- 29 -

676 10 0
                                    


Naramdaman ko nalang ang isang pares ng braso ns bumuhat sa akin... pinilit kong imulat ang mga mata ko para makita ko kung sino ang nag mamay-ari ng mga braso na iyon... nakita ko si Benj doon .. at muli kong naipikit ang mabibigat kong mga mata.... umangat ako mula sa pagkakaupo at naramdaman ko nalang ang malambot na bagay kung saan ako nilapag ni Benj. Kinapa ko ang iyon, pakiramdam ko ay couch iyon.

"Nasaan na sila?..." Pinilit kong maitanong sa kanya dahil wala na akong naririnig na ingay doon.

"Umuwi na sila Francine...." Naramdaman ko nalang na may umupo sa gilid ko malamang ay si Benj pa din iyon, at ang malambing na haplos sa pisngi ko na parang nagpadama sa akin ng kaba...pero dahil sa kalasingan ko ay di ko magawang umiwas...

"Francine...." tawag nya sa akin..

"Hmmmmmmppp?..." Di ko alam kung paanong ako sasagot sobrang pagkahilo ko.

"Di ka pa ba nakakapagdesisyon? Kung makikipagdate ka ba sa akin?...." Di ko mawari ng maayos ang mga sinasabi nya pero alam kong nasasaktan sya base sa boses nya....lasing na ako at sya naman ay nakainom na din...

Agad akong umiling....ng marami, di ko alam kung bakit napakalikot ko....lalo tuloy akong nahilo sa ginawa ko.

"Benj......wa-g na -ak-o....hindi na a-ko ma-la-ya......" Naramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa katawan ko, at mahigpit akong niyakap... Ang mukha nya ay nasa tenga ko na... "U-uw-i na-ko...." Pinilit kong sabihin para maputol na ang usapan namin, ayaw kong halungkatin ang buhay ko ng kahit na sino, mas gusto kong itago nalang ito para sa kapakanan ng pamilya ko, pati na din ako...

"Oo, uuwi na kita...." Dahan-dahan nya akong binitawan at nilapag muli sa couch at saka umalis sa tabi ko.

"Kaya mo bang maglakad?..." Alalang tanong nya habang tinutulungan akong tumayo. Pinilit kong makalakad ng deretso kahit na hirap na ang mata ko sa paningin ko na umaalon at sa paa ko na sumsayaw...Shit na alak......

Sumakay kami sa elevator at pasalamat ko dahil kami lang dalawa ang andoon at hindi nakakahiya. Tumunog ang elevator para sa paglabas namin atsaka sinubukan ulit ni Benj na akayin ako palabas ng elevator nakalabas na kami doon ng nabigla akong huminto si Benj sa pag-akay sa akin.

Nag-angat ako ng tingin para sulyapan si Benj pero napagtanto ko na may tinitignan sya sa harapan namin kaya naman tumingin din ako doon.

Steven.

Pakiramdam ko ay nawala ang kalasingan ko at ang sakit ng ulo ko dahil napatayo ako bigla ng deretso.

Nakaigting ang mga panga nya at masama ang tingin sa aming dalawa ni Benj, lalo na sa huli...

"Saan mo sya dadalhin?...." Maawtoridad na boses ni Steven ang narinig ko. Seryoso ang kanyang mukha at mga mata na galit.

"Ihahatid ko sya sa kanil---"

"Anong ginawa mo sakanya?...."

"Wala!" Sigaw ko... kaya pareho silang napatingin sa akin...

"E ano naman sayo kung may ginawa kami?" Sarkastikong tanong ni Benj.

"Benj!!!" Sita ko sa kanya, ngumisi lamang sya sa kin at muling humarap kay Steven...

"Ako na ang maghahatid sakanya...." Sabay lapit sa akin ni Steven at hablot sa braso ko palapit sa kanya pero di pa ako nalalapit sa kanya ay hinila na din ako ni Benjamin....

"Bakit mo sya ihahatid? E ako ang kasama nya?!!!!" Benjamin na galit at saka kinabig ang balikat ni Steven na parang naghahamon ng away...pero ang isa ay galit pero nakita ko ang pagtitimpi doon.

"At saan mo sya ihahatid?Alam mo ba?!!!" Natahimik si Benjamin dahil doon, oo hindi nya nga alam kung saan ako umuuwi, di tulad ni Steven na naihatid na ako doon...Pero paano nalaman ni Steven na hindi alam ni Benjamin ang bahay ko? Nakita ko ang bahid ng lungkot sa mata ni Benjamin na parang humihingi ng tulong para sakanya ako sumama pero wala na akong lakas...wala na ako sa tamang pag-iisip.

Muli nila akong pinag-agawan! Magkabilaang braso kaya naman ang sakit na ng braso ko at parang lalo akong nahilo dahil doon.

"Arrrrraaaayyyyy!!!!" Sabay agaw ko sa mga braso ko mula sa kanila. "Kaya kong umuwi ng mag-isa!!!!hindi ko kayo kailangan!!!!" Maiyak-iyak kong sigaw sa kanila na nagpahinto sa iringan nila kanina..

Agad akong naglakad palayo doon...ayaw ko ng ganito....kaibigan ko si Benj at hindi ko kayang mawalan ng isang kaibigan na katulad nya....at si Steven...alam kong may damdamin ako sa kanya pero hindi pwede....hindi pwedeng magkaroon ako ng relasyon....dahil may nag mamay-ari na sa akin....sa buong pagkatao ko....na hindi na ako pwedeng magdesisyon para sa akin....

Lakadtakbo ako sa kalsada para makalayo agad sa kanila. Buti naman at may nakita agad akong convenience store sa malapit kaya naman pumasok na muna ako doon.

Tumawag ako kay Kuya Joel na magpapasundo ako, agad naman itong um-oo..kaya ilang sandali nalang ay makakauwi na ako.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig pakiramdam ko ay uhaw na uhaw na ako.

Alalang tingin lamang ang nakita ko kay Kuya Joel mula pa kanina ng sinundo nya ako sa store na iyon, taka naman ako dahil ilang minuto lang ay nakarating na sya doon para sunduin ako pero ng nagbyahe na kami pauwi ay ang haba ng byahe.

"Ms. Francine...." Tawag sa akin ni Kuya Joel habang nilalagok ko ang pang tatlong basong malamig na tubig ko. Tinignan ko lamang sya.

"Tumawag po kanina si Sir...hinahanap po kayo...." Alalang tingin nanaman nya sa akiin. Parang pakiramdam ko ay nahiiya ako kay Kuya Joel dahil sya ang pinagkatiwalaan para alagaan ako pero ako gumagawa ng kalokohan...

Nakahiga na ako sa kama ko habang nagmumuni-muni kahit masakit ang ulo ko ay di ko padin mawala sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Benjamin...

Steven....

Sir.....

Edukasyon ko....

Pamilya.....

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko....masaganang luha ang unti-unting kumawala mula sa mata ko na kanina pa pinipilit na iwasang bumagsak ang mga iyon....

Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text mula kay Sir iyon.

Fb.

Nabaling ang atensyon ko sa computer na nasa gilid.

Gusto nya akong makausap baka pagalitan lang nya ako at parusahan...na hindi na ako pwedeng mag-aral....hindi pwede kasi ilang buwan nalang ay matatapos na ang sem na ito.....

Inisip ko kung haharapin ko ba sya o hindi...

Natatakot ako na baka magalit talaga sya sa akin...pero wala naman akong ginawang masama di ba...sumama lang naman ako sa sinsabi nilang group study kuno....pero hindi naman pala....

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon