Ganado akong gumising ngayong umaga. Kahit na puyat ako ay di naman nawala ang energy ko dahil sa kilig, kainis hahaha.
Ang landi ko ba?
Ano yun isang gabi lang ay nahulog na agad ang loob ko sa isang lalaki na ilang oras ko lang nakasama?
Naalala ko yung nangyari kagabi. Hinatid nya ako at sa buong byahe naming ay puro tawag ang natanggap ko mula kay Kuya Joel.... pero nang sinabi ko na pauwi na ako at ihahatid ako ng isang kaibigan ay naging ok na sya at inantay na lang ang pagdating ko.
Nang huminto kami sa tapat ng gate ng mansion ay agad na kinuha ni Steven ang palad ko ay hinalikan ang likuran noon. Nag-init agad ang pisngi ko sa ginawa nya.
"Steve-n...."
"Goodmorning Cinderella....goodbye..." Bakit parang nakita ko sa mga mata nya ang lungkot na tulad ng nadarama ko. Napalunok ako dahil doon, nasasaktan ako dahil malamang ito na ang huli naming pagkikita pero kinikilig ako dahil sa mga pinapakita nya sa akin.
"Goodmorning din...mag iingat ka juh...." Ngumiti sya at saka pinisil ang palad ko na hindi nya parin binibitawan.
"Salamat sa paghatid sa akin..." Nabigla ako ng inabot nya ang baba ko gamit ang isang kamay nya at ang isa naman ay nanatili sa kamay kong nakahawak. Napalunok ako ng bara sa lalamunan ko ng naramdaman ko ang excitement sa tyan ko na ewan...hayyyy ano bang ginawa mo Steven sa buong sistema ko bakit parang lagging nagwawala ang puso at ang katawan ko sa lahat ng pinaparamdam mo....
Napapikit ako ng maramdaman ko ang mga daliri nya na gumuguhit sa aking pisngi...masuyong haplos na nakakawala sa katinuan ko....
"Sana magkita pa tayo ulit..." Mahinang anas nya saka ko muling binuksan ang mga mata ko para salubungin ang mga mata nya....lungkot...kahit na nakangiti pa sya sa akin...iyon ang nakita ko.
Ngumiti ako ng mapait, dahil alam kong kahit na alam nya na ang bahay na tinutuluyan ko ay hindi naman sya pwedeng dumalaw dito.
Matapos kong alalahanin ang lahat ng iyon ay saka lamang ako tumayo para mag asikaso sa sarili ko. Naligo, kumain , at ginawa ko lahat ng mga assignments ko para bukas. Nag-aral din ako para sa Lunes na darating.
Maaga akong pumasok kahit na mamayang 10am pa ang klase ko. Nagpunta ako sa library para makapag basa doon.
Mahilig kasi akong magbasa ng advance para sa mga susunod na topic sa mga subjects ko e....ayaw ko kasing wala akong alam sa mga pag-uusapan sa klase.
Inabot na ako sa library ng ilang oras. Klase ko na sa loob ng trenta minutos. Maaga akong nagpunta sa classroom para doon na ako kumain ng vegie salad na pinagawa ko kay Betty kaninang umaga.
Abala ako sa pagkain ko ng biglang may nagbukas ng pintuan ng room at niluwa noon si Benjamin, nagkasalubong agad ang mga mata namin, pero agad din syang nagbawi ng tingin sa akin. Di ko tuloy natuloy isubo ang salad na nasa tinidor ko.
Walang gana ang mga mata nya kanina ng sinalubong nya ang mga mata ko, napalunok ako dahil doon pakiramdam ko ay parang hindi nya ako nakita.
Tamad syang umupo sa tabi ko at di na ako muling tinapunan ng tingin. Sinundan ko sya ng tingin hanggang nakaupo sya doon.
"Kain tayo...." Sabi ko, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng di nya ako pinansin. Napahiya ako sa sarili ko noon a.
Di nya ako sinagot, di din nya ako tinignan. Huminga ako ng malalm at saka binuga iyon.
Sa buong klase namin na iyon ay hindi nya ako pinansin kahit na sulyapan manlang ay wala talaga. Matapos ang klase ay sinundan ko si Benjamin dahil sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko ay may malaki akong nagawang pagkakamali sa kanya. Pero bakit? E sya naman yung humalik sa akin ng gabing iyon a....kahit na hindi naman kami...bakit ba kasi ugali nyang lagi akong hinahalikan kahit na wala naman kaming relasyon. Sino ba kasi may kasalanan sa amin? Hayyyyy....
Nakarating kami sa parking lot. Nasa likod nya lang ako kaya deretso lang sya sa pintuan ng kanyang Genesis.
"What?...." Iritadong tanong nya na nagpahinto saakin sa paglalakad palapit sa kanya nagsalita, pero hindi din naman nya ako hinarap.....napalunok ako dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Anong kailangan mo....Ms. Vargas?..." Sabay pihit nya paharap sa akin. Walang ganang tanong nya sa akin pagkaharap.
"Gu-gus-to ko lang sa-na-ng....."
"'Ano?!" Sigaw nya sa akin na kinabigla ko lalo na ng naglakad sya palapit sa akin kaya naman napaatras ako at napasandal sa pintuan ng kotse nya. "Anong kailangan mo?....." Sabay buga nya ng mabibigat na paghinga na parang lalong nagpahirap sa akin na magsalita.
"So-sor-rry....." Nakagat ko ang ibabang labi ko at napayuko dahil doon.
Nabigla ako ng kinulong nya ako sa pagitan ng dalawang braso nya na humawak sa kotse sa magkabilaan ko kaya lalo akong napasiksik doon.
"Magkakilala ba kayo?...." Galit na mga mata ang nakita ko ng tinignan ko iyon. Napayuko ako dahil di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Mag.ka.ki.la.la. ba. Ka.yo?...." Bawat salita nya ay may diin. Agad akong napailing dahil doon...sunod-sunod na iling...
"Tsk...." Sabay iling din nya na parang nadismaya.
"Ang tagal ko ng nangungulit sayo pero lagi mo akong deadma....tapos sya kagabi mo lang nakita sumama ka kaagad?...Tsk..." Napalunok ako sa mga salitang di ko akalain na manggagaling sa kanya.
"Saan ka nya dinala?" Lalo akong napayuko. Ayaw kong sabihin sa kanya kung saan ako dinala ni Steve dahil sabi nga ni Steve ay malimit syang andoon pag kailangan nya ng tahimik na lugar...
"Sa kama ba nya?" May galit sa mga salita nya habang masama ang matalas naman ang titig nya sa akin, hindi ko alam pero biglang umangat ang kamay ko sa ere at dumapo yon sa mukha nya....Nabaling sa side ang mukha nya at nanatili lang doon.
"Hindi.....hindi...." sunod-sunod na pag-iling ko.
"Tsk...." Sarkastikong baling nya muli sa akin ng mga mata nya. Kita ko doon ang galit at ang sakit.
"Hindi ako ganon....hindi ako ganong klaseng babae...." Kagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil na wag maiyak sa harapan ng taong ito....
Naramdaman ko nalang ang kamay nyang humawak sa baba ko at inangat ang mukha ko para magtagapo ang mata namin...
"Give me a chance.....please...." Parang maluha-luha ang mga mata nya ng tinagpo iyon ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko sa damdamin na naaninag ko sa mga mata nya. Mamula-mula na ang mga mata nya sa tantya ko ay pinipigilan din nya na maiyak.
Nagbara ang lalamunan ko dahil doon...." Date with me..."
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...