Tulala ako habang nakikita ko si Steven na palapit sa sasakyan kung saan ako nakaupo. Nakailang beses din akong napalunok ng bara sa lalamunan ko.
Nakita kong huminto sya sa labas ng kotse sa pintuan ko. Tulala pa din ako sa mukha nyang di ko mawari kung anong emosyon ba ang mayroon doon, pero alam kong nahihirapan sya lalo pa at marahas syang bumuga ng hininga siguro nga ay nahihirapan sya dahil di nya alam kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin nya para sa akin.
Marahan nyang binuksan ang pintuan ng kotse sa side ko, naglahad sya ng kamay sa akin, pero ang mga mata ko ay nanatili lamang sa mukha nya, at hindi naman sya sa akin makatingin ng diretso, kita ko doon na nahihirapan talaga sya. Nakagat ko tuloy ang labi ko dahil di ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin.
"Wala ka bang balak?" Iritadong sabi nya ng di ko padin tinatanggap ang kamay nyang nakalahad. Tinaasan pa nya ako ng kilay, aba may dalaw ata ito... kanina pa kasi nagsusungit e. " Nangangalay na ako..." Natatawa ako sa asal nya pero hindi ako ngumiti, tinaasan ko din sya ng kilay atsaka ako lumabas ng kotse ng di ko manlang inabot ang kamay nyang nakalahad para sa akin.
"Tsk..." Di ko pinansin ang pagsusungit nya sa akin, dumiretso ako sa parte ng burol kung saan kitang kita ko ang magandang tanawin sa baba... huminga ako ng malalim at hindi na sya sinulyapan, mas ok na sigurong magpalamig muna ako ng nadarama ko bago ko sya maaway, at alam kong galit din sya sa akin.
Nahinto ako sa pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang isang kanta, nilingon ko kung saan iyon galing, nakita ko syang nakatayo habang nag aayos ng maliit na speaker doon na pinatong sa harapan ng sasakyan nya.
"Lets eat..." Nakangiti na sya sa akin, anong mayroon bakit mabait na sya ngayon? Tumango ako pero hindi ako ngumiti sa kanya.
Tahimik lang kaming kumakain, umorder pala sya ng salad at mga sandwich... alam nyang ito ang paborito ko. May mga pasta din at mga meat na hindi ko alam kung anong mga luto iyon pero masarap. Binigyan nya ako ng plato at pinuno nya iyon ng mga pagkain. Hindi na ko umangal , gutom nadin naman na ako e.
Tahimik lang kami,wala talagang pansinan. Naiilang na ako sa sitwasyon, kumakain kami pero ang mga mata nya ay diretso nang nakatitig sa akin, anong mayroon?
"May dumi ba sa mukha ko?" Sabay taas ng kilay ko sa kanya. Kainis. Kumakain ako e.
Umiling sya at ngumiti ng malapad. Inis kong binalingan muli ang pagkain ko at hindi na sya tinignan muli.
" So... ano na kayo ni Benjamin?" Nasamid ako sa tanong nya, agad agad nya akong dinaluhan at hinagod ang likuran ko ng natatawa. Langya nasamid na nga ako sumabay pa ang pananayo ng mga balahibo ko sa buong katawan ko. Hinawi ko ang kamay nya sa likuran ko, nakita ko ang pagtaas ng kilay nya at ang pag igting ng panga nya. Lumayo sya at muling umupo sa harapan ko. Mataman nya nanaman akong tinitigan.
"We're friends...." Walang gana kong sagot sa kanya at mataman ko din syang tinitigan.
"Talaga? Kaya pala naiyak ka pa kanina ng harap-harapan ka pa nyang hinarana sa harapan ng mga kaibigan nyo...." sarkastikong sabi nya sa akin. Nairita na talaga ako sakanya. " Masarap ba syang kasama kumpara sakin?"
"ALam mo, kung yan lang ang rason mo kung bakit mo ako dinala dito, iuwi mo nalang ako..." Iritable kong sagot, kabwisit! Sabay tayo ko para dumiretso na din sa kotse, nawalan na ako ng gana...
"Francine..." Malumanay nyang tawag sa akin, pero di ko sya pinansin.
Walanghiya ka, dinala mo lang ako dito para sa kung ano-anong pang-aasar lang ang gagawin mo sa akin, namimiss na kita, pero ito lang pala ang gagawin mo? Langya ka, ang tagal kong pingarap na makasama ka ulit ng ganito tapos wala naman palang magandang mangyayari, kaninis lang. Lahat yan gusto kong sabihin pero hindi ko ginawa. Wala naman kaming relasyon di ba, kaya wala din naman akong karapatan. Kung alam mo lang kung bakit ako naiyak kanina habang hinaharana nya ako...ikaw yung nasa utak ko non, iba ang humaharana pero ikaw ang nasa isipan ko!!!
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...