- 8 -

769 10 0
                                    

Mansion

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe namin. Ginising na lamang ako ni...... teka, sino nga pala itong taong ito?
Totoo??? Sumama ako sakanya ng di ko manlang inalam ang kanyang pangalan?

Katabi ko ang lalaking kausap ko kanina, pero nasa kabilang dulo sya sa may bintana at ganon din ako, sa laki ng sasakyan na ito at kami lang dalawa sa upuan pakiramdam ko padin na masikip ito, naninikip ang dibdib ko habang naiisip ko na makikita ko nanaman ang mga malademonyong ngiti ng Don na iyon...

Napalunok ako ng pumasok sa isang mukhang mamahaling subdivision ang kotse na sinasakyan namin. Malalaki ang mga bahay dito at may ibat-ibang magagarang disenyo.

Ignorante na kung ignorante, pero totoong maganda talaga ang mga desenyo ng mga bahay sa subdivision na ito.

Ibang-iba ang mga bahay dito kumpara sa lugar namin sa San Vicente, mga gawa lamang sa kaunting bato ang mga bahay sa amin at ang kalahati naman ay mga gawa na sa pawid ang karamihan doon.

Laglag ang panga ko habang patuloy na namamangha sa mga mansion na helehelera sa paningin ko.

Di ko napigilan ang paglunok ko ng napansin kong bumukas ang gate ng isa sa mga mansion doon at pumasok ang sinasakyan namin.

''Ito na... ito na Francine.... mamamatay ka na... ilang minuto nalang...''. sabi ko sa sarili ko habang pumaparada sa tapat ng malaking pintuan ng mansion.

Huminto na ang kotse, ang side ko ang nasa tapat ng mismong malaking double door... napayuko ako sa takot... nanginginig na ang tuhod ko, di ko ata magagawang bumaba dito, nagulat ako ng nagbukas ng pintuan ang katabi ko at sabay noon ay ang pagbukas din ng side ko... Shit... ito na.... ito na....

Ngumiti ang lalaki na kasama kaninang sumundo sa akin na tingin ko ay body guard. Ngumiti ito ng tipid at naglahad ng kamay para sa pagbaba ko.

Lumunok ako muli, pero tinitigan ko lamang ang kaniyang kamay na nakalahad. Ayaw ko... ayaw kong bumaba....

"Ms. Francine..." Tawag sa akin ng lalaking sumundo sa akin kanina sa bahay, nasa likod na pala sya ng bodyguard na naglalahad sa akin ng kamay...

"Bumaba na po kayo para po makakain na po kayo... kanina pa po kayo walang kain...." Magalang na sabi nito...Oo nga at wala pa akong kain mula sa buong byahe namin, niyaya ako nito kaninang mag stop over para kumain pero wala akong gana.... kaya di ko na iyon pinaunlakan. Pero ngayon ano ba ang dapat kong isipin...ang sikmura kong kumakalam na o ang magiging buhay ko pag pumasok na ako sa mansion na ito.

Sa oras na makita ko na ang Don ay baka magpakamatay na ako.... mas gusto ko ng magpakamatay kaysa naman unti-unti akong patayin ng Don na iyon sa mga gagawin nya sa akin...baka hindi ko din kayanin.

"Sige na Rod... ako na ang bahala sa kanya..." Utos nito sa bodyguard na nasa harapan ko na nagpabalik sa ulirat ko.

"Ms.Francine...." tawag muli nito sa akin ng umalis na si Kuya Rod? "Kailangan nyo pong bumaba para na din po makakain ka na at makapagpahinga... masyado pong mahaba ang higit walong oras na binyahe natin ng wala ka manlang kain at sapat na pahinga..." Nag aalalang sabi nito sa akin.

Napakagat ako sa labi ng maisip ko iyon, nakailang stop over kami pero ni hindi ako kumain sa mga binibigay nitong pagkain sa akin, pero sila ay kumakain na lamang sa kotse sa buong durasyon ng byahe namin.

Naiiyak na ako, kapag umapak na ako sa mansion na ito ay wala na akong kawala... tuluyan na akong napapikit at tumango dito ng muli nyang tawagin ang pangalan ko.

"Ms.Francine..." Ngumiti ito, muli naglahad ng kamay para sa pagbaba ko sa mataas na sasakyan na ito. Humawak ako doon at unti-unti kong dinama ang paghakbang pababa.

May lumapit sa akin na tingin ko ay isang kasambahay dahil sa suot nitong uniporme. Ngumiti sya at ngumiti din ako ng tipid.

"Magandang gabi po maam.... akin na po ang bag nyo..." turo nya sa bagpack ko na nakasabit sa katawan ko.

"Kaya ko na po ito... ako na po..." Sabi ko dito.

"Pero maam-----"

"Betty, hayaan mo na si Ms. Francine sa gusto nya.."

"Ok po sir... handa na din po ang hapag sir..." Nag bow ito at umalis na...

Tingin ko ay nasa alas diyes na ng gabi kung totoo ang sinabi nyang nasa lampas walong oras ang byahe namin at nasa tanghali na kami umalis malamang ay nasa ten ng ng gabi.

Tumalikod sa akin ang lalaki matapos akong ngitian, parang sinabi nya sa ngiti nya na sumunod ako sa kanya.

Lumunok ako muli bago humakbang, tumingala ako para tignan ang mansion ng Don, malaki ito... malaki ang tatakbuhan ko pero ang tanong saan naman kaya ako dadaan para makatakas?

Laglag nanaman ang panga ko ng makita ko ang ganda ng mansion, purong puti ang kulay ng buong bahay maliban sa sahig nitong marmol na kulay itim at ang ibang mga gamit sa loob ay itim din.

Nakita ko ang lalaki na lumiko sa isang pintuan kaya sumunod na ako doon. Namangha ako ng makita ko ang madaming masasarap na pagkain sa lamesa, pakiramdam ko kumalam ang sikmura ko sa mga nakalatag sa hapag.

Lumunok nanaman ako dahil sa takam na nadarama ko.

"Maupo na po kayo Ms. Francine..." Magalang muling untag ng lalaki sa akin. Nangunot ang noo ko ng mapagtanto kong walang ibang tao doon na nakaupo sa dining area, ang lalaki at ang kasambahay na si Betty lang ang kasama ko pero nakatayo lamang sila sa side ng lamesa.

"Ako lang mag isa ang kakain?" Sabay turo ko sa akin sarili...

Tumango ang lalaki at ngumiti naman sa akin si Betty. "Kumain na po kayo maam, para po makapagpahinga na din po kayo..." sabi ni Betty.

Sandali... asan ang Don? Bakit ako lang?

I mean, hindi naman sa gusto ko itong makita, pero sana nga ay di ko na ito makita pero nagtataka lang ako kung bakit wala ito ngayon.

"Betty, ikaw na ang bahala kay Ms. Francine... Ihatid mo sya sa kwarto nya matapos para na din makapagpahinga... sa labas lang po ako..." Magalang padin na paalam nito sa akin.

"Kain na po kayo maam.." Ulit ni Betty ng matapos kong titigan ang lalaki na nalalakad palabas ng dining area. Tumango na lamang ako at umupo sa isang upuan na katapat ng isang pinggan.

"Na-s-aan po a-ng Don?" Magalang kong tanong din kay Betty na sa tingin ko ay nasa beintesingko anyos. Yumuko ito at di sumagot sa tanong ko.

Kumain na lamang ako ng tahimik ng pansin kong nailang ito sa tinanong ko...

Anong problema nito? Mahirap bang sabihin kung nasaan ang Don Henry na iyon? Tsk...

Kumain lang ako ng sapat sa gutom ko, dahil medyo wala padin akong gana. Nilapag ko ang mga kubyertos. Tumayo na ako at akmang liligpitin ko na ang pinagkainan ko ng biglang pinigilan ako ni Betty..

"Maam Francine... ako na po..." Sabay agaw nito sa hawak kong plato.

"Kaya ko na to...." Pilit ko ng di ko binibitawan ang plato... "Ginagawa ko naman ito sa amin kaya kaya ko na ito".... Pilit kong bawi sa plato.

"Pero maam... mawawalan po ako ng trabaho pag nagkataon." Sabi nito na nagpatigil sa akin sa pakikipagkulitan na ako na ang magligpit nito.

Ngumiti ito ng ibigay ko ang hawak kong plato. "Pasensya na...." Hinging pasensya ko dito.

"Ok lang po... gusto nyo po ba ng gatas bago kayo matulog?" Tanong nya sa akin.

Natigilan ako sa tanong nya... totoo? Ano ako dito, buhay prinsesa?

Tumango na lamang ako sa offer nya, at nilagay ang mga pinagkainan ko sa lababo.

"Samahan ko na po muna kayo sa kwarto nyo, doon ko nalang po dalhin yung gatas..." Ngumiti muli ito at naglakad na matapos kong tumango dito.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon