Di ako mapakali, wala ni isang text sa akin si Sir.... pero umaasa padin akong darating sya...
Antok na ako pero mas pinili ko padin na maghintay sa kanya. Naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko na palagi kong nilolock. Alam kong sya na ito. Sinipat ko ang wallclock nakita kong 12am na...so talagang ganito palagi ang oras ng pagpunta nya sa kwarto ko?
Agad akong naupo sa kama, pero di ko alam kung nakikita nya ba ako. Kinagat ko ang labi ko, kinakabahan ako, paano ko sasabihin sa kanyang aalis ako ng ilang araw para sa business meeting ni Steven? At si Steven pa ang kasama ko doon, si Steven na nakita ni Kuya Joel at hinatid pa ako dito sa mansion..
"Sir....." Mahinang tawag ko sakanya, saka ko lang naramdaman na umuga ang kama kaya alam kong pumatong na sya sa higaan.
Nagulat ako ng biglang gumapang ang palad nya sa braso ko... pakiramdam ko ay may mga munting kuryente ang dumaloy doon, huminga ako ng malalim para pakawalan ang kaba ko.
"Sir...." Tawag ko muli at sakanya, saka nya hinagod ang aking likod kaya mas lalong kumalat ang init sa katawan ko at ang mga kuryenteng kanina ko pa nadarama.
Hinaplos nya ang buhok ko sa likuran at iginiya ako pahiga sa kama...ramdam ko na humiga din sya sa tabi ko. Sinubsob nya ang mukha ko sa dibdib nya.... ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan...pati ang matigas na mga dibdib na iyon... shocks... ano kaya ang pakiramdam kapag hinagod na yon ng mga palad ko... at ang makita iyon sa personal... ramdam ko lahat ang init, ang kuryente, na nagpapawala sa aking sistema. Nangiti ako dahil doon. Para kaming mag-asawa pero ramdam ko padin ang pag-iingat nya sa akin.
"Sir....magpapaalam po sana ko..." Bumuga ako ng marahas na hangin bago ako muling nagsalita... ang mga daliri nya na sumusuklay sa aking buhok mula tainga papuntang likuran ko ay lalong nagpapahina sa sistema ko, nakakawala sa katinuan....
"May business meeting po kasi yung Boss ko, yung CEO po namin..." niyakap ko sya bago ako nagpatuloy, ang mga braso ko ay pinalupot ko sa kanyang bewang.
" Kailangan daw po kasama ako bilang Secretary nya doon, pero sa Palawan po kasi iyon.... at aabutin ng ilang araw..." Ususual ay wala syang imik, kaya hindi ko alam kung nagagalit ba sya o ano.... Gustuhin ko man malaman ang damdamin nya ay wala akong karapatan doon, sapat na sa akin na makasama ko sya... ng ganito.
"Gusto ko sanang...makuha ang opinion mo doon.... hindi po ako sasama kung di ka po papayag..." Mahinang saad ko sa kanya. Ramdam ko ang lungkot, ang isipin lang na ilang araw akong di makakauwi at di ko sya makakasama ng ganito ay parang ayaw ko ng umalis.
Sa kasusuklay nya ng daliri sa buhok ko ay nakatulog na ako ng di ko namalayan, nagising na lamang akong balot sa aking kumot at wala na akong katabi, umalis na sya...
Agad akong bumangon at nag umpisa na sa mga ritwal ko bago sa pagpasok. Ngayon ko ipapasa ang mga projects ko sa school, hindi ako papasok sa ngayon para doon at para na din maihanda ko na ang mga dadalhin ko para bukas.
Hinatid ako ni Kuya Joel sa school at sinabi kong magtetext nalang ako pag magpapasundo na ako dahil di ko alam kung hanggang anong oras ako dito.
Agad akong dumiretso sa faculty para ipasa ang projects ko kay Mr. Montemayor, kumatok muna ako doon bago ko binusan ang pintuan, nagulat pa ako ng ang saktong may nagbukas din non mula sa loob at ng malaman ko kung sino iyon, Benjamin....
Nagtagpo ang mga mata namin, mataman kaming nagkatitigan doon pero di ko kinayang tagalan ang titigan kaya naman ako na ang umiwas ng tingin matapos kong ngumiti ng ng tipid sa kanya at tumango naman sya, ang mga mata nyang walang gana...akong tinignan.
Lumabas sya ng silid at ako naman ang pumasok doon, pinasa ko lang kay Mr. Montemayor ang mga projects at lumabas na agad. Sa kahabaan ng hallway ay nakita ko ang sya na matamang nakayuko at nakasandal sa dingding habang nakamapulsa ang dalawang kamay. Walang ibang tao maliban sa amin kaya imposibleng hindi ko sya makita.
Nang napansin nya ang presensya ko ay tumayo agad sya ng maayos mula sa pagkaksandal at saka bumaling sa akin. Naglakad ako patungo sa kanya dahil iyon lang naman ang daanan palabas doon ngumiti ako muli ng tipid ng malapit na ako sa kanya matapos iyon ay nilampasan ko lamang sya.
Wala na akong ibang lakad akala ko kasi ay matatagalan pa ko dito sa school so pwede na akong magpasundo kay Kuya Joel, lumabas ako ng building para sa pagderetso sa gate para doon na lang ako sunduin nila Kuya Joel pero nabigla ako ng mya humigit sa braso ko mula sa likuran ko at hinila ako patungong parking...
"Benjamin!!!" Sigaw ko sa kanya, nagproprotesta na ang utak ko dahil nasasaktan ako sa paraan ng paghila nya sa akin, oras ng klase ngayon kaya hindi masyadong marami ang estudyante na nagkakala sa malawak na bakuran ng school. Pinilit kong hilahin ang palapulsuhan ko sa pagkakahila nya pero masyado syang malakas! "Benjamin!!! Bitawan mo ako!!!! Nasasaktana ko!!! Ano ba?!!!" Pero parang wala syang nadidinig, hindi nya manlang ako tinignan. Pero ang ibang estudyante ay nakatingin na sa amin at nagbubulung-bulungan na...
Nang makarating kami sa parking ay agad nyang pinatunog ang kanyang Genesis ay binuksana ng pintuan doon para ipasok ako, padarag nya akong pinasok doon at saka nya sinara ng padabog ang pintuan! Nagulat ako sa ginawa nya dahil muntikan na akong maipit sa pintuan ng tangkain dong lumabas bago nya maitulak iyon! Pinilit kong mabuksana ng pinto pero agad nyang nabuksan ang drivers seat at agad na nailock ang pinto!
Para akong tanga na nagpupumilit padin na mabuksan ang pintuan ng kotse pero hindi ko iyon mabuksan! Mahigpit nyang hinila muli ang braso ko palapit sa kanya at marahas ng inangkin ang aking mga labi!
Namilog ang mga mata ko sa ginawa nya. Hindi agad ako nakapag-isip! Shit! HInawakan nya din ang aking batok para lalo pa akong madiin sa kanya at ang isang kamay naman nya ay nag umpisa ng gumapang sa aking mga binti! Shit! Pinilit ko pading pumalag at iniharang ang aking mga palad sa kanyang dibdib para itulak sya palayo! Pero ang kamay nya sa aking batok ay lalong akong inihihilig sa kanya.... halos maramdaman ko na ang dugo sa labi ko dahil sa pwersa ng paghalik nya sa akin!
Ang palad nyang nasa aking binti lamang kanina ay nagpipilit ng pumasok sa aking suot na shirt! Nanlaki lalo ang mga mata ko dahil pinipilit kong manlaban sa kanya! Hindi ko na alam kung anong uunahin ko, kung ang pagtulak ba sa kanya para maghiwalay ang aming mga labi o ang hulihin ang palad nyang ngalilikot na para pahintuin ito sa paglalakbay doon!
Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko! Pakiramdam ko ay wala na akong kawala lalo na ng maramdaman ko ang pagpunit ng tela ng suot kong shirt sa bandang balikat...at ang mga labi nyang nagpupumilit na makarating sa aking leeg at balikat, di ko parin tinitigilan ang pang lalaban kahit na hinang-hina na ako.... hindi ito pwede... ayoko!!! Hindi ko alam kung ilang beses kong nasigaw ang pangalan nya sa tono na nagmamakaawang tigilan na nya ako pero parang hindi nya narinig iyon.
Lalong kumawala ang aking mga pinipigilang mga luha kaya hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko doon nang iniwan nya muli ang aking mga labi para bumalik sa aking leeg at ang salitang "Benjamin!!! PLEASE!!!! WAG!!! WAG!!! " na ang huling sinabi ko bago pako nawalan ng boses sa kakaiyak doon, sa paghagulgol kong iyon ay parang saka lamang syang natauhan mula sa pagkakabaliw....
Binitawan nya ako at mariing tinitigan ang aking mukha na siguro ay hindi na maipinta dahil sa gulo ng aking itsura!!! Fuck!!
" Franc-----" Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya! At ang mga pagbayo sa kanyang dibdib! Wala na kong pakialam kung saan ko sya tamaan basta ang alam ko ay gusto ko syang saktan dahil sa ginawa nya... hindi nya naman ako pinigilan sa pagganti ko doon, hindi nya sinalag ang mga sampat at suntok ko... ako nalang mismo ang huminto dahil na din sa panghihina ng katawan ko...
Masaganang luha padin ang dumadaloy mula sa mga mata ko ng napagod na akong saktan sya at tahimik lang akong humilig sa sandalan ng upuan.... impit na mga iyak ang pinkawalan ko doon at mga mahihinang mura!
Hindi ko na sya tinapunan ng tingin kahit na paulit-ulit sya sa salitang SORRY gamit ang boses na nagsisisi...
Naramdaman ko nalang na binuhay nya ang making ng kanyang sasakyan at agad na pinaandar iyon palabas ng parking lot at ng school.....
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...