- 64 -

628 16 2
                                    


Dahil sa sinabi ni Steven sa aking kahapon hanggang ngayon ay tulala ako sa kakaisip kung ano ba ang ibig nyang sabihin sa salitang 'ako ang mag aadjust' kasi hanggang ngayon ay hindi ko ito maintindihan.

Ilang beses kong pinasadahan ang sarili ko sa pag-aayos ko. Dahil sa sinabi ni Steven na ito ay naisip kong ituloy na ang OJT ko sa SGC kaysa marami pa akong maging problema sa grades ko at sa pag-aaral ko na din.

"Goodmorning Ms. Francine!" Masiglang bati sa akin ni gwardya pag entrada ko ng buidling. BInati ko din ito at ngumiti ako. Dumiretso ako sa elevator para sa pagakyat ko sa opisina ni Steven.

ALam kong galit ako sa kanya, nawalan man ako ng tiwala sa pagmamahal nya sa akin pero naniniwala naman ako na gagawin nya ang sinabi nya sa akin kahapon. Pero kinakabahan pa rin ako, e kung ang magkasama pa din naman kami sa opisina at hindi kami magpapansinan ay parang mabigat na agad sa loob ko. Pag nandyan lamang sya at umaaligid ay parang di ko kayang hindi ko sya pansinin e.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga ng isang palapag nalang bago ang opisina ni Steven. Kinakabahan na ako pero kailangan kong gawin ito.

Paglabas ko ng lift ay huminto lamang ako sa tapat ng pintuan ng opisina, marahas ako muling huminga at ngumiti, kailangan kong maging pormal pa din dahil boss ko sya, empleyado nya lamang ako. Empleyado nya na lamang ako.

Nawala ng ngiti ko ng pagpasok ko ng opisina, kainis. Wala pa sya e malapit ng mag 8am a. Samantalang dati ay maaga syang dumarating, madalang syang late. Ngayon naman ay wala pa rin sya.

Nakabusangot akong umupo sa pwesto ko habang tinititigan ang lamesa ni Steven ko. Kainis! Kasi alam kong kahit na anong galit ang nadarama ko sakanya ay alam kong mahal ko pa din sya, siguro ganito nga pag nagmamahal di ba.

Yung tipong galit ka sa kanya at ayaw mong makita sya pero pag nangyari na nga na hindi mo na nakikita para ka lang tanga na naghahanap nanaman sa presence nya.... kainis.

Darating din siguro ang araw na mawawala ang nadarama ko sa kanya. Pero di ko lang alam kung gaano katagal bago mangyari yon. Basta ang alam ko ay mahal ko sya, mahal na mahal.

Ilang oras na akong tulala, may mga paperworks ako sa lamesa ko pero dahil sa isipin na eleven na ng umaga ay wala padin sya. May nakanote sa mga papers kung hanggang kaila iyon kailangan ni Steven.

Nagawa ko na ang unang batch ng mga papeles dahil nakanote doon na before lunch iyon kailangan. Tumayo na ako para sa pagbaba sa canteen. Kailangan kong kumain para magawa ang mga trabaho ko para hindi naman masabi na iresponsable akong empleyado. Nahinto ako ng may bilang kumatok sa pintuan, naisip kong baka si Steven iyon pero alam ko naman na kung sakaling sya iyon ay pwede naman syang pumasok ng diretso di ba.

"Pasok." Isang lalaki ang bumungad sa akin. Medyo may edad na ito kumpara kay Steven, nakangiti ito sa akin pagbungad palang sa pintuan

"Magandang araw po Ms. Francine... Ako po si John, am may pinabibigay po si Sir Steven po sa inyo.". Sabay angat nito ng paperbag. Inabot ko iyon ng nakakunot ang noo. Ano to bakit may pinabibigay sya sa akin? Tyaka bakit may John na kung sino ang nadaan dito? Kilala ko sya, nakita ko na sya noon na kasama namin ni Steven ng hinatid kami sa airport ng nag-Palawan kami. Isa sya sa mga bodyguard ni Steven.

"Pinapapick-up po ni Mr. Steven yung mga papers na kailangan po ngayong before lunch maam." Ngumiti ito sa akin pero ako ay nakatunganga lamang sa kanya. Ano to? Bakit ganito? Bakit may taga-pick-up? Anong mayroon?

"Nasaan po si Ste--- I mean po si Sir Steven?" Nakita ko ang makahulugang ngiti nito na pilit pinipigilan pero hindi ko na iyon pinansin.

"Pasensya na po maam, pero kabilin-bilinan po nya ay i-pick-up ko lang daw po ang mga papers at ibigay po sa inyo ang paperbag po". Ngumiti sya sa akin.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon