- 38 -

668 13 2
                                    

Kinabukasan ay napakasaya ko...siguro dahil na din sa nakasama ko sya kagabi hanggang kaninang madaling araw...

Agad akong nag asikaso para sa pagpasok muli sa SGC. Matapos ko noon ay tumulak na kami ni Kuya Joel patungo sa SGC.

Matapos kong lumabas ng sasakyan ay agad akong pumasok sa lift. Masyado ata akong maaga, siguro dahil nga sa masaya ako? Inspired?

Naka-slacks na black ako ngayon at naka yellow polo...masaya ako ngayon kaya naman positive ang utak kong maganda ang araw na ito para sa akin.

Tumunog ang lift para sa aking pagbaba, agad akong dumiretso sa double door...itutulak ko na sana iyon pero dahil sa masyado akong usyusero ay tinitigan ko muna ang kabuuan ng pintuang yon. Para lang akong tanga na nagpapakaabala sa pagchecheck doon, hindi ko kasi maisip na bakit kailangan na may lock...hawak ko pa ang baba ko habang nakasabit sa balikat ko ang shoulder bag ko na akala mo naman ay nirereslobang kaso ng biglang-

"May problema ba?...." Tanong ng Adonis sa likuran ko kaya naman halos mapatalon ako dahil doon. Nakagat ko ang labi ko ng hinarap ko sya... masyado palang malapit ang pagitan namin kaya halos mauntog nanaman ako sa dibdib nya.

Umiwas ako sa mga mata nya, pero alam kong nakatitig lang din sya sa akin. Umiling agad ako " Wala po sir.... Goodmorning po..pasok na po ako..." Yumuko ako ng bahagya para sa pagbati sakanya. Matapos yon ay agad akong tumalikod para sa pagpasok, ramdam ko naman ang mga yapak din nya na nakasunod sa akin.

"Pack your things....may business meeting tayo sa Palawan sa makalawa...." Sabi nanaman nya na nagpatigil sa akin... anong business meeting alam kong secretary nya ako pero baka nakakalimutan nyang OJT palang ako dito, Sya naman ay walang hinto sa paglalakad patungo sa lamesa nya ng sabihin iyon... sinubukan kong sumunod sa kanya at saka ako umupo sa upuan na nasa tapat ng lamesa nya.

"Pero sir... may class po ako sa araw na iyon..." Di ko alam kung ano ba ang maging himig ko ng oras na iyon.

" I know....ang HR Head na si Ms. Verde na ang bahala doon, kailangan ko ang secretary doon..." Iritang tono nya.

"Pero po kasi-----"

"Ms. Vargas....pumayag na ang school doon...." Mahinahong paliwanag nya pero may himig pa din ng pagakairita.

Yumuko na lamang ako. Ginawa na nila ang mga bagay na iyon kahit pa hindi manlang sila sa akin nagsasabi. Alam kong secretary lang nya ako pero syempre di ba OJT lang ako dito. May mga priorities din ako bilang estudyante.

Inabala ko ang sarili ko matapos ang usapan namin. Alam ko naman na hindi na sya papayag na hindi ako makasama, gaya nalang ng sinabi nyang kailangan nya ang secretary doon.

Isa pa sa iniisip ko ay ang sasabihin ni Sir sa akin.

Baka hindi nya ako payagan...hayyy...

Ganon padin ang naging pagkain namin. May dumating na food dineliver ng guard at sa pag-uwi naman ay iniwan ko na si Steven doon. Marami pa daw syang tatapusin at kung may mga dapat daw akong gawin para sa school ay dapat daw na umuwi na ako ng maaga.

Agad akong nagpasundo kay Kuya Joel, pero pagbaba ko ng building ay agad kong nakita si Benjamin doon nakasandal sya sa kanyang Genesis at abala sa phone, siguro ay may katext sya pero ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa aking bulsa ay naisip kong baka ako ang tinatawagan nya kasi nilagay nya sa tenga nya iyon, saka nag angat ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin.

Ngumiti ako ng kaunti saka ko kinuha ang phone ko sa bulsa ko, sinipat ko ang screen noon at hindi nga ako nagkamali, pero hindi ko na iyon sinagot. Pinatay nya ang tawag at winagayway ang kanyang cellphone sa ere. Huminga ako ng malalim.

Naglakad sya patungo sa akin. Para salubungin ako, nagulat ako ng nagbeso sya sa akin. "Dinner?" Malambing nyang sabi sa akin. Nanlaki ang mata ko ng biglang may tumawag sa akin.

"Ms. Francine!" boses iyon n Kuya Joel kaya naman lumampas ang mata ko kay Benjamin at saka ko bumaling kay Kuya Joel, ngumiti lamang ako at sumenyas na sandali lamang.

"Benj, anong ginagawa mo dito?" Mahinahong tanong ko sakanya.

"Sinusundo ka...." Bakas sa mukha nya ang irita, kahit na nakangiti sya.

"Hindi mo na ako pwedeng sunduin, may sundo na ako..." May diin sa mga salita ko.

"Palagi bang hindi pwede pag ako? Pero pag si Steven....pwede?" May diin na din ang pananalita nya, alam kong masama ang ginagawa ko sakanya pero di ba mas masama pag hinayaan ko pang maging mas malalim ang samahan namin kahit na alam kong hindi naman na pupwede.

"Hindi naman sa ganon per---"

"Oo... ganon.... yon.." Mahina pero klaro ang pagkakasabi nya doon.

"Ms. Francine....may problema po ba?" Tanong ni Kuya Joel na nakalapit na pala sa amin. Umiling ako at ngumiti kahit na nahihiya na ako sa kanya. Si Benj naman ay halatang nainis na sa presenya ni Kuya Joel.

Muli akong bumaling kay Benj gamit ang mga matang humihingi ng paumanhin. Alam kong, alam nya ang ibig kong sabihin.

Pagod syang tumango at umalis matapos akong muling ibeso. Nakahinga akong maluwag ng naglakad na sya patungo sa sasakyan nya, sumunod naman ako doon na kasama si Kuya Joel dahil na din sa magkasunuran lang ang parada ng sasakyan namin. Nakita ko sa mga mata ni Benj na nasaktan ko nanaman sya, pero hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sakanya para lang tigilan na nya ako...

Lulan na ako ng FJ Cruiser, palabas na kami sa bakuran ng SGC ng bumaling ako sa kotseng nasa gilid namin na palabas din sa bakuran doon...nanlaki ang mata ko ng makita ko doon ang kotse ni Steven...ang Toyota Celica nya...nakababa ang salamin ng bintana nito sa side nya at mataman syang nakatingin sa akin. Alam kong tinted ang kotse na gamit ko pero hindi naman heavy tinted kaya dahil sa medyo maliwanag pa ay alam kong kita nya ako doon, ngumisi sya sa akin at ako naman ay natulala nanaman doon, nauna ang sasakyan nyang nakapasok sa highway kaysa sa amin kaya naman mabilis na nawala sa paningin ko ang sasakyan nya.

Kainis, bakit ba kailangan nya pa akong ngisian ng ganon? Alam kong gwapo sya pero hindi ko sya pwedeng gustuhin, kahit na alam kong noon at halos mahulog na sakanya ang puso ko sa ilang oras lang na nakasama ko sya.

Matapos ang hapunan ay agad akong tumulak sa kwarto ko para mag-asikaso. Maghapon hindi nagparamdam sa akin si Sir, siguro ay sobrang busy nya ngayon, pero inaasahan ko padin na darating sya mamaya, at tatabihan nya ako....

Tinapos ko ang mga papers ko para sa school na dapat kong ipasa bukas, kasi sa Friday pa ang pasahan noon pero dahil aalis nga kami ni Steven at dapat kong ipasa iyon ng mas maaga... tutal naman ay halos tapos ko na din naman iyon. Pinayagan ako ni Steven na 'wag ng pumasok bukas. Sinabi ko na din kasing may pasok ako ngayon at may ipapasa pa akong papers sa school. Pumayag sya at ayusin ko na din daw ang mga dadalhin kong mga gamit.

Matapos kong gawin ang mga dapat tapusin ay nahiga na ako sa kama ko... dinama ko na ang lambot nito pati ang malamig na hangin dahil sa aircon. Di ko pa alam kung paano ako magpapaalam kay Sir... papayag kaya sya?

Pero mas excited akong makasama sya kaysa sa magpaalam...

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon