"Lets eat..." Matapos nyang ilapag sa lamesa ang aming hapunan. Afritadang manok at kanin. Tahimik nya akong sinandukan sa aking plato dahil hindi ako halos kumikilos sa upuan kung saan nya ako iniwan kaninang nagluluto sya. "Sweetheart..." Malambing nyang tawag sa akin. Mariin akong napapikit at nayuko, ayaw ko na tinatawag nya ako ng ganon... pakiramdam ko ay lalo akong nalulunod. "Kumain ka na... please..." Magkatabi kami ng upuan. Abala sya sa paglalagay ng ulam sa plato ko at sa kanya.
"Bakit ba kasi ayaw mo pa akong pauwiin?" Malumanay kong tanong sa kanya at saka ko sya tinignan, nagpangabot ang mata namin, nagkatitigan kami. Seryoso syang nakadungaw sa mukha ko ganon din ako pero ng makita kong bumaba ang mata nya sa labi ko at kinagat nya ang kanya ay ako na ang nag-iwas ng tingin. Kalandian nito!
"Hindi naman ako ganon kasama para hayaan kang magbyahe mag-isa." Bagaman hindi ko man sya tinitignan ay nahihimigan ko sa tono nya na masaya sya.
"Dito ka na muna, tutal wala ka namang klase bukas di ba?" , Alam nya talaga ang halos lahat ng tungkol sa akin, "Sasabihin kong dito ka nagreport para maibawas sa sa OJT unit mo." Sumubo sya at gnon din ang ginawa ko. Dahan-dahan lamang akong kumakain doon samantalang sya ay masiba na kumakain. "Kumain ka ng maayos...dahil kung hindi... hindi kita iuuwi..." Banta nya sa akin, ang huling mga salita nya ay humina pero sapat na para marinig ko.
"Hindi ako pwede dito magstay Steven..." Nakikiusap kong sabi sa kanya.
"Tumawag ka sa bahay nyo at magpaalam kang mag biglaang meeting dito sa Batangas, para alam nilang nandito ka dahil sa trabaho..." Seryoso nyang sabi na hindi ako tinitignan, abala sya sa pagkain.
"Ito na ang gamitin mong pangtulog..." Inabot nya sa akin ang isang puting Tshirt at isang boxer short. Tinitigan ko lamang sya pero hindi ko iyon inaabot, nakaupo na ako sa upuang ratan dito sa sala at sya naman ay kalalabas lamang galing sa isang kwarto mula sa itaas. Tinitigan ko sya ng masama. " Dalian mo na, kaysa naman yang suot mo ang ipangtulog mo... at ipang alis bukas...tsk." Iritang sabi nya.
" O baka mas gusto mong matulog ng walang damit?" Sabay ngisi nya sa akin, uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nya, bastos tong isang ito a! Padabog kong kinuha mula sa kamay nya ang mga damit. "Iyon ang banyo." Turo nya sa isang pinto.
Agad akong nagtungo doon at naghubad ng damit, kailangan kong maglinis ng katawan dahil nanlalagkit na ako sa buong araw na lumipas. Matapos kong maligo at magbihis ay inayos ko ang labada kong damit at binitbit iyon palabas. Nagulat ako ng paglabas ko ay nag-aabang sa tapat ng pintuan si Steven, mataman syang nakadungaw sa akin at saka hinagod ng tingin ang katawan ko.
Namula ang pisngi ko ng maalala kong wala akong suot na panloob, hinubad ko na din iyon dahil matutulog lang naman din ako. Nayakap ko tuloy ang bitbit kong labada. Nagulat ako ng agawin iyon sa akin ni Steven.
"Steven!" Protesta ko sa ginawa nya.
"Lalabhan ko lang, para may maisuot ka sa byahe." Sabay talikod nya sa akin. Nawala ang pagnanais ko sanang magreklamo dahil mabilis syang nawala sa paningin ko. Sinubukan ko syang hanapin kung nasaan ba sya nagpunta, saka ko lang narinig ang tunog ng isang washing machine sinundan ko ang tunog noon, nakarating ako s alikod ng bahay kung saan ang laundry area. Nakita ko syang nakaupo sa isang upuang kahoy na mahaba doon. Malamang ay hinihintay nyang matapos ang nakasalang kong damit.
"Matulog ka na... tatapusin ko lang to." Sabi nya ng di manlang ako sinusulyapan.
"Yung kwarto sa taas, yung kaliwang pintuan... sige na.. maaga pa tayo bukas." Hindi na ako nagsalita, sinunod ko lang ang gusto nya, para kasing hindi ko kayang makita sya mamayang sinasampay ang mga undies ko doon.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...