Nahinto ako sa sasabihin ko nang mapagtanto ko kung sino sya.. saglit kong natitigan ang mata nyang di ko maintindihan ang emosyon na pinapakita at agad ko ding iniwas ang paningin ko.
"Use this...." Sabay lahad sa akin ng kaniyang puting panyo, napayuko ako di ko sya kayang tingnan lalo na ang kaniyang mga mata na parang hinihigop ang malay ko....
"Gamitin mo to....baka sabihin pa nila na pinaiyak kita..." Saka ko lang sya muling tinignan sa mukha, nakangiti na sya sa akin..
Napakagat ako sa labi ko ng iniwas ko muli ang mata ko, muli nyang inilapit ang kamay nya para sa pag-abot ng panyo, kinuha ko na lamang yon para magamit ko.
Mataman nya akong tinitignan habang abala ako sa pagpupunas ng mga luha ko.
Grabe a, hinihintay nya pa talaga yung panyo???Kaya ba hindi pa sya umaalis?
Matapos kong mag ayos ay saka ko lang sya muli hinarap ng maayos..
"Kailangan mo pa ba to?" Ilang kong tanong sa kanya, sabay angat ng kamay ko na may hawak sa panyo nya.
Ngumisi sya sa akin...Shit...ang gwapo nya talaga...habang nakahawak padin ang isang kamay nya sa baso na may lamang alak at ang isa namana y nakapamulsa.
"Steven...." Sabay abot nya sa kamay nya sa akin. Napalunok ako bago pumasok sa isipan ko ang sinabi nya......Steven....Steven....pero di ko nagawang tanggapin ang palad nyang iyon...dahil sa pagkakatulala ko sa gwapo nyang mukha...
"Sorry...." Akma na nyang ibababa na ang kamay saka naman ako natauhan at agad na kinuha iyon...
"Francine...." Para akong hiningal sa paghabol lamang sa palad nyang iyon a....ngumiti ako ng kaunti kahit na ilang ako sa kanya..
"Francine...." Ulit ni Steven sa pangalan ko habang magkadaop pa ang aming mga kamay...tumango naman ako dahil don...tulala nanaman ata ako sa kagwapuhan nya....
Nag-init ang mukha ko ng makita ko ang kilay nya na umirap at saka muling sumulyap sa kamay namin na magkadaop pa din....shit lang a ....ako pa talaga yung hindi bumibutaw...
Francine.....relax....halata ka e...
Napalunok ako saka ko binawi agad ang kamay ko...
"Sorry..." Hiya kong sabi kahit na di ko magawang muling sumulyap sa mga mata nya.
"Bakit ka umiiyak? LQ? " Agad na tanong nya sa akin. Binigyan ko naman sya ng nagtatanong na tingin...
"Oh.... i mean...Nag-away ba kayo ng boyfriend mo kanina?" Agad akong umiling.
"Hindi a..." Agad kong kaila...e totoong hindi naman a.
Tumawa sya ng mahina kaya naman napatingin nanaman ako sa gwapo nyang mukha.
"Hmmmm.....hindi naman talaga....wala akong boyfriend!....." Parang pakiramdam ko ay napahiya ako sa pagkakasabi ko noon a, parang pakiramdam ko ay isa akong desperadang babae na gusto patunayan sa crush nya na wala pa talaga akong boyfriend....shocks...
Ngumiti sya sa akin...at tumango...
Nagkatitigan kami...pero biglang tumunog ang cellphone nya...nilabas nya iyon mula sa bulsa nya at inangat iyon...."Excuse..." sabay pakita sa akin ng cellphone nya kaya naman tumango ako para sa pag sang-ayon.
"Yes....yes...." Mahina ang pagsasalita nya kaya naman yun lang ang narinig ko sa usapan nila...Kainis...kailan pa ako naging tsismosa?
Matapos ang usapan nila ay muli syang humarap sa akin at nakangiti na lalo...
"Hmmmm....kaano-ano mo yung celebrant? Classmate?..." Tumango akopara sagutin ang tanong nya.
"Ikaw?"
"Business partner kami ng magulang nya...." sabay inom muli sa alak na hawak nya.
"Kanina ka pa umiinom a....----sorry..." Putol ko sa sasabihin ko ng maisip kong wala naman akong karapatan na pakaelaman ang taong ito.
Tumawa nanaman sya ng mahina kaya naman napanguso ako...
"Kung hindi mo sya boyfriend...e ano kayo?" Binalewala ang sinabi ko.
"Classmate din...." Ilang kong sagot sa kanya, nag iwas ako ng tingin.
"Kissing?" Parang may ibang himig ang pagkakasabi nya non, kaya naman muli kong sinalubong ang mga mata nya...
Agad akong umiling dahil doon, "Sya ang humalik....hindi ako...." Pakiramdam ko ay habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay humihina ang boses ko...
"Bakit ka naman umiiyak?" Nagtaas sya ng kilay na kala mo ay sinusuri ako.
Umiling nanaman ako....para akong timang...hayyy. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko din iyon sa purse ko para sagutin ang tawag...
Tumango naman si Steven ng nilingon ko sya bago sagutin ang tawag...
"Hello po...kuya Joel...."
" Maam...sorry po mga 1pm pa po namin kayo masusundo...ok lang po ba?"
"Pero bakit po?...gaano po kaya katagal? Kasi po hanggang 12 lang po ako di ba?"
"May inaayos lang po dito sa sasakyan...Pero mga 1am po andyan na po kami..."
Nakunot ang noo ko dahil doon..."Sige po..." Kita ko ang mukha ni Steven sa harapan ko na matamang naktitig s akin, kainis lang...
Sabay patay ko sa cellphone at muli ko syang nginitian.
"So....pauwi kana? 12am na...." Mahinang tawa nanaman sya, kaya ngumuso ako...
"Cinderella?" Ngumiti ako at umiling, kainis na nakakatuwa to... "Strict ang parents mo?" Natahimik ako sa sinabi nya....saka ngumiti ng mapait..alam kong bakas sa mukha ko ang lungkot.
Parang naman syang nahiya sa naging reaksyon ko kaya naging seryoso bigla ang mukha nya lalo na ang mga mata nya.
"Hatid na kita...." Sabay hawak nya sa braso ko para igiya palabas...pero nabigla ako ng nagdikit ang mga balat namin dahil nadama ko nanaman ang boltahe ng kuryente na iyon...Natahimik ako at nabawi ko bigla ang braso ko...
"Sorry...." Sabay bawi din sa braso nya na nasa ere..." Pangako ihahatid lang kita..." Ngumiti sya sa akin..." Hindi ako masamang tao....Francine..." Para naman akong napahiya sa sinabi nya pero kasalanan ko din bang mag-alangan na sumama sa kanya? E maliban sa pangalan nyang Steven ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya...
"Promise....ihahatid lang kita..." Ngumiti sya sa akin sabay angat ng palad nya sa ere para sa salitang 'promise' nya.
Tinitigan ko sya....lalo syang ngumiti...sa akin....Shit...ang gwapo...
"Francine...." sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin....Benjamin...naglakad sya palapit sa kinaroroonan namin ni Steven natahimik ako dahil doon.
"Francine....come on..." Mahinang sabi ni Steven sa akin na nagpabalik sa pagkatulala ko. Nakita ko na inoffer na nya ang braso nya sa akin para sa pag aaya sa akin na umalis na kami.
Nakita ko ang kilay ni Steven na nakataas na para bang gusto na talaga nyang umalis doon...
Bumuga ako ng hangin saka ako kumapit sa braso na inoffer nya sa akin. Nakita ko naman ang pag ngisi ni Steven at ang pag busangot ng mukha ni Benjamin...
"Francine...Steven?...." sabay baling nya sa kasama ko. Ngumisi lang ang huli.
"Ihahatid ko na sya....Benjamin...." Naningkit ang mata ni Benjamin sa sinabi ni Steven, nahiya ako kaya naman napayuko na lamang ako.
"Francine...totoo ba?" Bigong tanong nya sa akin na tinanguan ko naman at muli akong nayuko.
"Mauna na kami....Benjamin..." Sabi ni Steven....tumango naman si Benjamin at nakita ko lalo ang lungkot at pagkabigo sa kanyang mga mata....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...