- 41 -

635 8 2
                                    


Wala kaming imikan ni Steven habang nasa byahe kami, papunta kami ngayong airport. Kasunod namin ang kotse ng mga bodyguards nya. Sinundo nya ako sa mansion, oo sa mansion....

Natakot ako dahil baka makarating na kay Sir ang tungkol kay Steven, dahil sa mga pagsundo at paghatid nito sa akin. Tahimik lamang kami. Seryoso kasi sya kaya mas pinili ko nalang din ang manahimik nalang. Nakita sya kanina ni Kuya Joel at seryoso siyamg tinitigan ng huli, kaya kinabahan na ako doon...



Sa sobrang katahimikan ay mas pinili ko nalang na ipikit ang mga mata ko. Naalala ko si Sir kagabi, doon ulit sya natulog sa kwarto ko at gumising nalang din ako ng wala na sya..

Pakiramdam ko ay asawa nya ako, dahil sa akin sya umuuwi... pero asawa ba ang ganon? Kung darating sya sa iyo ay amoy alak at laging 12AM? At gigising ka nalang na wala na sya? Baka umuwi na sya sa asawa nya talaga... Parang may pumiga sa puso ko ng maisip ko iyon, hindi kaya kabit lang ang tawag sa akin?

Wala kasi akong mapagtanungan ng kahit na ano tungkol kay Sir, dahil alam kong si Kuya Joel lamang ang may alam ng lahat at ang iba ay wala.



Naramdaman ko nalang ang isang masuyong haplos sa pisngi ko....pinahid nito ang luhang lumalandas doon " Are you okay?" Malambing na tanong ni Steven sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay uminit ang pisngi ko, nasa airport na pala kami.

Agad akong tumango at di magkanda-ugaga na tanggalin ang seatbelt ko. "Yes..." Tinanggal din nya ang seatbelt nya at sabay kami halos na nagbukas ng pintuan. Paglabas namin ay inihagis nya sa isa nyang body guard ang susi ng kotse. Tumango sya dito at ganon din ang lalaki. "Ingat po kayo sir..." Nakita ko ang isang guard na naglalabas ng mga gamit namin mula sa likod ng kotse nya. Maagap na kinuha iyon ni Steven kasama ang aking malaking bagpack doon. Pinahawak nya sa akin ang aming tickets. Wala akong ibang dala kundi ang aking handbag at ang mga ticket.

"Sir----ako na po..." Sabay hawak ko sa bag ko, inirapan nya ako.

"Ako na..." Walang ganang sabi nya at dumiretso na sa loob ng airport.

Naiwan tuloy ako doong nganga.


FIrstime ko dito sa eroplano, kaya naman kinakabahan ako. "First time?" Mahinang tanong ni Steven sa akin. Tumango ako at ngumiti ng tipid saka ko muling binaling ang aking tingin sa bintana. Abala ako sa pagtingin sa labas ng madama ko ang kamay nyang humawak sa kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri, nilingon ko sya pero nakita kong nakaheadset na sya at nakapikit, pero nakangiti sya...Nakagat ko ang labi ko....langya to...dumada-moves... pero nangiti naman ako dahil doon.

Hinayaan ko ang mga kamay namin na ganon.

Nang makalapag na kami ay isang black van ang sumundo sa amin doon. Hindi ko alam pero kinabahan ako ng makita ko ang isang malaki at magandang resort doon.

Hindi nya sinabing resort ang lugar na pupuntahan namin...ano kayang business ang mayroon sya dito. Agad kaming dinala ng isang boy sa isang malaking kwarto.

Agad kong inikot ang mata ko doon, kulay puti at brown ng buong kwarto....simple pero elegante ito. Malaki ang kwarto para sa isang tao, dahil nakita kong malaki ang kama sa loob ng isa pang kwarto na medyo nakauwang na pinto at ang malapad na mga couch dito sa tanggapan may sarili din itong dirty kitchen at mukang malaki din ang comfort room doon.

Agad akong pumunta sa bukas na malaking bintana doon katapat ng maganda at malawak na dagat. Veranda pala iyon...kaya lumabas ako doon at nakita ko ang mga upuan at lamesa doon.... nilamig ako ng madama ko ang malamig na hangin na umihip. Pero ang malinaw at ang magandang dagat na natatanaw ko ay nakakawala sa realidad.

Nasa mataas na parte kami ng resort, kaya kita namin halos ang kabuuan ng lugar....ang ganda ng kalikasan.

"Like it?" Mahinang tanong ni Steven sa akin kaya naman nilingon ko sya doon na nakahilig sa hamba ng veranda. Ngumiti ako at tumango matapos ay sumilip sa loob.

"Nasaan na yung staff ng hotel?" Kumunot ang noo nya sa tinanong ko. " Saan ang kwarto mo?" Na mas lalong nagpadami ng kunot nya. Takang tinignan ko lang sya at saka sya ngumisi. Kinabahan ako sa pag ngisi nyang iyon parang may nadarama akong hindi maganda...

Ngumiti sya ng matamis at tumango sa akin, siguro ay nabasa nya ang nasa isip ko. "No!" Sabay sabi ko ng mariin. " Hindi pwedeng ganon Sir-----" Natigilan ako ng may maalala ako sa tinawag ko sakanya. "I mean... pwede naman po sigurong sa hiawalay akong kwarto, kahit na maliit lang po..." Umiling sya at ngumiti nanaman.

"Hindi pwede, kailangan kitang nandito palagi sa akin.." Parang may nahimigan ako doon sa boses nya na parang nagbubunyi. Shit!

"Mr. Steven, kahit na sa isang maliit at pinakamura lang na room..ok na po ako, at pwede nyo naman po akong tawagin kung sakaling may----"

"NO...." May diin nyang sabi at pumasok na sya sa loob at nakita ko syang pumasok na sa kwarto na na andon at saka binuksan ang dala nyang maleta at dinala ang laman noon sa loob ng puting cabinet doon. Shit! Isang kwarto lang kami? Isang cabinet? Isang CR? WTF?!!!



Agad akong umupo sa couch at naglaro sa cellphone ko, nakita ko syang nag aayos na para sa pagligo. May kinuha syang towel at mga damit doon, nakatalikod sya kaya naman ng maghubad sya ng damit ay kitang-kita ko ang kanyang mga muscles sa lokod na nagsigalawan doon, napalunok ako dahil sa isang adonis na ito. Shit!!!

Isang malakas na tawa ang nadinig ko kaya ako naibalik mula sa pagkatulala, saka ko lang napansin na nakaharap na pala sya sa akin at tinatawanan ang naging reaksyon ko sa nakita ko... Pakiramdam ko ay umakyat na sa mukha ko ang lahat ng dugo dahil doon....napayuko ako... dahil sa hiya... langya!!!

Muli kong inabala ang aking mata at kamay sa cellphone ko. Hindi ko na sana sya babalingan ng tingin pero nakita ko syang nakatayo na sa aking harapan! Lumunok ako dahil sa pagkakakaba ng dibdib ko...ang puso ko nagwawala na, excited ata!

Ano ba ito??? Hindi ako nag angat sakanya ng tingin kahit na malapit na ang mainit nyang katawan sa nanlalamig na akin. Putek lang!!! Jusko!

Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako sa cellphone ko na pinaglalaruan ko e, kasi kita na doon ang panginginig ng mga daliri ko...

Lalo akong di mapakali ng lumuhod sya sa harapan ko para magpantay ang mga mukha namin..ang mga mata naman...

Nakangising aso ang g*g*.

"Gusto mong sumabay maligo?" Malandi nyang sabi sa akin, umiling ako ng maraming beses pero di ko sya tinignan pa muli dahil nakayuko lang ako. Agad nyang hinuli ang baba ko at inangat iyon para magtagpo ang mga mata namin.... parang lalo akong nanginginig sa mga haplos at titig nya...

"Nanginginig ka...." Nakangiti nya pa ding sabi sabay kagat sa kanyang labi. Bumaba ang mata nya sa mga labi ko. Seryoso? Ganito talaga sya kalandi? Napalunok nanaman ako dahil sa kaba. Abot-abot ang kaba ng puso ko, parang nagdiriwang sila kasama ang ibat-ibang lamang-loob ko, langya!

"H-i-ndi a!" May diin kong sabi. Pero di na ako nakapalag ng hinawakan nya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa cellphone ko, at ipinating iyon sa aking mga binti.

"Hindi ba?..." Mas lalong lumandi ng boses nya. Ramdam ako ang panginginig nga kamay ko na hawak nya imposible naman na hindi nya iyon maramdaman di ba?...kaya mas lalo syang ngumisi sa akin...

Shit lang! Sinubukan kong tumayo at iwan sya doon. Pasalamat naman ako at di na nya ako sinundan pa ng tuluyan na akong nakatayo at nagmartsa palabas ng kwarto. Narinig ko nalang ang mga halakhak nya doon ng pagsara ko ng pinto.

Jusko!!! SHIT!!!

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon