- 3 -

986 13 0
                                    

Kiss

Narating ko na ang bukid namin at agad akong naglakad patungo sa kubo na pahingahan namin doon. Napahinto ako ng makita ko sa bungad palang ang kotse na gamit kanina nila Don Henry, nakaramdam agad ako ng takot at galit, ibigsabihin ay dito din pala ang tungo nila kaninang nadaanan nila ako.

Malamang ay pinag uusapan nila ang tungkol sa lupa at sa utang ng pamilya ko. Nilapitan ko ang kotse na may madilim na salamin at napagtanto kong walabng tao sa loob ng sasakyan.

Nakarating na ako sa kubo, at nakita ko nga doon ang Don at may kasama itong dalawang lalaki. Nakatalikod sila lahat mula sa pwesto ko kaya di nila napansin ang presensya ko.

Pinilit kong wag na nila akong makita. Nilapag ko sa isang gilid ang daladalahin kong supot ng pagkain para maglakad lakad nalang muna, may malapit na sapa dito sa aming bukid, pero madalang itong puntahan, kaya naman kaysa makiharap ako sa Don Henry na ito na puno ng kalaswaan sa katawan ay mas pinili ko nalang na magtungo doon.

Nang makarating na ako sa sapa ay umupo na lamang ako sa isang malaking batong nandoon.

Naaawa ako sa mga magulang ko, kung pipilitin kong makapag aral sa kolehiyo ay baka mawala na ang aming mahal na lupain, ang aming sakahan...

Habang nag mumuni ako at may naramdaman akong may kumikilos sa aking likuran kaya naman napaharap ako doon pero, huli na....

Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari..

..halik...halik...halik....

Agad akong napalayo sa sobrang kaba at sinubukan kong sumigaw pero natakapan nya ang aking bibig gamit ang kaniyang kamay at hinawakan nya na din ang aking batok. Nakaramdam ako ng takot... maiyak-iyak ako sa sobrang takot at kaba, tinitigan ko ang mata ng lalaking ito.

"Miss hindi ko sinasadya---" Nahinto sya dahil pinilit kong pumalag sakanya.

"Wala akong balak na masama sa iyo..ok? Bibitawan ko ang bibig mo bastat pangako mong hindi ka na sisigaw..."
.Napatango ako kaya naman binitawan nya agad iyon...pero...

"Ahhhhhh-----------" muli akong sumigaw pero mali ata ang ginawa ko....dahil muli nya akong hinalikan, pero di tulad ng nauna na smack lang, ngayon ay may kasamang diin at gigil...pinilit kong pumiglas pero malakas sya. Nanghina na ako kakapiglas kaya nawalan na ako ng pagkakataon na lumaban pa,.... nang di na ako pumalag ay naramdaman kong naging masuyo ang halik nya at naging dahan-dahan... malumanay na parang nagpawala sa akin sa katinuan, ganito pala ang mahalikan.... naramdaman ko nalang na sinisipsip nya ang ibabang labi ko at pinilit na makapasok sa bibig ko ang dila nya....at nagawa nga nito...

Naramdaman ko nalang na nilayo nya ang labi nya sa kin....at masuyong hinaplos ang pisngi ko..

"Sorry....Sorry... miss....wag kanang umiyak... sorry talaga..." umiiyak na pala ako, di ko namalayan na umiiyak na pala ako, Niyakap nya ako sa tangkad nito ay hanggang dibdib nya lang ako?

"Sorry di ko sinasadya," Sabi nya habang humihikbi ako sa dibdib nya. " Ikaw kasi e, sabi ko wag kang sisigaw...sorry..." tinulak ko sya ng bahagya para malayo sya sa akin.

"Umalis ka na..." Mahina pero may diin kong sabi.. hindi ko sya tinignan. Nanatili lamang akong nakayuko.

"A-a-ano?..." takang tanong nya. Saka ko lamang sya natitigan sa mukha. Shit...ang gwapo... gwapo talaga. Ang malalalim na mata...na parang hinihigop ang kaluluwa ko... hindi......

"Sabi ko umalis ka na..." Sabi ko ng pinilit kong makabawi... mula sa pagkakatulala sa labi nyang umangkin sa labi ko!

"Sorry tala----"

"Umalis ka na!!!kung hindi ka pa aalis sisigaw ako dito..."

"Talaga? O baka gusto mo lang na halikan kita uli, kaya gusto mo ulit sumigaw?..." Nakita kong humakbang sya palapit sa akin...

"Wag ka na lalapit!... pakiusap...umalis ka na..." Muling tumulo ang luha ko sa kaba...sa takot...

Parang naalarma naman ang lalaki at humakbang paatras, "Wait, sige na, di na ako lalapit pero pakiusap wag ka nang umiyak...please...."

"Umalis ka na..pakiusap,..." Sabay takip ko sa aking mukha para maitago ko ang aking pag iyak.... gamit ang dalawang palad ko, para di nya makita ang mga luha ko....

"Pasensya na talaga miss, di ko talaga sinasadya... sorry... aalis na ako. Wag ka na sanang umiyak...." Sabi nito at narinig ko nalang ay ang mga yabag na palayo sa kinatatayuan ko...

Tumalikod ako muli at humarap sa sapa, para di ko na sya makita...ilang minuto pa ang pinalipas ko, o mas maganda sigurong sabihin na ilang minuto pa ako natulala...

Dahil sa katotohanan na may nakahalik na sa akin, Ang lalaking di ko kilala... Pero di kaya kasama sya ni Don Henry? Nang maalala ko ang tungkol sa Don ay tumayo agad ako para silipin kung andon pa ba sila kasama nang aking mga magulang. Malayo palang ay nakita ko na wala na ang saskayan ng Don mula sa pinaradahan nito kanina, at wala nadin kasama sila ama at ina sa kubo...

Mahinang lumapit ako mula sa kanilang likuran, narinig kong nag uusap nanaman sila ng seryoso..

"Mahal maiintindihan naman ni Francine kung pahihintuin muna natin sya sa pag aaral..."

"Angeline... ayokong huminto ang anak natin, pangarap natin ito di ba...na makapag kolehiyo sya..."

"Alam ko, pangarap natin yon, at pansamantala lang naman ang pag hinto nya hanggat hindi pa tayo bayad sa nautang natin.... at hanggat di pa natin natutubos ng lupa sa Don Henry na iyon..."

"Pero ayoko...."

"Mahal ko....pakiusap, kelangan na natin sabihin ito sa anak natin...."

"Angeline...Ayokong malaman ng anak natin ang tungkol dit-----"

"Ok lang po sa akin ama... ina..." Putol ko sa sinasabi ni ama. Pareho silang napalingon sa gawi ko at sabay silang natahimik.

"Alam ko na po ang lahat..tanggap ko po ang lahat, at pipilitin ko pong magtrabaho pangsamantala para po makaipon agad tayo at makabayad sa Don Henry na iyon. At makapag aral na po ako muli...." Saad ko na may ngiti at pilit na pinasigla ang boses ko...

"Anak----"

"Ama... ok lang po ako, kaya ko naman po na sa susunod na mga taon na lamang ako makapag aral. Kailangan po natin na pagtulungan na mabawi ang lupa at makaahon tayo kahit papano..."

Tumayo sila at niyakap ako. "Sorry anak..." Mahinang saad ni ama na lalong humaplos sa aking puso.

"Mahal ko po kayo, ama... ina..." sabay ganti ko sa mga yakap nila...

"Bakit ka nga pala andito.... at paano mo nalaman?..." Tanong sa akin ni Ina ng makaupo na kami sa upuang kawayan.

"Hindi po ako pumasok... dumating po ako dito kanina at bisita nyo po si Don Henry kaya po dumiretso po ako sa sapa para di ko po kayo maistorbo, kaya po ngayon nyo lamang po ako nakita, pero kanina pa po ako dito sa bukid..."

Madami kaming napagusapan para sa mga plano namin.

Kung paano namin mababawi ang lupa namin.

Nalaman ko na halos nasa isang daang libo na pala ang utang ng pamilya namin sa Don Henry na iyon. Nagsimula pala kaming nagkautang nung nakaraang taon na naospital si ina, doon pala lumapit si ama para makahiram ng pera, kaya pala nagtataka ako noon kung saan kumuha ng pera ang aking ama para sa pagpapagamot ni ina.

Mula sa 50,000 na unang nahiram ni ama at ang dalawang beses pang nakalapit doon si ama dahil sa laging napepeste ang pananim...kaya pala naisanla nya na ang sakahan pero ang masama noon ay di padin nakakabawi ang sakahan para sa magandang ani kaya naman di na nagawa ni ama na makapag bigay ng bayad kahit papaano sa Don Henry na iyon...

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon