya ang bisita. Napalunok naman ang huli, di ko alam siguro ay nag aalangan din sya. Agad na tumayo si ama sa harapang upuan ni Steven.

"Sir...." Tawag ni Steven kay ama. Agad na nanlaki ang mata ko ng makitang tumayo din sya sa pagkakaupo at pinigilan si ama sa pag alis.

"Kayo po talaga ang sadya ko..." Kitang-kita ang seryosong paninitig ni ama sa bisita at si ina naman na agad na dinaluhan ito at pinisil ang braso ng huli habang titig na titig din kay Steven.

"Steven..." Mariin kong tawag sa kanya. Ayaw kong maging ganito sya kaagresibo sa mga magulang ko. Sa kung ano man ang nais nyang sabihin sa mga ito. Sabay naman silang lahat na lumingon sa akin. Nakita ko ang mga seryosong titig nila sa akin, nakakailang.

"Ama... Ina... ako na po ang bahala sa kanya.... " Napayuko ako, dahil hindi ko kayang harapin ang mga mata nila seryosong nakatuon sa akin.

"Pumasok ka na muna sa kwarto mo anak." Seryosong utos ni ama sa akin kaya naman napaangat ang tingin ko sakanya. Sandali lamang syang sumulyap sa akin at muling bumaling kay Steven.

"May dapat ata kaming pag-usapan ni Ginoong Steven..." Seryosong turan nya.

Napalunok ako dahil sa takot ko na baka kung ano ang gawin at sabihin sa kanya ni Steven at ganon din sya.

"Pero ama....---"

"Pumasok ka muna sa kwarto mo anak..." Malumanay pero may diin nyang muling utos sa akin, kunot-noo kong tinignan si ina para humingi ng tulong pero sya mismo ay tumango para sa pag-sangayon na iwanan ko nalamang muna sila.

Malungkot akong sumunod, tinalikuran ko na sila pero nilingon ko muli si Steven para sana makita ko sya at magtagpo ang mga mata namin pero bigo ako, dahil hindi nya manlang talaga ako binalingan.

Ano ba kasi ang balak nya ngayon, imbes na ako ang unahin nyang kausapin para sana manlang magkaintindihan kami kahit na papaano kaso hindi e, ang lakas ng loob nyang kausapin ang mga magulang ko agad-agad gayong unang beses nya palang na makapunta dito sa San Vicente, lalo na dito sa bahay namin.

Matagal akong naghintay na sana ay matapos na ang usapan nila. Hindi ko gusto ang ideya ng paghaharap agad nila ng mga magulang ko at ang mga awra nila kanina.

Ang mga pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko.

Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng kwarto dahil sa pagnanais na marinig manlang ang pag uusapan nila pero bigo ako, wala akong narinig na kahit na ano.

Nakakainis.

Naisip ko ang cellphone ko at agad na nagtext kay Steven.

Ako: Ano ba ang nasa isip mo, bakit ka nagpunta dito ng walang manlang pasubali sa akin? Tapos agaran mong kinausap ang mga magulang ko?

Inabot ng higit isang oras ang paghihintay ko pero wala akong napala sabay pa ang kaba at takot na nararamdaman ko, ewan ko ba.

Ano na kaya ang pinag-uusapan nila?

Maya pa ay narinig ko na ang pag ugong ng makina ng sasakyan sa loob ng aming bakuran, ibig bang sabihin nito ay aalis na si Steven?

Nang hindi manlamang ako hinaharap para makausap?

Agad akong lumapit sa bintana kung saan ko makikita ang sasakyan nya na handa na sa pag-alis, mabilis akong umibis ng kwarto at tumakbo palabas pero nakita ko ang aking mga magulang na nakatayo sa may pintuan at nakatanaw sa sasakyan na paalis, sakto ng makadaan ako doon ay ang paglabas ng sasakyan ni Steven sa bakuran namin.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon