- 28 -

670 10 0
                                    



Tulala ako buong magdamag dahil kay Benjamin.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin...

Alam kong nasaktan ko sya, pero dapat nga bang pagbigyan ko sya sa gusto nya?

"Date with me....give me a chance.........please..." Paulit-ulit na ume-echo sa utak ko ang mga salita yang mula kanina ng iniwan nya ako sa parkinglot na nakatunganga.

Hindi ako sumagot ng kahit na ano....tinitigan ko lang sya noon...matapos nyang marahas na huminga na parang pagsuko ay sumakay na sya sa kotse nya at iniwan na ako doon.

Tulala ako. Di ko na alam...

Ano bang mayroon kay Steven kung bakit nagawa nya akong maisama kahit na bagong magkakilala lang naman kami, pero si Benjamin na halos isang taon nang nangungulit ay hindi ko manlang pinagbigyan.

Siguro kasi sa katotohanan na si Benjamin ay ilang beses na akong hinalikan kahit na labag sa loob ko...pero si Steven....alam kong pag hinalikan nya ako ay baka matuto pa akong gumanti...pero sa maikling panahon na magkasama kami ng oras na iyon ay hindi nya sinamantala ang pagsosolo namin doon...

Pero ano pa bang iniisip ko, e malamang naman na hindi ko na muling makikita pa si Steven di ba... wala na sigurong pagkakataon na magkita pa kami ng sadya...




"Francine...." Sabay kalabit sa akin ni Veronica.

"Bakit?" Naupo sya sa upuan ni Benjamin dahil wala pa naman sya doon.

"Salamat dito sa bracelet a hehe..." Ngumiti ako dahil doon at tumango.

" Kamusta pala kayo ni Benjamin?" Nagaalala ang tono nya. Ngumiti ako ng mapakla.

"Hmmmm...war pa din ba kayo?..." Tumango ako sakanya.

"Hayyy..sabi ko na e, kaya masama ang mood nya ng birthday ko ng nawala ka sa party..."Bumuntonghininga sya at saka sabay kaming napalingon sa pintuan kung saan niluwa noon si Benjamin na wala pa ring gana ang mga titig sa akin.

"Sama ka sa amin sa Saturday...mag g-group study kami..." Mabilis na yaya nya bago tumayo sa upuan para ibigay iyon kay Benj kaya naman napatango nalang ako ng di ko manlang napag-isipan.

Lumipas ang mga araw at dumating na ang Sabado. Nagpaalam ako kay Sir ng nakaraang gabi na mag group study kami sa bahay nila Jenny, wala naman din syang tanong-tanong at pumayag din agad sya. Nagsuot ako ng black maong pants at isang V-neck yellow shirt. Sinundo ako nila NIca para daw hindi na daw ako magpahatid.

Nabigla ako ng malaman kong hindi naman pala kina Jenny kami magpupunta. Nagtungo kami sa condo nila Benjamin. Kasama ang buong tropa ni Nica sa klase namin.

Agad na bumati ang mga babae kay Benj ng pagbuksan nya kami ng pintuan, nagbeso beso pa sila, nakangiti pa sya noon pero ng nakita nya ako sa hulihan sa likuran ni Nica na nakatulala sa mukha nyang nakangiti ay napawi iyon.

"Ako ang nag aya sa kanya cuz...." may paninitang sabi ni Nica, agad naman syang tinapunan ni Benj ng inis na tingin.

"Wag ka nga dyan...para namang lugi ka pa...tsk.." Ngiting aso si Nica na hinaplos ang balikat ng pinsan at saka tuluyan ng pumasok sa loob ng condo matapos akong linguni at kindatan.

Napayuko ako dahil sa mga mata nya na di ko mawari kung galit ba o ano...Hindi na ako kumilos sa kinatatayuan ko, hindi ako pumasok doon.

"Sorry...di ko alam na...dito pala ang----" Nakayuko ako habang nagsasalita, kaya hindi ko nakita ang mga braso nya na biglang humila sa akin palapit sa katawan nya at saka ako hinalikan ng mabilisan sa noo.

"Miss na kita....Shit..." Mahinang sabi nya habang nakayakap ang isang braaso nya sa balikat ko para isiksik pa ako sa katawan nya at ang isang kamay ay nasa doorknob, matapos iyon ay agad nya akong inakay papasok ng condo nya.

Ang mga baliw.....inuman pala ang pakay at hindi ang group study.

Nakaupo na sa sofa ang mga babae at ang mga lalaki naman ay kanya-kanyang pwesto sa pagsalampak ng sarili nila sa tiles na sahig. Ngiting-ngiti sila sa amin. Hawak ako sa braso ni Benj hindi ko na yon tinanggal kasi baka matuluyan na syang magalit sa akin pag ginawa ko pa iyon.

Isang kaibigan na din naman ang turing ko kay Benj kahit na alam kong hindi katulad ng damdamin ko ang damdamin nya para sa akin.

Agad silang naglabas ng mga in-can na beer sa galing sa kusina ni Benj kaya lalo akong nailing.

"Francine! Halika dito!" Tawag sa akin ni Nica na nakaupo na sa isang mahabang couch. Ngumiti ako ng kaunti bago sana lumapit doon pero naramdaman ko ang biglang humigpit na hawak ni Benj sa braso ko kaya naman nilingon ko sya ng nakasimangot.

" Mag iinom sila....kaya sa akin ka lang dumikit..." Tumaas ang kilay ko dahil sa mga sinabi nya, parana=g mas takot akong makadikit sa kanya kaysa makasama ang mga classmate kong mag iinuman. Narinig ko ang mga pang-aalaska sa kanya ng mga bisita.

E iyon ngang hindi pa sya nakakainom e malakas na ang loob manghalik e, pano pa kaya kung nakainom na sya?

"Hoy cuz!!! Nagmamasungit ka kanina ng nakita mo yang si Francine di ba?.... E bakit ngayon e masyado ka namang makabakod dyan?...Aber!!!" Sabay tawanan ng lahat maliban sa amin ni Benj, si Benj na naasar pero nangingiti din sa mga pag aasar ng pinsan nya at ako naman ay nakayuko nalang dahil sa hiya na nadarama.

"Ikaw naman kasi Francine, sagutin mo na yang kaibigan namin hahahaha!!!" Sabi ni Bernard habang nagbubukas ng beer.

"Oo nga namann girl!, ngayon lang namin nakitang naghahabol yan sa babae!...." Sabay tawanan nanaman sila. Nakakainis lang a bakit ba kasi nasama pa ako dito.

"Magsitigil nga kayo!" Sita ni Benj na nangingiti at halatang kinikillig.

Dumami na ang usapan, pero itong si Benj ay pinaupo lamang ako sa high chair sa kanyang dining table dahil ayaw daw nyang masyado akong magdidikit sa mga tropa nila dahil daw baka maalaska pa ako, e parang ganon din naman kasi puro alaska pa din naman ang natanggap ko dahil sa pangbabakod nya.

"Gusto mo bang uminom?" Tanong ni Benj habang nakaupo sya sa harapan ko, pagitan namin ang makitid na lamesa. Umiling ako dahil di naman kasi ako marunong mag-inom, never pa akong nakainom ng alak.

"Light lang naman to...hindi to nakakalasing..." Sabay abot nya sa akin ng beer, " Masarap to...promise..." muli akong umiling.

"Oo nga naman Francine!!!!" Sigaw ni Nica na nakadami na ata kasi ang likot na nya.

Sabay-sabay silang nang asar sa akin at nag sabi ng KJ kaya naman kinuha ko iyon at sinubukan na uminom doon. Halos di ko alam kung saan ko ba ilalabas ag nainom ko ng malasahan ko yon...Shit lang...di pala masarap ang lasa..nakakasuka...

Tumakbo ako sa sink at saka doon niluwa iyon...si Benj naman ay agad akong dinaluhan doon at natatawang hinihimas ang likuran ko. Tinapunan ko naman sya ng masamang tingin dahil doon.

"Oooopsss...." Sabay harang nya ng dalawang kamay nya na akala mo naman sasaktan ko sya. Lumayo sya ng kaunti habang natatawa...

"Sabi mo masarap!!!" Inis kong bulyaw sa kanya pero natatawa din ako sa sarili ko, saka ko sya nilapitan at hinampas-hampas ng kamay nyang sumasalag doon. Nagtatawanan kami habang nagbabangayan, kainis lang...

Muli kong sinubukan na uminom noon at hinanda nag pwede pa ulit na mangyari sa sink pero parang medyo nakayanan na ng panlasa ko at derederetso na ang pag-inom ko doon.

Masaya sila kasama, siguro ay dahil unang beses kong makapagsaya ng ganito, may mga sumasayaw na dahil sa ingay ng sounds na ngmumula sa malalaking speaker, halatang mga mahilig talaga silang magparty a...tsk.

Inabot din kami ng matagal sa inuman na ito, nalasing na nga ata sila lahat...pati ako...di ko alam kung nakailang lata na ba ako ng beer , sa dami ng nainom ko at sa dami ng mga topic na sinubukang buksan ni Benj kanina lahat yon ay pinilit kong wag pansinin, ayaw kong maging bukas na libro ang buhay ko. Ang buhay ko na hindi normal katulad nila....Umalis si Benj sa harapan ko at ang ingay ng paligid ay untin-unti ng nawawala.

Nahihilo na ako, kaya agad kong sinandal ang ulo ko sa lamesa at doon nagpahinga. Hinayaan ko na ang maingay na paligid ko, muakng dahil sa nainom ko ay kaya ko naman makatulog agad nito......

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon