"Sorry.....sor--rryy....." Mahinang saad ko habang nasa harapan ako ng computer, nakayuko ako kahit na di ko naman nakikita ang itsura nya. Kasi kahit na wala namang kung anong mayroon sa screen pakiramdam ko pa rin na mayroong mga matang masugid na humahagod sa buong mukha ko, sa buong pagkatao ko.
Napalunok ako ng dahil sa mga bara na nasa lalamunan ko, inaantok na talaga ako pero mas pinili kong harapin sya, ayokong patagalin to dahil kung galit nga sya at patatagalin ko pa ito baka mas lalaong lumalim pa ang galit nya at tuluyan na ko ang maparusahan ng mabigat.
"Sorry po talaga....hindi ko po sinasadya....pangako po....hindi na ako uulit...di ko naman po kasi talaga alam na inuman po pala iyon...sorry....hindi ko po talaga ginusto yung nangyari...tyaka-----" sasabihin ko sanang wala namang nangyari sa amin ni Benjamin pero ano bang alam ni SIR kay Benjamin e never ko pa naman nabanggit iyon sa kanya ata wala naman akong balak na banggitin yun, lalo na ang mga namagitan sa amin dahil baka mas lalong mawalan na ng tiwala sa akin si SIR....
Guilty talaga ko, inaamin ko naman na may mali talaga ko, dapat ng nakita ko na inuman iyon sana ay umalis na agad ako doon pero hindi e, nanatili na nga ako, uminom pa ako....at hinayaan ko pang maiwan ako doon mag isa, kasama si Benjamin na nakainom din...buti nalang at wala syang ginawang masama sa akin.
Ramdam ko ang pagsisisi sa sarilin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, tinignan ko iyon at nakita ko ang text ni Sir sa akin
SIR: Isarado mo ang lahat ng ilaw pati ang mga kurtina....mag logout kana din....
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga oras na iyon....hindi ko alam kung ano bang nadarama sa akin ni Sir ngayon...disappointed ba sya? Dahil sa ginawa ko? Shit!!!
"Sorry....sorry po talaga...." Nagsisisi kong sinabi muli sa kanya sa screen at saka ako nag log-out, alam kong wala akong dapat na ipaliwanag dahil pagkakamali ko naman talaga iyon, at wala ako karapatang magreklamo kung magalit sya sa akin...
Abala ako sa pag aayos ng computer matapos kong gamitin ng muling tumunog ang cellphone ko.
SIR: Isarado mo ang lahat ng ilaw pati ang mga kurtina....
Humugot ako ng malalim na hininga para pakawalan ang kaba sa dibdib ko na kanina ko pa pinipigilan, natatakot ako sa pwedeng maging kapalit ng mga pagkakamali ko....
Ilang oras na mula ng matapos kaming magharap sa computer ay hindi pa din ako makatulog, pakiramdam ko ay tulog ang mata ko pero ang utak ko ay gising....kainis....
Pabaling-baling ako sa kama at naghahanap ng tamang pwesto para makatulog ng maayos...
Bagaman nakahiga na ako at naiidlip ay parang may naamoy akong usok ng sigarilyo...hindi naman pwedeng may pamasok na usok dito sa kwarto ko dahil sa aircon ito at sinarado ko na din ang bintana maging ang mga kurtina gaya ng sinabi ni Sir....
Umupo ako mula sa pagkakahiga ng maamoy kong lalong lumalakas ang amoy ng sigarilyo....nanayo ang balahibo ko ng may makita akong baga ng sigarilyo sa ere..sa may bandang pintuan....dahil sa dilim ay di ko maaninag iyon ng maayos, inabot ko ang switch ng lapshade sa side table ko pero di iyon bumukas, sinubukan kong tumayo at lumapit sa study table ko para buksan ang ilaw doon pero hindi din iyon bumukas....isa nalang ang switch na pwede kong buksan iyon ay ang main light ng buong kwarto ko pero nasa gilid ng pintuan ang switch noon....di ko kayang lumapit...
Napalunok ako ng makita ko ang baga noon na bumaba at pinatay sa gilid na alam kong may maliit na lamesa doon di kaya ay may ashtray din doon? So ibigsabihin nga ay may tao....malamang.....
Sobra-sobra na ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko pang may mulapag na baso din doon....may amoy alak din pala....Shit....
Agad akong bumalik sa higaan ko at umupo doon...pinilit kong palakmahin na ang nagwawala kong sistema....bakit sya nandito....tinakip ko sa buong katawan ko ang kumot....naka-indian seat ako doon at niyakap ko ang isang unan na akapatong sa binti ko.....nakayuko ako dahil alam kong kahit madilim ay sa akin sya nakatingin....
"S-o-rr-y -p-o...s-or-ry....." Pumikit ako ng mariin baka sakaling maibsan ang takot na nadarama ko, pero lalong nagwala ang sistema ko ng marahas nyang hinila ang kumot mula sa katawan ko kaya tumalsin ang unan sa ibaba ng kama at ang kumot ay tuluyan ng nawala sa katawan ko....
"Si-sir.....So-so-sorry po....di ko na po iyon uulitin...pangako po...." Maiyak-iyak kong sambit....shit...wag po naman....
Pakiramadam ko ay puno na ng pagmamakaawa ang tono ng boses ko, ayaw ko ng ganito...
Naramdaman ko na lumubog ang kama ko sa kaliwang bahagi, baka naupo na sya doon....
Isang malakas na braso ang nadama kong humawak sa batok ko at hinila ako palapit sa kanya....kahit na may lakas ang paghila nya ay nadama ko pa din ang alalay sa ginawa nyang iyon...
"Sorry po talaga...pangako po magiging mabait na po ako....hindi na ako uulit...." sa sobrang kabang nadarama ko ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ko, mga impit na iyak ang kumawala sa lalamunan ko....
Napapikit ako ng maamoy ko ang amoy alak nyang hininga na binuga nya sa may mukha ko na tingin ko ay galing sa mga mabibigat nyang paghinga.....
Ang init ng hininga nya ay nadarama ko na sa mukha ko...malamang ay halos dikit na din ang mukha namin kahit na di ko pa man nakikita ang itsura namin....
Lalong dumiin ang pagpikit ko ng madama ko ang daliri nyang humahagod sa pisngi ko na nagpadama sa akin ng kaba na di ko mawari....ng kuryente na di ko malaman....
Pakiramdam ko ay hinehele ako sa mga haplos nyang masuyo doon...
Dinama ko ang bawat daan ng mga daliri nya sa pisngi ko...sa noo ko....sa buhok....sa tenga....sa leeg....sa balikat...parang nag init ang katawan ko ng madama kong bumaba pa ang mga daliri nyang nagda-drawing sa aking braso....pakiramdam ko ang kuryente ay lalong dumadami na naglalakbay sa katawan ko....
Napasinghap ako para pigilan ang mga ungol na gustong kumawala sa lalamunan ko pero hindi ko kinaya...napaungol ako sa ginagawa nya lalo na ng bumalik iyon sa leeg ko...
Pakiramdam ko ay may damdaming gustong kumawala sa akin ng mga oras na iyon na maari kong mailabas pag umungol ako pero hindi....kaya mas lalo pang tumakas ang mga mahihinang ungol mula sa lalamunan ko....
"FUCK!" Sinabi nya na nagpamulat sa mga mata ko.....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...