Abala kami ni Steven para sa dadaluhan naming birthday party ng isang kilalang business tycoon. Ito pala ang sinasabi nyang business na pupuntahan namin dito. Akala ko pa naman ay normal meeting lang.
Wala akong maisusuot na dress para dito, at ang Steven na ito ay may inihanda na palang dress para sa akin. Isang kulay light gray na dress may tamang haba para sa tangkad ko at sakto lamang din sa hubog ng katawan ko, hindi ko tuloy alam kung sinusuktan ba ng lalaking ito ang katawan ko o sadyang magaling lang syang manuri.
Nagulat pa ako ng may dumating kaninang hapon na isang stylist kuno para ayusan ako. Alam nya din atang hindi ako marunong mag lagay ng make-up...
"Light lang ang gusto ko, Tracy..." Mataman nya akong tinititigan sa salamin mula sa likuran namin ni Tracy.
"Steven, maganda na sya ... hindi na sya kailangan lalong pagandahin..." Natatawang sagot nya. Para tuloy pakiramdam ko ay uminit agad ang pisngi ko sa sinabi nya. "Baka magsisi ka, pag pinaganda ko pa sya lalo..." Sabay tawa ni Tracy. Nangiti naman si Steven habang titig na titig sa akin. Kainis lang, magkakilala ba ang dalawang ito? Bakit kung makapagbiruan sila ay parang matagal na silang magkakilala?
"I know...." Ngumiti sya sa akin. Para nanamang nagkaroon ng baga sa pisngi ko ang init na talaga nito.
Nakasandal sya sa pader sa tabi ng pintuan ng kwarto habang nanonood sa amin. Maya pa ay umalis sya doon at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang isusuot nyang tuxedo mamaya, light gray din iyon, parang pakiramdam ko tuloy ay magboyfriend kami lagi nya kasing pinapares ang mga damit na susuotin namin mula ng dumating kami dito.
Matapos namin ni Tracy ay sinipat nya lang ang kabuuan ko habang nakatayo kami sa tapat ng malaking salamin dito sa kwarto. Ngumiti sya sa akin matapos akong purihin.
"Ang ganda mo talaga... Kaya hindi ako nagtataka... " Nangiti ako ng di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "O sya, alis na ako a..." Paalam nya ng bumukas ng pintuan at niluwa noon si Steve. Sabay beso nya sa akin mula sa likuran at nagulantang ako ng may ibinulong sya sa akin " Ang swerte mo...." MAkahulugang ngiti ang ibinigay nya sa akin.
Sabay talikod sa akin at nagbeso kay Steven matapos magpaalam. Nakagat ko ang labi ko ng makita kong matamang nakatitig sa akin si Steven na naglalakad palapit sa akin habang naiiling sa kung ano ang ibinulong sa kanya ni Tracy...
" You're so... beautiful...." Lalong uminit ang pisngi ko dahil doon, napalunok ako ng bara sa lalamunan ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakatalikod padin ako sakanya at sa salamin lamang nagtatama ang mga paningin namin. Lumapit pa sya lalo sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Nanigas na ng tuluyan ang katawan ko dahil sa pagdidikit nanaman naming dalawa. "Parang ayoko ng lumabas dito..." Bulong nya sa tenga ko, nanindog ang balahibo ko, hindi ko na kinaya at mariin na akong napapikit, habang dinadama ko sya sa tabi ko...
Alam kong mahal ko sya, noon pa... hindi iyon nawala. Naglielow lang ata, pero ng muli ko syang nakita at nakasama ay parang lalong lumalim iyon, malalim at nakakalunod... nakakatakot kasi baka hindi na ako makaahon... Hinalikan nya ako sa pisngi at pinatong ng baba nya sa balikat ko.
Nang makapasok na kami sa venue sa kasalukuyang hotel din na tinutuluyan namin ay may mga businessman at mga asawa din ng mga ito ang mga bumati at binati ni Steven. Di ko alam kung saan ako magtatago sa tuwing mataman nila akong tinitignan at nangingiti.
Mga ngiti nilang makahulugan...
May lumapit sa amin na isang lalaki mukang kaedaran lang ni Steven, nagkamayan sila at nagkamustahan, nakangiti sya kay Steven pero ang huli ay seryosong nakapagkamay lamang dito, matapos iyon ay sa akin bumaling ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...