- 71 -

695 16 8
                                    

Hindi ko kinaya ang mga mata nyang malalalim na nakatunghay sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit na awkward at saka ko binawi ang tingin ko sa kanya.

Nakita kong hinagod ng mata nya ang kabuuan ko at nakita ko ang lalong nagseryoso nyang mga mata at pagtaas ng kilay kaya naman lalo akong nahiya.

"Dyan ka lang..."
Nagmamadali kong sabi at iniwan ko sya doon ng maalala kong basa nga pala sya. Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng towel para pang punas nya.

Nang makalabas ako ay agad kong inabot iyon pero ang loko tinitigan lang ako at habang ang kamay kong may hawak ng towel na nakalahad sa kanya ay halos mangawit na dahil di nya manlang iyon pinansin,busy lang sya sa kakatitig sa akin.

Matapos nya akong pakatitigan ay lumipat naman sa towel ang mata nya, palipat-lipat lang. Nainis na ako lalo pa at tinaasan nya nanaman ako ng kilay habang nakatitig saakin.

"Punasan mo ang sarili mo..."
Inis kong sabi. Ang damuhong ito, naglakad at nilampasan lang ako at dumiretso sa kusina.

"Steven!!!" Inis kong tawag sa kanya habang mukha akong tanga na sumusunod sa kanya.

"Punasan mo ang sarili mo... bak-a mag-ka-sakit ka--..." Pagpagsok namin sa kusina ay naamoy ko na ang tinolang manok. Nagluluto sya?

"Kaya ko ang sarili ko..." Walang ganang tugon nya sa akin na hindi manlang ako nilingon. Inabala nya ang sarili sa niluluto.

"Baka magkasa----"

" Please..." Inis nyang tono, taka ko syang nilapitan at tinignan ng may pagtataka. Hinawakan ko sya braso, nadama ko na nagulat sya sa ginawa ko pero pinilit ko pa din na iharap sa akin doon ko lang nakita ang pamumula ng mukha nya at hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Bakit ba?...." Malambing kong tanong ng humarap na sya. Hindi talaga sya makatingin sa mga mata kong nakatitig sa kanya.

"Tsk...Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka lumabas ng kwarto...." Dinig ko padin ang inis sa tono ng pananalita nya, habang abala sa pag-iwas ng tingin sa akin.

"Bakit ba ganyan----" Saka ko lang sinuri ang kabuuan ko at doon ko lang naalala na wala nga pala akong suot na bra dahil bago ako matulog kanina ay tinanggal ko iyon at isang manipis na tshirt lang ang suot ko kung kayat bakat ang aking....shit!

"S-sorry...." Agad akong tumakbo palabas ng kusina at dumiretso sa kwarto ko para ayusin ang sarili.

Ilang beses akong paulit-ulit na minura ang sarili ko dahil sa katangahan na mayroon ako. Nakakahiya.. baka isipin nya na inaakit ko sya...

Pero di ba... ilang beses na naman nyang nakita ito? Ano pa ba ang kinakainis nya?

Pero shit... nakakahiya talaga.

Inayos ko muna ang sarili ko at sinipat ang sarili ko sa harapan ng salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nagsuot ako ng shorts na hanggang tuhod at isang printed white shirt.

Kagat-kagat ang labi ng nagtungo ako sa kusina para makita ko ang lalaking mahal ko, abala sya sa pag-aayos ng hapag.

Lihim akong napangiti ng maisip ko na ang ganda nyang tingnan habang abala sa aming kusina, at pinagsisilbihan ako.

Napasandal ako sa hamba ng pintuan habang abala sa pagsipat sa malapad na likuran ni Steven, dahil nakatalikod sya sa akin habang abala sa pag aayos ng lamesa.

"Kumain na tayo..." Malumanay na sabi nya ng humarap sa akin ang seryoso nyang mga mata. Langya bakit ba lagi syang ganyan?

Laging seryoso pero bigla naman nagiging malambing... pero mula ng dumating sya dito sa amin at palaging bumibisita ay halos hindi naman sya naging malambing sa akin maliban sa pagbibigay sa akin ng rosas tuwing umaga.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon