- 23 -

658 10 2
                                    


Hindi man ako makatulog ng maaga ay pinilit ko pa din, excited kasi ako e hahaha...

Abala ako sa pag aasikaso ko ngayong hapon para mamaya sa party. Matapos kong maligo ay may kumatok sa kwarto ko.

"Ms.Francine..." Tawag ni Betty.

"Yes po?..." Magalang na sagot ko.

"Nandito na po ang pinadala ni sir na mag aayos daw po sainyo..." Kunot noo akong lumapit sa pinto upang silipin iyon. Gayon din ang mga taong sinabi ni Ate Betty sa akin, nakita ko ang isang babaeng maganda na sa makapal na make-up nya ay sumisigaw iyon na maganda ako...

"Goodafternoon Ms. Francine...ako po si Geneva, make-up artist at stylist po....." Malambing na sabi nito sa akin kahit pa nakadungaw lang ang ulo ko sa pintuan, ngumiti ako kahit pa may halong pagtataka sa isipan ko. Niluwagan ko ang uwang ng pintuan ko.

"Pasok po kayo..." Pumasok sya kasama si Betty, nakakatuwa si Betty kasi di nya ako iniwan mula ng hinatid nyaang panauhin. Mukang mas excited pa sya kesa sa akin. Hehehehe

"Alam mo Ms. Francine....di ka na dapat masyadong lagyan ng make-up kasi maganda ka na...so light lang ang i-a-aaply ko po sa inyo a...ang simpleng ganda naman po kasi ng mukha nyo ay kapansin-pansin na agad e..." Namula ang pisngi ko sa sinabi nya...

"Nakakahiya naman...." Mahinang sabi ko dito pero si Betty ay gumatong pa sa sinabi nya, lalo tuloy akong nailang.

Byahe na kami patungo sa bahay nila Veronica, sa sobrang tuwa ni Betty ay sumama pa ito sa paghatid, kasama si Kuya Joel at ang driver na si Kuya Eric.

Kabado ako habang nasa byahe. Pero si Betty ang daming daldal, kaya naman nakakabawas din ng kaba. Pakiramdam ko mukha akong tanga, hehehe hindi naman ako yung may party hahaha.

Ito kasing si Betty , paulit-ulit ang sabi na ang ganda ko daw.

" O sya maam...dito na po tayo..." Sabi ni Kuya Joel matapos kaming makapasok sa isang malaking gate ng isang mansion na pinaghalong puti at pula ang kulay sa kabuuan.

Ngumiti ako sa kanila.

"Susunduin po namin kayo mamayang 12am po..." Paalala saakin ni kuya Joel.

"Opo, salamat po.." Nginitian ko silang tatlo na pare-parehong nakatingin sa akin.

"O sya po maam....mag enjoy po kayo..at tumawag lang po kayo pag may kailangan po kayo...." Muling ngumiti sa akin si Kuya Joel bago lumabas ng kotse at saka ako pinagbuksan ng pintuan at tinulungan na bumama sa mataas na Hammer na iyon.

"Ingat po kayo maam..." Paalam sa akin ni Betty mula sa likurang bahagi ng sasakyan nakadungaw sya sa bukas na bintana doon habang kumakaway sa akin. Kumaway din ako.

"Salamat...ingat po kayo a...." Muli kong binalingan si Kuya Joel na ngayon naman ay papanhik na sa kotse sa tabi ng driver. Inantay ko pang makaalis sila sa bakuran ng mansion na iyon.

Nagumiti ako muli at huminga ng malalim bago humarap sa mansion....

"Goodevening my beautiful Angel...." bati agad sa akin ni Benjamin. Nangiti ako dahil doon kasabay ng pamumula ng pisngi ko...nahiya ako sa kanya...

"Ang ganda mo...." Sabay lapit sa akin.

"Salamat..." kahit na di ko sya matignan sa mga mata nya na alam kong sinusuri ang kabuuan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Natigilan ako sa natanong ko sa kanya. "I mean....bakit andito ka sa labas?"

Ngumiti sya lalo ng malapad. " HInintay ko talaga ang pagdating mo....sabi kasi sa akin ni Nica na nagsabi ka daw sa kanya na makakapunta ka...kaya hinintay talaga kita..." Nakagat ko ang labi ko at napayuko dahil sa hayagang pagsasalita nito.

"Pwede bang ako ang date mo?" Sabay lahad nya ng kaniyang kamay sa akin...tinitigan ko iyon ngunit di ko tinanggap. Tinignan ko sya ng may pagtataka.

"Hmmmm....kung pwede lang naman?..." Sabay bawi nya sa kamay na nilahad at dumiretso sa pagkakamot ng batok na para bang napahiya sa akin...kunot ang noo nya dahil doon..

Ngumiti ako, saka ko lamang nakita ang muling pagkaaliwalas ng mukha nya at nangiti ng malapad muli ng tumango ako bilang pag sang-ayon. Agad nyang binigay sa akin ang kaniyang braso para kapitan ko bago kami makapasok sa mansion.

"Happy Birthday Nica...." Sabay naming sabi ni Benjamin kay Veronica habang humahakbang kami palapit sa kanya.

Ngumiti naman ang huli at nang makitang magkasama kami ni Benjamin ay lalong lumapad ang ngisi...

"Thank you...." sabay beso nya sa aming dalawa at inabot ko ang regalo ko sa kanya..."So....what's up?" Sabaya taas nya ng kilay habang ngising aso sya sa akin at sa kanyang pinsan na kasama ko ngayon.

Umiling lamang ako na nangingiti habang ang mokong ay ngiting tagumpay lang din.

"O sya....doon nakaupo ang mga classmates natin kaya doon na din kayo..Benjamin wag mong pabayaan yan si Francine a...." Sabay turo nya sa isang mahabang lamesa na nakita kong marami na ang mga classmates namin na nandoon.

"I know cuz...." Sabay ngiti muli ni Benjamin sa pinsan...naglakad na kami papuntang table namin. Habang naglalakad kami ay inikot ko ang mata ko sa magandang mansion nila Veronica. Di ko mapigilan ang mamangha sa laki at ganda noon.

Madami na din ang mga bisita na nandito, mukhang lahat ng andito ay mayayaman, maraming mga mukhang businessman ang mga nandito siguro ay mga invited ng kaniyang mga magulang.

Abala ang mga tao sa pagkain at pagkwekwentuhan doon, pag inom ng alak at kung ano-ano pa... may mga banda din na tumutugtog at may mga matatanda din na sumasayaw na magkakapares. Nakakatuwa ang party na ito pero di ko mapigilan ang mailang sa paligid dahil na din siguro sa katotohanan na hindi naman talaga ako kabilang sa mga taong nandito...tyaka ang pakiramdam na may matang nakatoon sa akin kanina pa ay di na talaga ako mapakali, simula palang kasi ng lumabas ang kotse ay nararamdaman kong may matang nakamasid sa akin, nung una ay nawala agad iyon sa isipan ko ng nakita ko si Benjamin kaninang sinalubong nya ako, pero nang naglaon ay muli kong nararamdaman ang mga matang iyon...di ko alam kung bakit ganito ang nadarama ko, o sadyang praning lang ako at iniisip na hindi ako nababagay sa ganitong mundo.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Benjamin na may pag aalala habang sumisimsim ng alak. Alanganin naman akong tumango sa kanya... "Arre you sure?". Tumango ako muli at sinamahan na ng isang ngiti para hindi na sya mag alala sa akin.

Nagsimula na ang malalambing na tugtugin para sa mga nagsasayaw...nakita ko si Nica palapit sa amin habang nakangiti ng malapad...

"Cuz...." tawag nya kay Benjamin na nakatingin lamang sa akin.

Taas ang kilay na sinulyapan ng huli ang pinsan nya...

"Sayaw tayo...please?" Sabay pa-cute ni Nica kay Benjamin...halata naman na sumimangot ito kaya mas lalong nagpacute si Nica.

"Sige na...ako na muna...tutal mamaya ay si Francine naman na ang isasayaw mo e.." at tumawa pa sya ng mahina halatang nag aasar lang sa amin, ngumiti lang ako sakanila dahil sa asaran ng dalawang ito. Tinignan naman ako ni Benjamin na parang humihingi ng permiso kung maari nya ba akong iwan...tumango ako at muling ngumiti ng matamis.

Agad naman syang hinila ni Nica papuntang dance floor.

om|{8z

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon