Kasunduan
"May isang anghel pala ang napadpad dito sa aking tahanan...." Ngising bati sa akin ng Don.
Nakakatakot ang nakikita kong pangisi nito gayon din ang ginawa nitong paghagod muli ng makahulugang tingin sa kabuuan ko.
Napalunok ako dahil doon. Ang lakas ng loob na inipon ko kanina ay nawala dahil sa taong nasa harapan ko.
Napayuko ako , di ko kayang tiisin ang bawat makahulugang tingin nya sa akin, di ko kayang salubungin ang mga mata nito na puno ng pagnanasa.
Maya pa ay narinig ko ang pagsara at bukas ng pinto, ang angat ako ng mukha para alamin kung sino ang pumasok pero mas lalong napuno ng takot ang puso ko ng makita kong lumabas na pala ang lahat ng tauhan ng Don na kanina lang ay kasama pa namin sa kwartong ito.
Nangatog ang tuhod ko ng lumapit ito at hawakan ang baba ko para magtagpo ang mga mata namin. Halos kaunti nalamang ang pagitan ng mukha namin.
"Sabi ko na...ikaw mismo ang lalapit sa akin..." Makahulugang sabi nito, ipiniling ko ang mukha ko para matanggal sa pagkakahawak nya sa baba ko. Umatras ako ng dalawang hakbang para malayo dito.
"N-n-andito ako pa-ra kay ama...." may diin kong sagot dito habang tinititigan ko ito ng masama.
Ngumiti sya ng nakakaloko.
"Oh?" Takang tanong nito. "Sabi nya ay di nya papayagan na ikaw ang kapalit ng lahat ng pagkakautang ninyo sa akin...." may diin ang salitang Utang.
"Abusado ka..." Gigil na sabi ko dito.
Sabay pakawala nito ng malademonyong tawa. "Abusado?" humakbang muli sya para makalapit sa akin, napaatras naman ako uli dahil don.
"Oo, isa kang abusado!!! Sinasamantala mo ang kahirapan ng ibang tao para lang yumaman ka at makinabang ng higit sa lahat!!!" Sabi ko habang umaatras at kinukumpas ang kamay ko at tinuro-turo sya.
Sumeryoso ang mata nyang nakatitis sa akin maging ang buong mukha nya ay nakakatakot na lalo.
"Kung puro awa lang ang aatupagin ko, edi sana wala ko sa kinalalagyan ko ngayon Francine..." Sabay ng isang malademonyong ngiti nya sa mukha ko.
Tumalikod sya at lumapit sa isang lamesa at dinampot ang isang baso doon na may lamang alak at saka ininom iyon.
"Kung andito ka lang para pangaralan ako umalis kana..." mahinahong sabi nya ng di ako sinulyapan.
"Kailangan ko ang tulong mo....nasa ospital ngayon ang aking ama at----"
"Hindi ako namimigay ng tulong...." Putol nya sa sinasabi ko. "Lahat ng ginagawa ko ay may kapalit...." Pinagdiinan nya ang huling pangungusap na sinabi nya pero di padin sya sa akin humaharap.
Lumunok muna ako at saka yumuko. Nakuyom ko ang kamay ko at saka pumikit... "Payag na ako sa kagustuhan mo...." Saka ako nag angat ng tingin sa kanya. Nakahrap na pala sya muli sa akin. Nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha pero sandali lamang iyon at napalitan din agad ng isang ngisi.
"Sigurado ka ba dyan?" paninigurado nito.
"Oo, basta ang dapat, tulungan mo muna si ama na madala sa mas magandang hospital at doon ay matutukan ang kalagayan nya... at mawawala na ang lahat ng pagkakautang ng pamilya ko sa iyo...at hindi mo na kakamkamin ang sakahan at ang bahay at lupa namin..." Taas noo kong sabi sakanya... pero sa totoo lang ay nanghihina na ang mga tuhod ko, pakiramdam ko ay gusto ko ng lumuhod pero ang taong katulad nito ay di dapat pinapakitaan ng kahinaan.
"Napakatapang mo para hilingin sa akin ang lahat ng iyan..." Malumanay na sabi nya, habang sumisimsim muli ng alak ay matamang nakatitig sa akin.
"Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko....basta siguraduhin mong birhen ka pa...." Sabay ngiti nanaman nito sa akin. Kitang-kita ko ang isang pares ng mata na puno ng pagnanasa.
"Oo..." mahinang sagot ko," Gagawin ko ito para kay ama, para sa pamilya ko.."
"Lahat ng gusto ko ay gagawin ko sayo..at hindi ka pwedeng humindi..." Sabi nya sabay lakad palapit sa akin. Nang isang hakbang nalang ang pagitan namin ay hinaplos nya ang aking mukha... mula sa pisngi... pababa ng aking leeg...balikat...at ng madapo na sa aking braso ay saka nya ito pinisil at hinila ako ng bahagya para madikit ang aking tenga sa bibig nya...
"Nakakagigil ka..." Pumiglas ako pero di ko nakayanan na bawiin ang aking braso sa higpit ng hawak nito...nananayo ang balahibo ko sa sobrang pandidiri ko sakanya... "Arrrrrr....." bulong nya sa punong tainga ko na nagpapikit sa akin, kasabay noon ay saka bumagsak ang aking masaganang luha....hindi ko na kinaya....ang lahat ng pagpipigil ko na maiyak ay nawala ng parang bula. Pero ang bibig nya ay nanatiling nakadikit aa tenga ko.
" Lahat ng gusto mo ay gagawin ko...payag ako sa gusto mong mangyari...pero matapos mong grumaduate ay sa akin ka na titira.... habangbuhay kana sa akin... pag aari na kita... wala ng magagawa ang mga magulang mo, hindi ka pwedeng humindi sa mga gusto ko... gagamitin kita hanggat gusto ko...at kung sakaling makialam ang pamilya mo ay kakamkamin ko ang lahat ng lupain ninyo at singilin kayo sa lahat ng pagkakautang nyo sa akin... Naiintindihan mo?" Tumango ako para sa pag sangayon.
Pabalya nyang binitiwan ang braso at saka tumalikod.
"Tapos na ang usapang ito Francine...umuwi ka na sa inyo at ayusin ang mga dapat ayusin... ililipat natin sa mas magandang ospital ang ama mo, sa lalong madaling panahon, pero ....sa sunod na araw matapos mong grumaduate ay susunduin ka sa bahay ninyo at dito ka na titira..."
Binawi ko muna ang lahat ng panghihina ng katawan ko at pinunasan ang mga luha bago ako sumagot, "Inaasahan ko na maayos ang usapan natin na ito Don Henry... at tutupad ka sa kasunduang ito...."
Ngumiti ito at itinaas ang hawak na baso na may lamang alak na parang sinasabing Cheers.
" Totoo ako sa mga sinasabi ko....kaya wag kang magkakamaling tumakas, matapos kong gawin ang parte ko....Francine..." Muli itong ngumiti.Matamang ko syang tinitigan sa mata ng biglang may kumatok.
"Pasok..."
"Don Henry..." Magalang na bati ng lalaki sa Don at saka ibinaling sa akin ang tingin, nailang ako dahil sa matamang titig nitong iginawad sa akin, nakasuot pa din ito ng pormal na akala mo ay laging may meeting.
"Mr. Alvez... dumating ka na pala." Napatingin tuloy ulit ang lalaki sa Don.
"Di ba ako nakakasagabal?" Tanong nito ng muling binaling sa akin ang tingin na parang nagtataka.
"Hindi naman...tapos na din naman na kami sa aming usapin... hindi ba Ms. Francine?" Baling sa akin ng Don. Tumango lamang ako bilang pag sang-ayon.
"Mauna na po ako... salamat..." Paalam ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko na hinintay ang sagot ng Don at agad na akong humakbang palabas ng kwartong iyon.
Pagkasara ko ng pinto ay tuluyan ng bumagsak ang masaganang luha mula sa aking mata. Pakiramdam ko ay di ko kaya ang naging desisyon ko pero kailangan ko ito para sa ikabubuti ng lahat.
Hilam ng luha ang aking mga mata ng mapagdesisyunan kong lumabas na ng mansion na iyon, lumuluha akong naglalakad kaya naman hindi ko napansin ang isang matigas na bagay at nabangga ko. Nahinto ako sa paglalakad pero sandali lamang iyon.
"Sorry po...." hinging paumanhin ko ng mapagtanto kong isang matangkad na lalaki pala ang nabangga ko, minadali kong humakbang at umalis na sa harapan nya kahit na di pa ito sumagot sa hinging paumanhin ko....
___________________________________________________________________
GUYS PA-VOTE LANG PO SALAMAT PO
SALAMAT PO SA PAGABABASA
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...