Buong klase akong tulala, pasalamat ako at hindi iyon napansin ng prof namin, ng tinawag ako para sa recitation ay nakasagot naman ako kahit na papano... buong klase din akong binantayan ni Benjamin sa mga kilos ko. Maya-maya ang baling nya sa akin dahil anrin siguro sa buong klase ako walang ginawa kunghindi ang magbuntonghininga.
Hindi ko sinagot ang tawag ni Steven kanina. Ayaw kong magkita kami. Baka makita nya ang mga kissmark na iniwan sa akin ni Sir kagabi.... baka magalit at magselos sya... wala akong balak na ipaalam sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi.
Hinayaan kong maiwan ako mag-isa matapos ang klase, alam ko naman na wala ng gagamit ng kwarto na ito matapos ang klase namin, mas maganda pang dito muna ako magmuni-muni.
"Francine....." Nag-aalalang boses ni Benjamin sa gilid ko habang ako ay tulala sa labas ng bintana sa gilid ko.
"OK lang ako Benj... totoo..." Pinilit kong maging maayos ang bawat bitaw ko ng salitang iyon para hindi na sya mag-alala. Hindi ko manlang sya sinulyapan, dahil ayaw kong makita nya ang lungkot at takot sa mga mga mata ko.
Maya pa ay nadinig ko na ang mga hakbang nya palayo sa akin. Kaya naman kumalma na kahit paano ang puso ko, ang damdamin ko... naiiyak nanaman ako.
Paano ko sasabihin sa kanya ang mga bagay na ito? Gayong ako mismo ay hindi ko na maintindihan ang nangyayari... Gusto ko ng isang kaibigan na pwede kong sabihan ng mga problema ko pero natatakot akong makarinig ng mga critisismo sa akin. Ayaw ko....
Kung ok lang sanang sabihin ko ito kay Steven... pero paano? Baka kung ano ang magawa nya kay Sir... o kung ano ang magawa sa kanya ni Sir...
Ayokong magkasakitan sila, dahil sila ang mga taong importante sa buhay ko... maliban sa mga magulang ko.
May nadinig akong mahihinang yapak.. nandito nanaman sya, alam ko na nag-aalala talaga sya sa akin, sa pakiramdam ko ay ilang hakbang pa iyon mula sa akin ng huminto ang naglalakad. Ni hindi ko ito tinapunan ng tingin, natatakot akong mabasa nya ang mga mata ko.....
"Benj.... ayos lang ako sabi...." Anas ko, ng di pa din sya sinusulyapan. Laking taka ko ng hindi sya sumagot... kaya naman nilingon ko na.
Nabigla ako ng makita ko, may dalang mga puting rosas... nangunot ang noo ko ng itinaas ko ang mata ko sa malaking taong ilang hakbang nalang ang pagitan sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko syang may kaunting dugo sa labi,may pasa din sya doon at ang mga matang puno ng galit at pag-aalala....
Agad akong napatayo at lumapit sa kanya. " Anong nangyari sayo?!!" Sabay haplos ko sa pisngi nya at sa bandang labi na may sugat.. nakita kong napangiwi sya ng mahawakan ko iyon kaya naman agad kong tinggal ang daliri ko. " Napano ka?!!" Kandataranta kong tanong habang di ko alam kung ano ang uunahin kong haplusin ang mga bisig ba nya o ang mukha nya... kinulong ko sa mga palad ko ang mukha nya ay nag-aalalang tinitigan ko ang mga mata nya.... "Steven??.. Anong----..." Nahinto ako sa kakatanong ng bigla nya akong kabigin at dinala sa mga bisig nya...
" I love you..."
" I love you too..." Nagtataka kong sagot sa kanya... Hindi ko na sya muling tinanong kung sino ang may gawa nito. Natatakot akong baka si Sir ay may gawa nito.... pero paanong?....
Tulala ako buong byahe namin. Hindi ko na sya muling kinulit. Kahit na puno na ng takot at pag-aalala ang puso ko.
"Steven....." Nag-aalala kong sambit ng pangalan nya. Natatakot na talaga ako para sa akin, sa kanya at sa mga magulang ko, dahil sa pagmamahal kong ito.
"Trust me...." Agad nyang hinuli ang kamay ko sa pagitan namin at pinisil iyon, na para bang sinasabi nyang Magtiwala ka lang... mahal kita...
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...