- 11 -

818 11 0
                                    

Gwapo ba?

Sa sobrang excited ko ay nahirapan akong makatulog. Hindi agad ako nakatulog kagabi kaya naman medyo tinanghali na ako ng gising, buti nalang ginising ako ni Betty para mag-almusal ng maaga dahil sa aalis daw kami ni kuya Joel.

Kumain agad ako para makaalis na kami agad matapos kong maligo.

Byahe na kami ngayon papunta sa Ashton University. Excited na ako sa pag eenroll. Nakapikit ako habang nakangiti, di ko mapigil ang kasiyahan sa damdamin ko.

Ang katotohanan na makakapag aral ako ng college, na hindi ko inaasahan.

Pero bakit hahayaan ng Don na mag aral ako. Hindi ba nya naisip na kung sakaling makapag aral na ako at makatapos ay maari na akong lumaban sa mga kagustuhan nya, pero ang tanong hanggang kailan nya ako kayang pag-aralin.

Lalong lumalim ang iniisip ko ng maalala ko ang mga magulang ko, kamusta na kaya sila....

"Kuya Joel...." Tawag ko dito na nakaupo sa tabi ng driver. Ako lang mag isa dito sa likuran. Lumingon naman sya sa akin ng nakangiti.

"Ano po iyon?"

"Kamusta na daw po ang magulang ko sa San Vicente?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Ang balita ko po ay ok daw po ang lahat..."

"Si ama?" Muli kong tanong dito.

"Ms. Francine...wala na po akong alam. Ang sabi lang po ay ok naman daw po ang mag magulang mo...." Ngumiti ito at umayos na muli ng upo, humarap na muli sa kalsada.

"Ms. Francine, may entrance exam po sa Ashton University, kaya po mas maaga po ang tungo natin doon"

"Ganon po ba..."

"Opo, kailangan po ninyong mag entrance exam kahit na babayaran natin ang buong tuition ninyo" Sabi nito sa akin.

"Pero mahal sa university na iyon...bakit doon pa po?"

"Doon po ang gusto ni Sir na mag aral ka... kaya po bilin nyang dapat daw po na maaga tayo para daw po makapag entrance exam ka po agad..."

"Pero masyado pong mahal don...hindi ko na po kakayanin na----"

"Ms. Francine.... ito po ang bilin sa akin ni Sir, hindi ko po pwedeng suwayin ang gusto nya." Putol nya sa sasabihin ko, alam kong sumusunod lamang sya. At pasalamat pa din ako na hindi ko nasabi na malaki na ang utang ko sa Don na iyon, na hindi ko na ito kaya pang bayaran kung sakali.

Ganito ba kamahal ang virginity ko para sa Don na ito?

Kailangan ko ba itong ipagpasalamat?

Kinagat ko ang ibabang labi ko, hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ito.

Mahaba na ang pila, kaya pala maaga kami nagpunta dito dahil madami palang gusto din mag aral talaga dito, may mga nakita akong mayayaman talaga na magbabarkada at mga katulad ko na mukhang mahirap.

Buti nalang maaga kaming nakarating dito kaya medyo maaga din akong natapos para sa pag aapply sa entrance exam.

Busy ako sa pag aayos ng bag ko para na rin sa pag uwi ko habang nag lalakad papuntang parking lot. Nang biglang narinig ko ang mga tilian...

Agad akong nagtaas ng paningin, para malaman ko kung bakit nagtitilian ang mga ito napahinto ako ng lakad dahil sa pagtataka ko na lahat sila ay nakatingin sa akin, kaya naman kumunot ang noo ko.

Sa akin sila nakatingin? Bakit?

Nagulat nalang ako dahil sa biglang may bumunggo sa akin mula sa likuran , na naging rason kung bakit ako nawalan ng balanse.

Naramdaman ko nalang ang isang braso na pumulupot sa bewang ko mula sa doon at hinatak ako pabalik sa katawan nito habang nakatalikod parin ako sakanya.

Nang mapatayo ako at naibalik ko na ang balanse ko saka ko lamang napagtanto ang mainit na katawan nito na nakalapat sa likuran ko... wala sa pag iisip ko na pumihit ako paharap dito, saka ko lamang nakita na sa sobrang lapit niya sa akin ay nauntog ang noo ko sa baba nya...

"Ouch!"

"Ahhh!" sabay naming sigaw dahil sa sakit na naramdaman. Hawak ko nag noo ko at sya naman ay nakahawak sa baba nya. Nag angat ako ng tingin para makita ko ang mukha nya at shit!!!!!

Natulala ako sa mukha nya...ang gwapoooooo!!!!

Natulala ako sa mismong mukha nya, pulang labi, matangos na ilong, maputi, matangkad......

"Done checking?" nagpabalik sa katinuan ko ang mapanuyang tanong nito sa akin.

Saka ko na lamang nakita ang nakangising lalaki na ito na ikinainit ng pisngi ko... Napansin ko din na isang dangkal lang pala ang pagitan ng mga mukha namin...

Dahil doon ay napayuko ako sa kahihiyan.

"Gwapo ba?" bulong nya sa may tenga ko, na nagpanginig sa katawan ko. Tumawa ito ng mahina doon na lalong nagpagulo sa sistema ko...

Humakbang ako paatras, para magkaroon ng pagitan sa amin.

"Sorry..." mahinang sabi ko.

"Ok lang... naiintindihan kita..." sabi nya kaya napaangat ang mata ko muli sa mata nya. Napalunok ako dahil sa malalim na mata nya... Totoo nga talaga na gwapo talaga sya....

"Sorry, excuse me..." Sabi ko at pinilit ang sarili kong makabawi at tumalikod na ako sa kanya...

Mabilisan kong hinakbang ang papuntang parking lot, hindi ko na muli pang nilingon ang pinanggalingan ko... kagat ko ang labi ko dahil sa hiya ko.... di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin... Agad kong nakita ang kotse na sinakyan namin kanina.

Nakita ko agad si Kuya Joel na nakatayo sa labas ng kotse at nakangiti sa akin na nakatayo sa bandang backseat at ng ilang hakbang nalang ang layo ko ay binuksan nya iyon para sa pagpasok ko.

"Salamat po..." Ngumiti ito sa akin, at saka ako pumasok ng kotse at sinara na ang pintuan at umikot na papuntang passenger seat.

"Ok lang po ba kayo maam?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.. at tipid na ngiti din..

"Nanginginig po kasi kayo?" Saka ko lamang nakita ang mga daliri ko na nanginginig nga....

Shit!!!

"O-o-ok lang po ako Kuya Joel..."

"Baka po gutom na si maam sir Joel....." sabi ng driver...

"Oo nga pala... gusto mo po bang kumain muna tayo bago tayo umuwi?" Muling baling nito sa akin. Umiling ako.

"Ok lang po ako, sa bahay nalang po tayo kumain kuya Joel..." Muli akong ngumiti sa kanila.

"Salamat nalang po..." Sabi ko pa, nagkatinginan ang dalawang kasama ko at saka tumango si kuya Joel para paandarin na ang sasakyan.

Nang umandar na ang sasakyan ay saka ko lamang nilingon ang lugar na pinanggalingan ko kanina... kung saan ko nakabangga ang lalaki.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko syang nakasandal sa isang pulang kotse na halos ilang sasakyan lang ang pagitan sa pinagparadahan namin.

Mataman itong nakatingin sa akin, habang nilalaro ang susi sa kanyang nakaangat na kamay sa ere...

Kita ko ang nakangiti nyang mga labi na mukhang may kalokohang iniisip... hindi tinted ang kotseng gamit namin hindi tulad ng ginamit namin ng galing kami sa San Vicente noon. Kaya naman kitang-kita din nya ako mula sa loob ng kotse na nakatingin din sa kanya.

Ako ang agad na nagbawi ng tingin, di ko kaya ang mga mata nyang malalalim... di ko alam kung bakit ako affected sa kanya, e ilang lalaki naman na din ang mga nakasalamuha ko pero never ako nakadama ng ganito.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon