"Anong ginagawa mo dito?...." Wala kong ganang sagot sa tanong nya ng di ko manlang sya sinulyapan.
Naramdaman kong umupo din sya sa tabi ko... pero may agwat sa pwesto ko.
"Para... may makasama ka?" Mahinahon nyang sagot sa akin, siguro ay ramdam naman nya na wala akong ganang kausap sya di ba?
"Hindi ko kailangan ng kasama..." May diin kong sabi sa kanya atsaka ko sya binalingan ng masamang tingin ng ibaba ko ang mukha ko mula sa pagtingala... doon ko lang din nalaman na nakatingala din pala sya sa langit. Ang seryoso nyang mga mata at ang mukha nyang walang emosyon.
Nakasandal ang kaniyang mga braso sa likuran para makatingala sya ng maayos.
"Alam ko... ayaw mo. Pero kailangan---"
"Hindi!" Putol ko sa sasabihin nya. "Hindi kita kailangan... hindi ko kailangan ng kasama..." Muli akong tumingala sa langit at hindi na sya binalingan.
"Siguro nga---"
"Ayaw ko sayo... ayaw ko sa presensya mo... ayokong umaaligid ka sa akin...." Sabay iling ko. Lahat ng iyon ay madiin kong sinabi sa kanya, dahil iyon ang totoo. "Listen...." Bumaling ako sa kanya, ganon din ang ginawa nya kaya mas pinili kong harapin nalang ang dagat, mas makakapagsalita ako ng maayos pag ganito, pag hindi kami magkakatitigan.
"Kung nandito ka para bantayan ako, para sabihin sa Don Henry na iyon kung ano ang mga ginagawa ko dito... umalis ka na... " Di ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko. Dahil sa katotohanan na umaaligid nanaman sila.
"Pagod na ako, pagod na pagod na, bakit ka nandito? Bakit nandito kayo ng Don? Wag mo sabihing nabili nyo na ulit ako? Ano natubos nyo na ba ako kay Sir? Kaya ka ba nandito? Ano tingin nyo sa akin? Bagay lang?" Hindi na basta basag lang ang boses ko, nadama ko na din ang pagtulo ng masaganang luha mula sa aking mga mata. "Na ano? Na pwedeng bilhin? At kung ayaw na ay pwede na ulit ibenta? Mga wala kayong puso.... ano bang nagawa kong mali sa inyo?" Muli ko syang nilingon sa pagkakataong iyon ay may nakita ko ang pagkahabag sa mga mata nya... ano iyon? Naawa sya sa akin? Imposoble. "Bakit? Bakit ako pa? Bakit ganito? Wag kayong mag aalala, pagod na akong umiyak, nakakapagod na... nakakapagod ng aminin sa sarili ko na wala na akong karapatang magmahal..." Pakiramdam ko mas lalong dumami ang mga luhang umalpas doon ng maalala ko si Steven... minsan lang ako magmahal bakit hindi pa pwede? Bakit hindi? "Na wala na akong karapatang mahalin... ng iba.. kahit na alam ko sa sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko, kung sino ba talaga ang gusto ko... palagi nalang hindi pwede...lahat kayo... mga makasarili... wala kayong pakialam kahit nakakasakit na kayo...." Sabay tayo ko mula sa pagkakaupo para iwanan na sya doon.... ayaw ko, ayaw ko sa presensya nya....
Agad akong naglakad, alam kong nakatingin lamang sya sa akin at hindi na sya kumilos pa at nagsalita. Dinampot ko ang dala kong towel at ang suot kong beachdress kanina na nilapag ko kanina sa tabi ng isang puno.
Itutulog ko nalang to. Mas ok pa.
Tahimik na ang buong hotel, ang mga staff nalang ang pagala-gala sa lugar. Suot ko na ang dress ko at bitbit ko ang towel. Dumiretso ako sa elevator.
Tulala ako doon, hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Kung ano paba ang dapat kong maramdaman?
Magulo na ang lahat, magulo na. Ayaw ko na...
Muling tumulo ang mga luha ko na akala ko ay naubos na kanina ng iniwan ko na doon si Louie, pero mali pala ako.
Mahirap. Mahal ko si Steven, pero ang katotohanan na hindi kami pwede, at may mahal syang iba ay ang gumagambala sa isipan ko. Siguro ay kaya ko syang ipaglaban, kung ako ang mahal nya. Pero hindi e, may mahal syang iba. Ang laking sampal sa akin non.
Pero ganon padin naman di ba, kahit na mahal nya ako, hindi ko sya pwedeng mahalin. Maliban nalang kung lalabanan ko ang tadhana ko. Kung iiwan ko ang mga pangako ko noon sa mga taong umasa sa akin. Sa mga magulang ko. Sa mga bagay na tinamasa ko sa panahon na nasa poder ako ni Sir.... lahat ng iyon ay may kapalit, lahat lahat...
Tumunog na ang lift hudyat na bababa na ako doon. Agad kong pinunasan ang mga pisngi ko para mahinto na ang pagluha ko sa mga bagay na nakakasakit sa akin. Pero sa di inaasahan ay may mas lalo pa akong makikitang mas sasaksak sa sugatan kong puso..
Iyon ay ang makita si Steven at si Tracy na nagyakap matapos ang kanilang halikan. Kitang-kita ng mga mata ko kung paanong humilig si Steven kay Tracy at ang pag-tingkayad din ng huli para magpang-abot sila... Nakatagilid sila, hindi ko na naabutan ang halikan, naabutan ko lang ay ang paglalayo ng mga mukha nila bago sila magyakap doon.
Shit! Hindi lang pala yung Cindy ang kaagaw ko dito... pati din pala si Tracy?
Pakiramdam ko ay isang malaking pang-gagago ang natamo ko sa buong araw na ito.
Suminghap ako ng makalabas ako ng lift, hindi ko na napigilan kaya pareho silang napasulyap sa akin. Kita ko kung paanong nanlaki ang mga mata nila sa gulat.
Ang mga mata ni Tracy na nagulat ng sandali pero ngumiti sa akin.
At ang mga mata ni Steven na nagulat din sandali pero agad na nagbago at dumilim, matapos nyang makita ang kabuuan ko. So?
Agad akong humakbang para makalapit sa unit namin sa mismong tapat ng unit ni Tracy.
Hindi ko na sila binalingan muli ng tingin ng makalapit na ako sa pintuan. Agad ko iyong nabuksan ata pumasok. Isasara ko na sana pero agad na hinarang ni Steven ang kanyang buong katawan doon, kaya hindi ko naitulak ng tuluyan. Nakita ko ang dilim ng mga mata nyang nakatitig sa akin doon kaya agad ko na syang tinalikuran. Dama kong galit sya sa akin. Galit din ako sa kanya.
Wala naman akong magagawa di ba? Hinayaan ko na lamang sya doon at tumalikod. Dideretso nalang ako sa kwarto para makaligo at makatulog. Kailangan ko ng pahinga.
Kaysa ang damdamin ko pa lahat ng nangyayari.
Galit sya sa akin? Galit din ako sa kanya. Dama ko ang pagsara nya ng pinto at paglock doon. Pati narin ang pagsunod nya sa akin. Dumiretso ako sa banyo pagkapasok ko sa kwarto at kumuha ng pangtulog na pamalit.
Nang makapasok ako sa banyo ay saka ko lang sya naramdamang pumasok din sa kwarto. Wala akong ganang kausapin sya.
Nagtagal ako doon. Habang nakabaon ang sarili ko sa bathtub ay di ko mapigilan na umiyak nanaman.
Akala ko ay maganda ang tingin sa akin ni Tracy. Akala ko ay masaya sya para sa amin ni Steven. Yon naman pala ay may namamagitan din sa kanila ni Steven. Ang tanga-tanga ko talaga!
Akala ko pa naman ay nagagandahan talaga sya sakin. Iyon pala kaya pala sinabi nyang 'ang swerte ko' ay dahil may pagtingin din pala sya kay Steven!
Ang bobo mo talaga Francine!
Matapos kong umiyak ng matagal sa loob ng banyo at maligo, doon na din ako nagbihis para sa paglabas ko ay mahihiga nalang ako at matutulog. Siguro naman ay tulog na din sya di ba?
Wala naman kaming dapat pag-usapan. Wala naman kaming dapat na problema.
Tahimik kong binuksan ang pintuan ng banyo para sa paglabas ko. Natigilan ako sa paghakbang ng makita ko sya doon na nakaupo sa kama at nakaharap sa pintuan ng banyo.
Mataman syang nakatitig sa akiin, ang mga mata nyang galit ang muhka nyang madilim. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga titig nyang iyon. Ayaw kong patulan sya! Ayaw kong awayin sya! Ayaw kong angkinin sya! Dahil hindi sya sa akin, at hindi sya magiging akin!!!!
Yumuko ako at naglakad paikot sa kama. Sa kabilang side ako matutulog. Kung dito ulit sya matutulog. Wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...