Unang araw ko sa klase ngayon. Kabado ako pero alam kong kaya ko naman. Matapos ko kaninang maligo ay pinili kong gamitin ang mga gamit na binigay sa akin ng Don na nasa cabinet sa kwarto ko.
Nakita ko din kasing mga bago iyon, may mga tag pa kaya alam kong di pa iyon nagagamit. Para nga siguro sa akin iyon, ang mga damit ko kasiing dala mga pang alis ko lamang iyon pero ng makita ko ang mga suot ng mga estudyante mula sa araw ng nag pa-schedule ako ng entrance exam hanggang sa nakapag enrol ako ay nakita kong mukha akong kawawa sa mga suot ko.
Ayaw ko man gamitin ang mga ito pero kailangan na din, ilang beses na din kasi akong kinukulit ni Kuya Joel at ni Betty na gamitin ko daw kasi para akin daw talaga ang mga yon.
Nakalagay kasi sa module ng school na isang buwan daw na walang uniform ang mga estudyante, ang mga damit na dinala ko ay kaunti lamang kaya nakakahiya naman na kung sa isang linggo ay dalawang beses ko uulitin ang pagsuot sa mga ito.
Pinili ko ang black pants at isang v-neck na brown tshirt. Ayaw ko isuot ang mga dress pakiramdam ko kasi ay nakakahiya at hindi sa akin bagay.
Maaga akong pumasok sa classroom para makapili ako ng upuan ko, nakapwesto na ako dito sa likuran sa tabi ng bintana.
Narinig ko ang ingay sa labas ng classroom at unti-unti din na napupuno ang klase namin habang palapit na ang oras ng dating mga prof.
Abala ako sa panonood sa labas ng bintana ng maramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan. Tumikhim ito ng dalawang beses bago ko ito sinubukang lingunin nakita kong lalaki ito at saka ko binalik ang tingin sa bintana......Shit!!!!
Agad kong binalik ang tingin ko sa lalaking ito!!!Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ito.
Ngiting aso ito habang nakatingin din sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya ng maalala ko ang nangyari nung nakaraan nung nag aaply ako para sa entrance exam....
Sya yung lalaki na nakabangga sa akin. Yung gwpong lalaki na mayabang. Binaba ko ang tingin ko para iwasan ang mata nyang mapanuri na parang may kalokohang nasa isip.
"So....classmate pala tayo..." mayabang na sabi agad nito.
Muli ko itong sinulyapan ng walang ganang tingin at saka ko binalik sa bintana ang mata ko.
"Sungit...." Natatawang sabi nito ng mahina.
"So....close sila?"
"Yata, nag uusap e...."
"Gwapo no...." Mga narinig kong bulung-bulungan ng mga kaklase kong babae, na nagpalingon sa akin kung saan ang umpukan ng mga ito, nakita kong palipat-lipat ang mga mata nila sa amin ng lalaking katabi ko. So, ganon? Pag nasa akin nag mga mata nila parang gusto na nila akong patayin sa tingin palang, pero pag nadapo na sa mayabang yung mata nila parang halos hubad na ito sa lagkit ng mga tingin ng mga ito.
"tsk..." narinig ko sa lalaking katabi ko at ng lingunin ko ito ay nakayuko na agad ito sa desk nya.
Nagkibit-balikat ako at muling lumingon sa labas.
Sandali lamang ang oras ng mga klase ko ngayon dahil din sa unang araw ay puro pagpapakilala lamang sa klase ang ginawa namin.
Ilang tao nalang ang magpapakilala bago ako.
"Hi guys....I'm Benjamin Ramos, 18 yrs old. Single." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at saka nagtilian ang mga babae sa klase namin, ganon? Ano meron?
"Wala ka ba talagang girlfriend?" tanong ng isang babae. Umiling sya bilang sagot.
"Ang gwapo mong yan?" Paninigurado naman ng isa pa.
"Baka this week magkaroon na ako...." Makahulugang sagot nito at saka bumaling sa akin ng tingin at ngumisi sa akin, napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Nahiya ako kaya naman nagbaba ako ng tingin.
"Next..." Sabi ng Prof namin kaya naman nakayuko akong tumayo dahil ako na ang susunod.
"Hello....po...I'm Francine Vargas....16 yrs old...---"
"Francine...single ka?" Tanong ng isang lalaki sa harapan ng board nakaupo. Tumango din ako bilang sagot.
"Pwede mangligaw??!!!!" Masayang tanong nito sa akin. Ngumiti ako nt muling umiling.
"Ayyyyyyyyyyyyyyyyyy...." pang aasar nila sa lalaking nagtanong noon.
"Class, ok na...." Putol ng prof namin sa asaran.
Nagbigay pangalan ng mga books na kailangan namin sa klase ang prof at kung ano-ano pa.
Laking pasalamat ko ng matapos na ang klase at kanya-kanya ng tungo ang mga estudyante sa canteen.
Agad akong nagtungo sa ilalim ng malaking puno at naupo sa bench doon.
Kinain ko ang baon kong vegetable salad at ang tuna sandwich ko na pinagawa ko kay Betty kanina para baon ko.
"Sandwich and salad? Lunch?" Nilingon ko ang lalaki na nagsalita noon at laking gulat ko ng makita ko muli ito sa gilid ng inuupuan ko.
BInigyan ko ito ng walang ganang tingin at saka inumpisahan kong lantakan ang baon ko.
"Diet?" Muling tanong nito sa akin, di ko padin ito pinansin. Naramdaman ko nalang na umupo ito sa tabi ko.
"Sungit mo no?..." Di ko pa rin ito nilingon at agad na tinapos ko ang pagkain ko.
Pasalamat ako at din a ito muling nag salita, matapos kong kumain ay agad kong tinahak ang classroom ko sa next class. Madami ng estudyante sa loob, nakita ko ang dalawang bakanteng upuan sa dulo ng kaya naman agad kong tinahak ang upuan na iyon, habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga mata ng mga babaeng classmate ko sa akin. Laking taka ko dahil doon, pero bigla kong naramdaman ng isang malaking bulto sa likuran ko...so baka ito nanaman yung lalaki kanina.
Di ko nalang pinansin ito at tuluyan na akong naupo ng makalapit ako sa upuan na nandoon, narmdaman ko din ang pag upo sa side ko nanaman. Lumingon ako dito para alamin kung sino nga ito, at totoo na sya nga nanaman. Nakatingin sya sa akin, kaya naman deadma nanaman ang beauty ko.
Ano bang gusto nito, tamang trip a...nanahimik ako ditto dikit ng dikit...kainis....
Ano bang trip nya...
Ngumisi sya muli sa akin, na lalong kinainis ko.
Ano bang ibigsabihin ng sinabi nyang baka this week ay magkagirlfriend na sy at biglang sa akin tumingin???
Wala naman akong pakialam kung may girlfriend sya o ano e, pero bakit pakiramdam ko ang mga kalokohan sa isipan nito pag sumusulyap ito sa akin, di ako mapakali dahil sa pakiramdam ko na palagi itong nakatingin sa akin. Pinilit ko nalamang na deadmahin ito at wag ng lingunin kahit anong mangyari...
Natapos ng mga klase ko, agad akong tinawagan ni Kuya Joel para sabihin na nasa parkinglot na sila ng school. Inayos ko agad ang mga gamit ko at sinukbit ang bag sa balikat ko.
"Take care....future girlfriend...." sabi nito ng mahina, pero sapat na para marinig ko.
Di ko yon pinansin at deretso akong naglakad palabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...