- 16 -

724 8 0
                                    

"Nagresearch na ako, para sa sarili ko...ikaw ano nang nagawa mo?" Tanong ko kay Benjamine habang sabay kaming kumakain dito sa canteen.

Ngumiti nanaman sya. "Ang ganda mo talaga al----"

"Kung yan lang ang rason mo kung bakit mo ako kinukulit na magkasama tayo sa lunch na ito, pwede ba tigilan mo na yan...kainis..." Iritang sabi ko dito. Ngumiti nanaman sya. Kainis na talaga.

Tumawa nanaman sya. " Alam mo ang ganda mo kahit na ang sungit mo...." Humilig sya ng kaunti.

Tinaasan ko nanaman sya ng kilay "Alam mo ba Mr. Ramos....kausap lang kita dahil kailangan, pero kung hindi ay wala akong balak na pansinin ka...kaya pwede ba tigilan mo yang kalandian mo sa akin....di yan uubra...." Basag ko sa trip nya. Ngumis nanaman sya sa akin.

"Alam ko, kaso gusto talaga kita e...." Ngumiti nanaman ang kumag kaya lumabas na ng tuluyan ang mga pantay nyang mga ngipin. Inismiran ko nalang sya sa inis ko.

Nabigla ako ng may mga nilabas syang mga papers na nilapag sa table namin. "Yan may mga naresearch ako...baka kasi awayin ako ng boss ko pag wala akong maiambag" Natatawang sabi nya.

Totoo? Boss?Ako?

Nailing nalang ako dahil sa mga sinasabi ng baliw na ito sa harapan ko. Dinampot ko ang mga papel na nilapag nya sa table sa harapan nya, pero di ko pa yon naiiangat ay hinawakan na nya ang kamay kong iyon! Nanindig ang balahibo ko sa ginawa nya, agad ko iyong binawi at hinampas ang kamay nyang iyon.

Pinanlisikan ko sya ng mata, nagtaas naman sya ng kilay na nagpapacute...nakangiti nanaman sya.

Nailang ako ng naramdaman kong madaming mata na ang nakabantay sa amin, nilingon ko ang kabilang table at totoo nga ang naramdaman ko, nandoon sila Kristel yung classmate ko na kung makatingin dito sa Ramos na ito ay halos hubaran na sa isip. Ewwwww....

Nakairap ito sa akin, "Tsssss" Sabi ko ay deadma nalang sila sa akin. Tutal ay nakarami na din akong nabawas sa lunch ko ay tumayo agad ako matapos kong damputin ang ibang gamit ko na nakakalat sa lamesa.

Tumayo na agad ako at di ko na pinansin yung epal na kaharap ko. Kainis. Ayaw kong huminto sa pag aaral pag nakarating ito sa Don....Tskkkk...

Lumipas ng ilang buwan na puro ganon ang ginagawa sa akin ng adik na ito, aasarin ako, ngingitian, kukulitin. Pero pinili ko nalang na deadmahin sya at iwasan para na din sa sarili ko, totoo din naman kasi na wala akong gusto dito at wala pa sa plano ko na mag entertain ng lalaki at wala na din naman akong karapatan di ba? Dahil may nagmamay-ari na sa akin.

"Hi" Ngiting bati nanaman sa akin nitong mokong habang abala ako sa pagbabasa dito sa library. Umupo sya sa harapan ng table ko, nasa isang sulok ako ng library nakapwesto dahil ayaw ko ng istorbo. Ayaw ko ng maingay...Di ako kami kita dito ng librarian at halos wala din namang estudyante.

"Pwede ba...kahit dito lang patahimikin mo naman ang paligid ko?" mahinang inis kong sabi sa kanya. Busy-busyhan ako dito sa binabasa kong libro kaya di ko na din ako nag abalang tignan sya. Kilala ko naman din kasi yung boses nya e..sa ilang buwan ba naman na pagpapapansin nito sa akin e.

"Di naman ako mag iingay e...promise..." Tumahimik ang paligid ko matapos nyang sabihin iyon. Nakaharang ang libro sa mukha ko kaya di ko sya makita sa harapan ko kaya di ko alam kung ano ang ginagawa nya dahil sa nga sa tahimik yung paligid ko.

Naramdaman ko nalang na may nilagay sya sa lamesa kaya naman binaba ko ang libro na nakaharang sa mukha ko para makita yon.

Tumaas ang kilay ko ng makita kong isang red rose iyon. Tinignan ko sya ng masama at saka ko tiniklop ang libro.

"Tigilan mo yan..." madiing sabi ko sakanya.

Tumayo ako para ibalik na yung libro at kumuha ng bago, hinawakan nya ang braso ko ng tumayo din sya.

"What if kung ayaw ko?" May diin at seryosong sabi din nya sa tenga ko, nakatagilid kasi ako sa kanya. Hinarap ko sya saka ko lang nakita na kaunti nalang ang agwat ng muka namin.

Di ko ininda ang lapit ng mga mukha namin. "Pakiusap.....ayaw kong masira ang pangarap ko...." Sabi ko ng mahinahon. Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Lumuwag ang hawak nya sa braso ko kaya hinawi ko yon at saka ako naglakad para ibalik at kumuha muli ng ibang libro. Naramdaman kong sumunod sya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tigilan mo ako...please..nakakasawa..." Sabi ko. " Ayaw kong masira lahat ng pangarap kong makatapos-----" Hinila nya ako paharap sa kanya ay sinandal ako sa bookshelves...Hawak nya ang dalawang pulso ng braso ko at diniin din iyon sa shelves na nakapantay sa mukha ko...Shit anong meron bakita ganito sya?

Buti nalang ay deadend na dito kaya walang ibang estudyante sa parte ng library na to ng lumingon ako sa paligid.

" Hindi ko sisirain ang pangarap mo...." Mahinahong sabi nya sa mismong mukha ko.

Umiling ako at ngumisi. " Hindi mo ako kilala at wala kang alam sa akin...." Sabi ko dito.

"Then, try me...."

"Stop this p-----" Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinalikan sa labi...Diniin nya pa ang katawan nya para madaganan ako at lalong maidiin sa shelves....Shit....

Ano ba ang dapat kong gawin?

Manlaban? Shit!! Pakiramdam ko ay nararape na ako a?

Malumanay ang halik nyang iyon pero ang utak ko ay nagwawala na!

Hindi pwede ito! Lalaban ba ako? Pero paano? Kapag nakagawa kami dito ng ingay ay baka may makakita sa amin at mapatawag pa ang mga guardian namin....Ayokong makarating ito sa Don...Pinilit kong ikalma ang sarili ko.

Wala akong ginawa, tikom lang ang labi ko sa ilang segundong halik nyang iyon, sinigurado kong di nya magagawang pasukin ang bibig ko....ayoko...hindi pwede...wala akong ginawang panglalaban at wala din akong ginawang response sa kanya na ikakatuwa nya. Hinayaan ko lang sya sa gusto nya.

Naramdaman nya din sigurong wala akong ganang suklian ang mga masusuyong halik nya...kaya dahan-dahan syang kumalas sa paghalik, tinitigan nya ako.

"Masaya ka na?" mapanuyang tanong ko.

Parang nainis sya sa sinabi ko... dahil sa ingay sa kabilang banda ng library ay binitawan nya ang mga kamay ko at dahan dahan na nilayo ang pagkakadiin ng katawan nya sa akin.

Nakita ko sa mata nya ang pagsisisi sa nagawa ng humakbang sya ng paatras.

"Sorry..." Mahinang sabi nya na halatang nag aalala sa akin.

Ngumisi ako bilang sagot sa kanya na parang gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa ginawa nya.

"Siguro naman matapos ng ginawa mo....titigil kana...." Parinig ko sakanya... Inangat ko ang sarili ko mula sa pagkakasandal sa shelves at humakbang na pabalik sa lamesa ko kanina para kunin ang bag ko at makauwi na...

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon