Agad akong dinala ni Steven sa parkinglot kung nasaan ang kotse nya... nakita ko ang sportscar nya doon na kulay black, two door, at may drawing ng tumatakbong kabayo???
Agad nyang binuksan ang passengerseat para sa akin....pero parang may pumipigil sa akin...kaya takang tingin ang natanggap ko mula sa kanya...
"Bakit?...Ayaw mo ba?..." Parang isang malungkot na mga mata ang nakita ko doon...sa mga matang iyon na parang nagaalala na baka hindi ako sumama sa kanya...mga mata na parang hinahalina ako na samahan sya dahil kailangan nya ako...
Ngumiti ako sa kanya kaya nakita ko ang pag-aliwalas ng kanyang mga mata....tumango ako bago pumasok sa kotse ....saka nya sinarado ang pintuan at umikot para sa drivers seat. Huminga ako ng malalim at binuga iyon bago makapasok sa sasakyan si Steven.
Nilingon ko sya ng makaupo sya sa side ko, nakatingin sya sa akin at nakangiti ng matamis, natulala ako doon pero siguro sandali lang....hehehe kinikilig talaga ako sa kanya, syempre ngumiti ako ulit sakanya.
Pinaandar na nya ang kotse saka ko lang nakita sa bungad ng pintuan ng mansion na nandoon si Benjamin tinitignan kami na makalayo, kahit na sa tinted na salamin ng kotse namin pakiramdam ko ay tumatagos doon ang mga titig nya.
Tahimik kami sa byahe....parang hindi matanggal sa isipan ko ang itsura ni Benjamin kanina. Hayyy...
"May problema ka ba?" Tanong ni Steven sa akin, nilingon ko sya at muli akong ngumiti sa kanya....
"O naisip mo...kung bakit ka sumama sa akin....dahil kanina lang tayo nag kakilala?...." mahabang tanong nya ng di ako tinitignan. Natulala ako sa sinabi nya...oo nga at totoo yon, kahit ako ay nagtataka pero hindi ko maikakaila sa sarili ko na magaan ang loob ko sa kanya at pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala...
"Hindi naman...." Yumuko ako dahil pakiramdam ko ay nahiya ako sa pinag-uusapan namin ngayon.
Di ko alam na nakatulog na pala ako sa byahe namin, nagising nalang ako sa isang masuyong haplos sa mukha ko at ang malamig na hangin na dumadapo sa aking katawan...unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita kong si Steven iyon na nakangiti sa mukha ko at humahaplos...
"Goodmorning...Cinderella..." Mahinang sambit nya sa mukha ko...pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha ko dahil sa lapit ng mukha namin at sa ginagawa nya...kumurap ako ng ilang beses at saka umupo ng maayos at kinusot ang mga mata ko...bukas na pala ang pintuan sa side ko kaya nakadukwang sya sa akin doon.
Tumayo sya ng maayos at tinalikuran ako, matapos kong ayusin ang itsura ko ay lumabas din ako ng kotse....at sinundan sya sa kinatatayuan nya habang nakatalikod sa akin....saka ko lang nakita kung nasaan kami...
Nanlaki ang mata ko sa ganda ng tanawin...nasa isang burol siguro kami...kasi kita dito ang bayan na puno ng mga magaganda at ibat-ibang kulay ng mga ilaw...
"Sorry...." Saad nya sa mahinang boses, agad ko syang nilingon dahil doon.
"Hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid e....ang sarap naman ng tulog mo kaya ayaw naman kitang gisiingin kanina..." Nag-aalalang tingin ang nakita ko sa mga mata nya.
Ngumiti ako, " Maganda dito....." Sabi ko, saka ko sya nakitang nangiti na din sa akin at tumango.
"Oo....dito ako malimit tumatambay pag kailangan ko ng tahimik na lugar..."
"Talaga?" tumango sya sa akin. "Sino naman ang kasama mo?" Parang nailang ako bigla sa mata nya ng natapos kong itanong iyon kaya naman nag-iwas ako ng tingin.
"Wala...."Muli ko syang tinignan at nakita ko syang nakapamulsa at nakatingin sa malayo...Ang gwapo nya talaga..ano bang sumapi sa akin? Shocks....nakakahiya na tong nararamdaman ko a.
"Girlfriend?....Asawa?...." Muli kong tanong na nagpatawa sa kanya...parang napahiya ako doon a.
"Wala akong asawa....kahit girlfriend....." Saka sya muling lumingon sa akin, mga matang mukang maamo....at malungkot....napalunok ako dahil pakiramdam ko ay hinihigop ng mga mata nya ang katinuan ng sistema ko. Parang gusto nyang dalhin ako sa mundo nya....Ilang segundo kaming nagkatitigan, buti nalang ay humangin ng malakas kaya parang nabuhay muli ang sistema ko mula sa pagkakatulog kanina...niyakap ko ang katawan ko dahil sa sobrang lakas at lamig ng hangin don at iniwasan ko ng magtagpo muli ang aming mga mata kaya tumingin din ako sa ere kung saan sya nakatingin kanina..
Naramdaman ko nalang na kumilos sya sa gilid ko pero di na ako nangahas na lingunin pa sya dahil baka tuluyan na akong mawala...nagpunta sya sa likuran ko siguro ay babalik na sa kotse pero nanigas ang katawan ko ng naramdaman ko ang isang mainit at mabangong bagay mula sa likod ko ay bumalot...shit..yung coat nya ito a...pakiramdam ko ay uminit ang buong katawan ko sa ginawa nya, pati ang mukha ko shocks....lalong nanghina nanghina ang mga tuhod ko ng naramdaman ko ang mga braso nya na yumakap sa akin mula sa likod sinakop ng matipuno nyang mga braso ang maliit kong katawan....Dama ko ang init ng katawan nya na nakadikit sa buong likuran ko, halos nakasandal na ako sa malapad nyang dibdib...Shocks.....
"May mahal ako pero di ko alam kung mahal din nya kaya ako...o kung mamahalin nya kaya ako.." Bulong nya sa tenga ko, kaya mas lalong nagwala ang buong sistema ko dahil doon, ang isipan kong naghuhurumentado dahil sa lapit namin, dahil sa init na pinapadama nya sa akin ngayon kahit na malamig sa lugar na ito....
"B-b-akit na-man hi-hindi ka nya magu-gustuhan?...." Tanong ko sa kanya...kanda utal na ako dahil sa kaba.
Tumawa nanaman sya sa tenga ko pa, shit ano bang ginagawa ng malanding ito sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang landi ko nadin...hahahaha nakakahawa ba yun?
"Di ko alam...basta, hindi ko padin naman kasi sya nililigawan e..."
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita para makabawi naman ako sa pang hihina ko. "Kung ganito ang ginagawa mo sa ibat-ibang babaeng nakikilala mo, pero di ka pa nangliligaw sa babaeng gusto mo...abay parang pagtataksil na agad yung ginagawa mo sakanya....dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon...." Pinilit kong maging deretso ang pagkakasabi ko para hindi naman halata na nagwawala na ang puso ko sa kaba....
Hinawakan nya ang mga balikat ko at pinihit paharap sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya...nang pinagtagpo nya ang mga tingin namin, hinawakan nya ang baba ko para maiangat ang aking mukha at tuluyan nyang makita ang mga mata kong umiiwas sa kanya....sobrang lapit na ng mga mukha namin....ng mga labi namin...kaya yung puso ko parang lalong nagwawala, o parang nakawala na nga e....ramdam ko ang dagungdong ng puso ko....parang iyon na nga lang ang naririnig ko e...Natulala ako sa mga mata nyang nakatitig sa akin.
"Sana nga mahal nya ako....kasi mahal na mahal ko sya...." muli nyang sinabi sa mukha ko kaya naman pakiramdam ko ay matutumba na ako doon...napalunok ako dahil sa takot na baka halikan din ako ng malanding ito....hehehe kinikilig ako...
Pero bigla akong natauhan sa pagkatulala ko ng hinalikan nya ako sa noo at pinisil ang baba ko...
"Hatid na kita...Cinderella" Saka nya lalong pinisil ang baba ko at ipinilig pa iyon...pakiramdam ko tuloy ay nagising ako sa katotohanan dahil doon....nakangiti sya sa akin at saka ako iniwan doon na nganga....shocks....nakita kong dumiretso sya sa kotse sa passenger seat kaya naman nangingiting kinikilig ako habang naglalakad palapit sa kanya doon, binuksan nya ang pintuan para sa akin...
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...