- 34 -

678 13 1
                                    

Matapos lumabas ng bruha ay wala kaming naging imikan ni Steven. Hayyy parang di ko kakayanin na tumagal dito ng ilang buwan na kasama sya...pwede bang mag apply nalang ulit sa iba para sa OJT? Hayyy...kung pwede lang e...

Narinig kong kumilos sya at kinuha ang cellphone sa lamesa...maya pa ay nakita kong may kausap na sya sa cellphone.

Pakiramdam ko ay isa ito sa pinakamatagal na oras sa buong buhay ko....pero hindi naman boring kasi kasama ko ang isang Adonis na hindi ko ipagkakailang....nagustuhan ko dati...kaso hindi pwede..may mahal na sya...at sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita ay malamang baka sila na...at may asawa na din sya di ba?

Ang isang lalaking katulad nya ay ang tipong hindi tumatagal na binata, dahil malamang ay marami na syang nakasamang mga babae...pero kung iisipin ay kakayanin ko bang tumagal kasama ang lalaking dati kong ginusto na sana ako nalang ang minahal noon? Di kaya mahulog ako muli sa kanya? O lalo akong mahulog? "Hayyyyyyy..." Sabay buga ko ng hangin...parang hindi ko kaya....

Nagulat ako ng may tumikhim! Shit lang...nadulas ang ang mukha ko mula sa pagkapalumbaba ko kanina...Lalo akong nakaramdam ng hiya ng nakita kong mataman nanaman syang nakatitig sa akin...nagkatitigan kami pero iniwas ko din agad ang akin dahil di ko kayang tignan ang mag matang iyon....

Mula noon ay inabala ko na agad ang sarili ko sa pagtatrabaho...hehehe parang empleyado lang talaga ano...pero OJT lang ako nito a...

Abala ako sa computer ko ng biglang nagring ang phone nya at sinagot nya agad iyon...masyadong mahina ang usapan nila pero sandali lang din naman at pinatay nya agad ang tawag. Ilang minuto lang ay narinig ko muli ang isang katok at isang CLICK na hindi ko alam kung saan at saka biglang may nagbukas ng pintuan...isang guard...sya yung guard kanina na napagtanungan ko kung saan ang HR ng building na ito...ngumiti sya sa akin at dirediretso sa lamesa ni Steve, may dala itong paper bag at agad na inabot doon at nagpaalam matapos iyon at muli kong narinig ang isang CLICK ...mataman kong tinitigan ang pintuan na nilabasan ng guard...

"Lets eat..." Nakita ko syang nag aayos ng mga pagkain mula sa paper bag doon sa isang malapad na lamesa sa bandang bintana....so ibigsabihin ay nagpadala sya ng food o pinadala iyon sa kanya? Baka ng asawa nya o kaya ay yung girlfriend nya...

Haynako Francine....magtigil ka na sa kakaisip ng kung ano-ano a...Kainis kana...

Sinenyasan na nya akong lumapit dahil ayaw ko talagang samahan sya...pero dahil sa kahihiyan na baka isipin nyang napakapaimportante ko ay lumapit din ako at umupo sa katapat nyang upuan...agad nya akong binigyan ng caldereta at kanin sa plato ko na inayos na nya kanina mula sa lalagyan...

Tahimik kaming kumain...nakayuko lang ako sa plato ko at pinilit na maging normal ang mga kilos ko kahit na ang puso at utak ko ay nagtatalo na...dahil ang katawan ko hindi na alam kung ano ang dapat kong sundin...ang puso ko bang nagwawala o ang utak ko na nagsasabing magpakanormal...Shit...

"Masyadong tahimik....ayaw mo ba ng pagkain?" Saad nya kaya naman nagtaas ako ng tingin sa kanya..mataman nanaman syang nakatingin sa akin at nakangiti...ngumiti din ako pero pilit hahaha pakiramdam ko nginig ang labi ko sa pagngiti ko na iyon....tsk...

"Para namang hindi mo ako kilala..." Ngumiti sya pero nakita ko ang pait sa kanyang mga mata... pinilit ko din ngumiti at maging maayos ng sasabihin...

"Hindi ko lang kasi alam na ikaw pala ang CEO dito...." Sabay kagat ko sa labi ko..."Hindi ko lang inaasahan na magkikita ta---"

"Hindi ka ba masaya na nakita mo ako?" May himig ng di ko malamang emosyon ang pagtatanong nyang iyon ata agad kaya agad akong umiling ng sunod-sunod at nakita ko doon ang pag-igting ng panga nya. "I mean...ammmm....hindi ko lang akalain na sa ganitong sitwasyon...sa ganitong pagkakataon...." Pinilit kong maging paliwanag ang himig ng pananalita ko para maunawaan nya ako. Tumango sya ng marahan at sumubo muli, ako naman ay pinilit na ubusin ang pagkain sa pinggan ko, paano ba naman ang dami nyang nilagay doon e ang totoo naman ay hindi ako mahilig sa karne at kanin...mas gusto ko palagi ang gulay, prutas at isda...

Oras na ng uwian...natapos na ang pinakamahabang oras sa buhay ko...ang makasama ang lalaking di ko alam kung ano ang kahulugan sa akin....ang halos dalawang oras na nakasama ko sya noon...at naging malambing sya sa akin noon ay parang isa sa pinakapinahalagahan kong moment sa buhay ko...kung tutuusin ay hindi ko naman sya kilala...pero ang puso ko parang matagal na syang kilala...

Ayos na ang mga gamit ko kaya naman tumayo na ako para sa paglabas at magpapaalam nadin ako sakanya...

"Goodbye po sir...mauna na po ako..." Ngumiti ako ng tinignan nya ako mula sa bpag-aayos ng lamesa nya...matapos iyon ay naglakad na ako papuntang pintuan at binuksan iyon...pero laking taka ko ng di ko iyon mabuksan...

"Need help?..." Malambing na sabi nya sa tenga ko kaya naman halos mapatalon ako sa pagkagulat...at agad akong pumihit paharap kaya nauntog ako sa baba nya...

Sabay kaming napa 'outch' doon dahil parehas kaming nasaktan, ako sa noo at sya naman sa baba, nagkatitigan kami...sa lapit ng mga mukha namin ay hindi naman mahirap abutin ang labi nya na dati ko ng pinapangarap e...dati lang ba? Kasi ngayon pakiramdam ko ay gusto ko ng sunggaban agad iyon ng labi ko....unti-unti nyang nilapit ang mukha nya sa akin kaya ayon ang puso ko nagwawala na...nagdidiwang na ata dahil sa nalalapit na tagumpay....

Pumukit ako bago pa nya mailapat ang labi nya sa akin, para sa paghihintay sa halik....pero natauhan ako ng marinig ko ang isa nanamang CLICK doon at mapagtantong lumampas ang mukha nya sa mukha ko para abutin ang kung ano sa may pintuan, saka nya iyon dahan-dahang binuksan at saka sya tumawa ng malakas...at nilampasan akong nakanganga doon matapos lumabas ng pintuan....Shit!!!Ano yun?

Ang pintuan ay may lock? Hindi ko mabuksan? Nangangain lang ba ng tanga ang pintuan o sadyang may sarili itong lock na sya lang ang nakakapagbukas?

Ilang segundo pa mula ako nakabalik sa pagkanganga ko doon dahil nakatunganga ako sa double door na nilabasan nya..nabigla nanaman ako ng bumukas muli iyon at sumungaw ang mukha nyang may ngiting pilyo...langyang gwapo ito...pinapaasa ako...

"Halika na...ayaw mo pa bang umuwi?" Lalo syang ngumisi....humaba ang nguso ko dahil di ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pagkatunganga ko dahil sa kanya o dahil sa magandang ngiti nya na ngayon ko lang nasilayan....natutuwa kasi ako di ko mapigilan na kiligin sa lokong ito e...

Ngumit ako at umiiling na lumabas matapos nyang buksan ng maluwag ang pintuan...

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon