- 32 -

676 13 4
                                    


Mabilis ang paglipas ng mga araw, buwan....at inabot na ng taon...di na kami nagkita ni Sir...hindi na sya muling nagawi sa mansion, at kahit pa sa facebook, at sa cellphone ko wala na syang update doon, pakiramdam ko ay tinikman nya lang ako...Shit...ano bang nangyayari sa akin.

Naalala ko pa yung gabing iyon, nagising ako na mayroon na akong saplot at wala na ang taong kasama ko sa magdamag na iyon....mula noon ay hindi na sya sa akin nagparamdam..

Dapat ba akong magpsalamat dahil doon?

Wala namang nawala sa akin di ba?

Maliban nalang sa kahihiyan dahil doon...

Mula ng araw na iyon ay hindi ko na din pinansin lalo si Benjamin, iniwasan ko na sya at sinabihan na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya, gayunpaman ay pinilit nya parin sa akin na hayaan ko lang daw syang iparamdam sa akin na mahal nya talaga ako.

Pero kahit na naglalambing sya ay iniiwasan ko nalang...alam din ng mga classmates ko kung ano ba talaga ang status namin ni Benjamin kaya naman hindi na sila nangungulit pa.

Ang ina ko naman ay palaging tumatawag din sa akin, isang beses sa isang linggo kami nagkakausap kaya naman masaya na ako kahit papaano...Atleast nakakamusta ko sila at nalalaman kong nasa maayos silang kalagayan...

Sa mga panahon na hindi ko na naramdaman ang presensya ni Sir ay naging matino ako lalo, naging maayos akong estudyante, ayaw kong isipin nya na porque wala sya ay gumagawa na ako ng kalokohan....at ayaw ko din na kung sakaling gumawa ako ulit ng kalokohan ay iyon muli ang gawin nyang paniningil...hindi naman sa ayaw ko noon...totoo nagustuhan ko iyon, at pero syempre bilang babae ay ayaw ko parin dahil na din sa hindi ko naman kasi sya kilala...at hindi ko pa sya nakikita....

Mabilis na lumipas ang mga taon...fourth year college na kami ngayon...Abala na kami sa kahahanap ng mga pwede naming pag-OJT-han.

Kailangan na namin makapag apply sa mga gusto namin mga kumpanya para makapagsubmit agad kami ng mga papers namin...

Abala ako sa pagbabasa sa kama ko ng biglang kumatok si Ate Betty...

"Ano po iyon?" tanong ko ng bahagyang binuksan nya ang pintuan.

"Ms. Francine, may sulat po para sa inyo..." Pumasok sya para iabot sa akin ang sobre, kunot noo ko naman na kinuha iyon sa kanya...

"Salamat..." Agad ko iyong binuksan at nanlaki ang mata ko sa nabasa...napalunok ako....

"Paanong?......."

"Ano po iyan maam?" Tanong ni Ate Betty sa akin.

"Letter po galing sa HR ng SGC po...tanggap na daw po ako para sa OJT ko..." Masaya si ate Betty para sakin, ako din naman ay masaya para sa akin dahil isa ang SGC sa may malalaking kumpanya na hinahawakan sa buong Pilipinas, Pero ang pinagtataka ko ay hindi pa naman ako nagpapasa ng application ko sa kahit na saang kumpanya dahil nag-uusap pa kami ng mga classmates ko para sana magkakasama kami.

Ngayon ang araw na kikitain ko ang Head ng HR ng SGC, para mainterview na daw ako at maiassign sa kung saan.

"Ms. Vargas? Mrs. Trina Verde the HR head..." Sabay abot sa akin ng kanyang palad agad ko iyong tinanggap.

" Francine Vargas po...nice to meet you po..." Ngumiti ako kahit pa kabado na ako dahil doon.

"Take a seat..." Sabay lahat ng upuan sa gilid ko kaya naman umupo ako doon...

"So....Business Admin pala ang kurso mo..." Tamango ako bilang pagsang-ayon sa kanya..habang sya naman ay abala sa pagbabasa ng resume ko.

"Hmmm. Ok lang ba sa iyo kung Secretarial Position muna ang ibigay namin sa iyo?" Nangunot ang noo ko dahil doon. Pero di ako sumagot at di din naman ako sumimangot...

"Kasi ang CEO ay naghihire ng Secretary...so dahil wala pa syang nahihire ay ok lang ba sayo kung ikaw muna?" Napakagat ako ng labi ko ng maisip kong CEO ang magiging boss ko...

"Ms. Verde....di po kaya masyadong mataas po ang position na iyon para po sa isang OJT na katulad ko?" Alalang tanong ko. Nangiti naman sya sa akin.

"Actually Ms. Vargas....ngayon lang nagrequest ang CEO ng secretary nya, pero kung tutuusin ay hindi naman masyadong mabigat iyon para sa iyo, at kung sakaling magustuhan ka nya sa trabaho mo ay pwede ka din namin i-adopt bilang isang regular employee agad kahit na nag aaral ka pa...ayaw mo ba iyon?" May himig ng pangungulit sa tono ng boses nya.

Bakit nga ba hindi ko tanggapin di ba? Kung sakaling makapagtrabaho na ako ay hindi na ako magiging pabigat at gastusin kay SIR....kaya ko na din gumastos para sa akin...nag-aaral habang nagtratrabaho?

Kaya ko ba yon? Alanganin akong ngumiti. Iniisip ko ang mga pwedeng mangyari...CEO iyon, malamang matanda na iyon at bugnutin baka lagi akong mabulyawan at mapalayas , baka kaunting pagkakamali ko lang ay mapagalitan na agad ako...hahahaha OA ko ba...

Di pa naman sigurado na magiging regular employee ako jung sakali di ba...so pwede ko itong tanggapin at subukan ko nalang gawin ang mga dapat kong gawin sa tamang paraan para na din kung palarin ay magkaroon na din ako ng trabaho.

Ngumiti ako at tumango bilang pagsang-ayon sakanya...tinanggap ko ang offer...may allowance naman daw ang pagiging OJT ko at nabigla ako ng malaman kong ten thousand iyon kada buwan....at kung magustuhan daw ako ng CEO baka daw iregular agad ako at bigyan ng regular na sahod.

Matapos namin magkamayan ay giniya na ako ni Ms. Verde sa opisina ng CEO....para daw pormal na ipakilala doon.

Sumakay kami sa isang elevator at pinindot ang 30th floor doon, ganon kataas ang opisina ng CEO? Edi kapag nasira ang elevator ay lalakarin ko lang ang taas noon?

Tumunog na ang elevator hudyat ng dapat na kaming lumabas doon...huminga ako ng malalim para makabawas sa kabang nadarama...Kumatok si Ms. Verde sa isang malapad na double door na gawa sa kahoy. Naiwan ako sa labas ng sinabi ni Ms. Verde na antayin ko daw sya muna doon.

Minamasahe ko ang mga palad ko para mabawasan ang nadarama kong kaba...puro malalim na hinga ang ginawa ko baka sakaling maibsan na talaga ang nadarama kong kaba...

"Ms. Francine..." Tawag sa akin ni Ms. Verde ng sumungaw ang ulo nya sa pintuan mula sa loob, ngumiti ako ng pilit dahil sa kaba... "Ipagtimpla mo daw ng coffee si Sir...." Ngumiti sya at muling pumasok sa loob, laking taka ko kung saan ako magtitimpla....nakita ko kasi ang buong palapag na wala naman ibang opisina...isang malawak na hallway lamang ang andoon at mga puting pader....nakita ko din ang isang water dispenser doon pero wala namang baso...saan kaya ako magtitimpla...

May nakita akong isang Janitress sa dulong bahagi ng hallway kaya naman agad akong lumapit doon para magtanong...

Itinuro nya sa akin ang isang pintuan na gawa sa stainless doon daw ang pantry sa palapag na ito, malamang ay doon ako makakakuha ko ng coffee...Agad akong pumasok doon at sinipat ang loob, puro gawa sa steel ang mga gamit doon... at ang mga dingding ay purong puti at sobrang linis...agad kong hinanap ang sadya ko at nagtimpla doon. Matapos kong magawa ang kape ay agad akong tumulak patungo sa opisina ng CEO at nakita ko doon si Ms. Verde na nakangiti sa akin.

Ngumiti ako ng makalapit na ako doon at saka sya naglahad ng kamay para sa pagpasok ko. "Pwede ka nang pumasok...Goodluck sa first day Ms. Vargas...." Pinilit kong ngumiti ng matamis ng pakiramdam ko ay nanginginig nanaman ang katawan ko dahil sa kaba...

Malumanay akong pumasok para sa pagbati...at sa kapeng dala ko.

"Goodmorning SIir.....ito na po ang kape nyo...." Pilit kong pinasaya ang boses ko kahit pa nanginginig na ang katawan ko...Nakita kong nakaupo sya sa swivelchair at nakatalikod sa pintuan...sa akin at may kausap sa phone...

"Pakilaagay nalang dyan sa table..." Agad nyang tugon ng di ako nililingon, agad akong lumapit sa lamesa nya at nilagay doon ang kape, nanatili lamang akong nakatayo sa harapan ng lamesa nya para sana magpakilala muna ako ng personal...


Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon